GENRE: COMEDY/ROMANCE/PSYCHOLOGICAL
Renfield Syndrome, Psychiatrists are aware that there exists a behavior known as "clinical vampirism," which is a syndrome involving the delusion of actually being a vampire and feeling the need for blood. This arises not from fiction and film but from the erotic attraction to blood and the idea that it conveys certain powers, although the actual manifestation of the fantasy may be influenced by fiction. It develops through fantasies involving s****l excitement. (C) Wikepedia
PROLOGUE
TOKYO, JAPAN
"Claude, two years na, makakapunta na naman tayo sa Paradiso, I missed Philippines, though I love to stay here in Japan, but nothing compares to your family resort!" Si Takumi, habang nakatingin 'to sa full length mirror at guwapong-guwapo na naman sa sarili.
"Rest, rest, rest, sana naman mas maayos ang buhay natin sa Phil." si Blue, na kumakain ng ice cream na nasa tea cup at nakasalampak sa carpet. "Masaya naman tayo sa band, pero gusto ko ‘ring maging normal na tao minsan. Hindi iyong mabubugbog tayo ng fans kapag nasa public tayo," he pouted.
"Hay! Even I'm not in a famous band," Takumi brushed his hair, "Girls will drool over my hot body..." Hinagod nito ang half naked na katawan pababa habang kinakagat nito ang ibabang labi. "Kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako magiging normal."
"You know what..." Ruki while turning his book to another page. Nakakrus ang mga binti nito, nasa ibaba niya si Blue. "Narcisong Narciso ka na. Takie, Please, give us some air na wala 'yang hangin mo, toxic..."
"Ano?!" inis na pumunta si Takie sa harapan ni Ruki.
"I'm going back to Philippines as early as tomorrow." si Claude.
Napatingin kay Claude ang tatlo, nasa kabilang sofa si Claude nakahiga at nakatabon ang mukha nito ng unan.
"May three—"
"Tell them I'm sick, not able to attend their bullshits," putol ni Claude kay Ruki.
Inalis nito ang unan sa mukha at naupo, sinuklay din nito ng kamay ang mahabang buhok na tumabing sa mukha. Claude has those pair of light brown eyes, but it looks empty and cold.
Tiningnan ni Ruki si Takumi na nakatayo.
Tumango si Takumi na tila naunawaan si Ruki.
"Okay,” si Ruki na isinara na ang libro.
"Isama mo 'ko, Claude! Magliligpit na 'ko nang gamit ko," si Blue na tuwang-tuwang tatayo pero pinameywangan siya ni Takumi.
"You'll stay with us."
"But I'm tired, Tell them I'm tired of their... just tired!" Blue, pouted.
"With us." Matigas na sabi naman ni Ruki nang balingan siya ni Blue.
"Bakit ganyan kayo sa 'kin!" inis na sabi ni Blue.
Tumayo na si Claude at iniwan sila. Umakyat 'to sa 'taas kung nasaan ang k'warto nito.
"Hindi siya uma-attend ng check-ups niya, tingin mo ba nagiging masamang kaibigan niya na tayo?" si Takumi na pasalyang umupo sa kaninang inuupuan ni Claude.
Napaigtad si Blue nang takpan ni Ruki ang magkabilang tainga niya, tiningala niya 'to at nakita niyang bumuka ang bibig nito pero wala siyang narinig sa sinabi nito. Binalingan niya si Takumi at nakita niyang nalungkot 'to. Nadala naman siya ng kakaibang lungkot no'n pero bumalik naman 'to kaagad sa sigla.
Binukas ni Ruki ang TV at unang bumungad sa kanila ang Rival band nilang RSYND. Katatapos lang ng concert ng mga 'to sa Spain and it was a huge success.
"That deep blue set of eyes, the color is heavenly but that man looks intimidating and creepy." si Blue. Ang tinutukoy nito ay ang band leader ng RSYND na si Calvin Rousseau.
"So are you saying that you are heavenly?" si Takumi na binalingan si Blue na namula.
"EYES!" malakas na wika ni Blue, nahihiya ang pakiramdam niya.
"Bibigyan kita ng babae, gusto mo ba?" si Takumi kay Blue.
"No. he's too young," si Ruki.
"Mommy..." si Blue na tila tuwang-tuwa kay Ruki.
Nag-init naman ang ulo ni Ruki, "Bakit mommy imbis na daddy?!" pinitik niya 'to sa noo.
"You cared for me like my mommy," ani Blue na ngiting-ngiti kaya naman nangiti rin si Ruki.
"Kahit magkakaedad lang tayo?" si Takumi.
"Iba 'yong advance ng isip mo sa kanya," si Ruki.
"Tsk, kung ikaw talaga ang susundin nitong si Blue, panigurado tatanda kayong binata dalawa, e!"
Habang nakahiga sa kama niya si Claude tinignan niya ang cellphone. Nangunot ang noo niya nang makita na naka-open 'yon sa fanpage nila, si Takumi, ginamit na naman nito ang cellphone niya.
Social media is not his thing.
While some bands wanted to make their audience happy, sadly, he's not on the same boat.
He's singing to clear his thoughts.
Singing is his only escape.
Reality sucks.
Life is not that meaningful for him.
Dying might be peace.
Savior? No need.
I-out niya 'yon nang ma-click niya ang kung ano man na notif. na nag popped-up bigla. Sa ganoon kaliit na bagay nairita siya, napakaiksi ng pasensiya niya, as usual.
Comment 'yon sa posted fan-art nang kung sino mang fan kung saan half naked silang tatlo maliban kay Blue na kung ituring ng fans nila ay inosenteng-inosente at kung kani-kanino pang lalaking pinapareha.
Takumi knows how to appreciate their fans, as well as Blue, kaya mahilig ang dalawa na pumansin nang pumansin, lalo si Blue. Silang dalawa ni Ruki ang walang interes sa social media.
"Babe, Claude! You're so hot! Later, I'll show you no mercy in bed!"
Hindi niya alam bakit nangiti siya nang mabasa ang comment na 'yon. Out of curiousity, tiningnan niya ang profile ng babae, this is the first time na ginawa niya 'yon.
Nakita niya kaagad ang cover photo nito sa isang beach, nakatalikod 'to at half-body lang ang kita. Maganda ang kurba ng katawan nito, at masyado atraktibo ang bahagi ng leeg at balikat nito. Inalis niya ang tingin do'n at tiningnan ang profile picture nito, hanggang balikat lang 'yon.
"Pretty." Komento niya.
Yuki Sanchez Sawajiri
Nawala bigla sa screen ang itsura nito at lumitaw ang tawag ni Suzy, mula sa Pilipinas.
"Hey." walang siglang aniya na ini-loud speaker lang 'to.
"Ngayon ko lang nalaman 'yong concert ninyo, I'm so excited to see you!"
"Yeah, see you soon..."sagot niya, dry as usual.
"I love you!" masigla pa rin 'to, shrugging his dryness as expected.