MDC 10: HURT

2664 Words
  YUKI Akala ko simula na nang magandang relasyon sa pagitan namin ni Claude 'yong huling gabi na nginitian niya 'ko. Pero kinabukasan, nagbago siya—mas malamig sa pangkaraniwan. Sabi ko sanay na 'ko sa kanya, may mood swing naman talaga siya. Pero ilang araw na rin, at bihira na rin siya umuuwi. Ilang beses akong sumubok tanungin si Ruki, pero sinasabi niya lang na 'Wag mo na lang isipin nang isipin'. Ang hirap naman no'n! Hindi niya na 'ko halos kinakausap. Hindi 'yong pangkaraniwang sungit niya ang isinasagot niya sa 'kin, kundi 'yong parang iritang-irita na siya at kung 'di ako titigil, palalayasin niya na 'ko? Hinanda ko naman ang sarili ko sa dadaan lang siya sa buhay ko, pero bakit parang ang sakit? Bakit parang mas matindi pa sa first heart break ko? Bakit kasi ako umasa? Bakit kasi ang feelingerang frog ko? Pinahid ko 'yong luha ko, isang linggo na siyang ganito sa 'kin. Para ngang iwas na iwas siya, at nararamdaman niya t'wing magsisimula akong magtanong. Sinusubukan ko naman na maging hyper araw-araw, pero ayaw nang lumabas ng boses ko. Sabi na, hindi naman siya seryoso sa 'kin. Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. "Ruks!" masigla 'yong boses ko nang sagutin ko 'yon. Nakagat ko 'yong ibabang labi ko dahil parang sasabog ang puso ko. Kainis, nakakawala ng ganda ang pagiging heart broken, s***h pala-asang frog! "Ipinagpaalam na kita kay Claude, kailangan ko ng makakatulong sa pagsasaayos ng unit na nabili ko, pumayag naman siya." Masaya siya, buti pa siya. "Susunduin kita." "Okay!" masiglang sagot ko, ayokong habaan baka mabasag lang 'yong boses ko, ayoko nga nang may nakakaalam kapag nasasaktan ako. Nadaanan ko si Claude sa sala, nakatingin lang siya sa cellphone niya. "Aalis muna 'ko," "Mag-ayos ka na rin ng gamit mo, pagbalik mo." Wala lang na sabi niya saka iniabot sa 'kin ang tseke nang 'di ako tinitingnan. Nakatitig lang ako sa kanya. Tapos na 'yong trabaho ko? Pero hindi naman 'yon ang dahilan bakit pigil na pigil akong lumuha pero hindi ko 'yon mapigil talaga, nakakainis! Alam mo 'yong pakiramdam na parang may ginawa kang kasalanan pero hindi mo alam kung ano 'yon, at wala kang mahanap na sagot kung ano 'yon dahil kahit anong isip mo, alam mo na wala ka namang mabigat na nagawa para pakitaan ng ganito? "Ma..maya na lang," tinalikuran ko siya. Kaagad kong pinahid ang luha ko. Masisira ang kagandahan ko. Hinintay ko sa gate si Ruki, dumating naman siya after twenty minutes. Nakangiti siya kaya nangiti rin ako kahit pilit na pilit. Kinaya ko 'to noon sa unang boyfriend ko, tumagal pa kami ng two years, bakit hindi ko 'to kakayanin sa wala pang isang buwan na lalaking nakasama ko? Pero gusto ko na siya, dalawang taon na! "Tutulong din si Blue," si Ruki habang nag-drive. "Mabuti naman, mas mapapabilis tayo no'n." Bumagsak na talaga 'yong luha ko uli. Ilang beses ko 'yong pinunasan para 'di niya mapansin. Pero sa sobrang pagpipigil ko, hindi ko na kontrol ang sarili ko, parang sasabog na kasi 'yong puso ko, kaya isinubsob ko na 'yong mukha ko sa palad ko at malakas akong umiyak. Hindi kumibo si Ruki. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Hindi siya nagtanong, nagpapasalamat ako ro'n. Umasa kasi talaga 'ko. Ang paasa niya sa parteng 'yon, b'wisit siya! Nahalikan niya 'ko sa ibang paraan, nakuha pa niya 'yong harapan ko, at nag-iwan pa siya ng mga bite mark niya na sa dalawang taon ko sa first boyfriend ko, hindi nangyari, tapos, ganito lang? Walang proper explanation? Ba't di na lang niya sabihin na nakulangan siya sa size ng harapan ko, at gusto niya 'yong halos malulunod siya. Atleast kahit 'yon, 'di ba? May explanation! Hindi 'yong aabutan ka ng tseke at pauuwiin na! Mas lumakas 'yong pag-iyak ko. Bakit naman ang sakit nito? Saglit pa lang naman 'yon, saka prepared naman ako na hindi siya pangmatagalan, kasi langit ako, lupa siya! Inabutan ako ni Ruki ng bottled water. "I'm so...rry. Prom..ise, mas makakapag...linis ako sa gani...tong state ko," sisigok-sigok na 'ko. "Sorry, hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa 'yo." Nilingon ko siya at mukha namang gusto niyang may gawin para sa 'kin. Nginitian ko siya kahit umiiyak pa rin ako. "Ka...ya ko 'to, ang gan..da ko kaya," ngumawa uli pagkatapos. Pero hindi na rin naman 'yon nagtagal dahil unti-unti na 'kong kumakalma. Naubos ko na rin 'yong pangtatlong bottled water na iniabot ni Ruki, nagtitinda yata 'to ng mineral water, e. Nakarating kami sa unit niya after almost one hour and a half. Naroon na si Blue at nakangiti niya 'kong sinalubong pagkapasok ko pero kaagad 'yong nawala at masyadong expressive 'yong mata niya na nalungkot siya. Niyakap ko nga siya, hindi ko alam bakit wala akong malisya sa kanya. Ang gaan-gaan nang pakiramdam ko sa kanya. Nagsimula na naman akong umiyak, kainis.  "Namamaga na 'yong mata ko, mukha na talaga 'kong frog nito!" "Sinaktan ka ba nino, Yuki?" si Blue. "May sungay siya," sagot ko. Nang mapansin ko na sumisinghot-singhot na rin siya. Tiningala ko siya. "Hala, bakit?" pinahid ko 'yong luha ko. "Don't cry na, ha?" hinawakan niya 'yong magkabilang balikat ko. "Ikaw na 'yong umiiyak, e." Doon na 'ko nangiti talaga ng totoo. Palagi ko siyang ka-text, ang sipag nga niyang mag-text. Pero hindi about sa love life ang usapan namin, palaging comedy movie na napanood niya na napanood ko rin. Minsan tinatawagan niya 'ko, at pipilitin ko siyang pakantahin at hindi niya 'yon gusto, pero mapipilitan siya dahil akala niya nagagalit ako. Ang sabi nga niya, gusto niya 'ko, pero dama ko na 'yong 'gusto' na sinasabi niya ay 'friends' lang, parang hindi pa nga 'to marunong sa love life. Pero everyday, simula ng magpalitan kami ng number no'ng niloko niya 'ko tungkol sa piranha, walang good morning and good night siyang pinalampas. Si Ruki naman, kapag may sasabihin lang talaga tatawag. Hindi naman siya pala-text. Hindi siya pala-salita, pero isa 'yon sa gusto ko, lalo pa't hindi ko nga kailangan ng words para i-comfort ako, kailangan ko talaga ilabas 'tong nararamdaman ko sa pag-iyak. Iyong presence niya na may kasama ko, okay na okay na 'yon sa 'kin. But, honestly. Binigyan nila 'ko pareho ng positive vibe. Hindi ko akalain na maganda rin pa lang magkaro'n ng lalaking kaibigan. Sinubukan ko uling tanungin si Ruki, pero hindi ko talaga siya mapagsalita. At sa t'wing gusto ko namang ibaling kay Blue ang tanong, kinakagat ko na lang 'yong dila ko dahil tingin ko maaapektuhan siya. Kung pribado 'yong rason, wala na 'kong pagpipilian kundi sa taong 'yon mismo magtanong. Hindi ako aalis na naiwanan sa ere. Kailangan ko ng sagot, para mas madali kong matanggap, kahit sabihin niya na 'trip lang' ang lahat, tatatanggapin ko. Atleast, hindi ako nangangapa at nanghuhula sa dilim. At bukas din naman ako sa possibility na baka may nagawa akong hindi niya nagustuhan. Pinilit ko si Ruki na ihatid ako, kahit gabing-gabi na. Alam ni Claude hindi ako uuwi, pero gusto ko na siyang makausap tungkol dito. Tao sa tao, wala munang langit ako, at lupa siya. Lahat naman ng susi mayro'n ako, maliban lang sa k'warto niya na tingin ko nga kay Takie niya lang ibinigay ang katulad. Hinintay ko na makaalis si Ruki, bago 'ko pumasok sa loob. Wala si Claude sa sala, at hindi naman 'yon nagtatagal sa kitchen. Mas kilala ko siya na sa k'warto niya maglalagi kesa sa kung saan-saang parte ng bahay. Patay ang ilaw sa second floor. Pero bukas ang ilaw sa k'warto niya na sa tingin ko nakabukas. Ginaanan ko lang ang mga hakbang ko, hindi ko na ipagpapabukas pa 'to. Aalis ako kung iyon ang gusto niya, pero hindi niya 'ko p'wedeng itapon palayo ng hindi niya 'ko binibigyan ng dahilan. Nang naro'n na 'ko, hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko. Naroon siya, pero hindi ko magawang magsalita dahil nakita kong hinihiwaan niya ng blade ang braso niya. Marami ng dugo sa ang lumalabas sa mga 'yon. Pupuntahan ko na siya para pigilin ng mapahinto akong muli dahil nakita kong inilagay niya 'yon sa bibig niya. Nagitla ako sa nakit a ko. Bumalik sa alaala ko 'yong mga nakita kong dugo sa sapin, 'yong benda niyang may bakas ng dugo, 'yong huling tanong niya sa 'kin bago kami humantong sa ganitong sitwasyon. At iyong hindi niya napigilang sipsipin ang daliri kong nasugatan. "Have you heard about Clinical Vampirism?" "Oo. Pero hindi naman 'yon totoo, about ba do'n 'yong binabasa mo kanina?" "What if—" "Pero nakakatakot kung totoong may tao na umiinom ng dugo, sa novel lang naman hot ang mga Vampires, in reality hindi ko talaga ma-imagined." Walang iba sa k'warto niya dahil malinis 'yon bukod sa mga nakasulat na lyrics sa walls no'n. Hindi ko alam kung kanta ba nila 'yon o iba. At isa pa sa umagaw ng atensiyon ko ay ang picture ng isang babae kung saan nakasindi ang katabing puting kandila no'n—his mom? Naninikip 'yong dibdib ko. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Hindi siya nakakatakot tingnan, hindi ko alam kung anong tingin ko, basta ang alam ko gusto ko siyang yakapin. Hindi ko na naman napigil 'yong mga luha ko. Sumakto 'yon sa pagbaling niya sa p'westo ko, at kitang-kita ko 'yong gulat niya sa mukha. Humakbang ako papasok. "Get out!" malakas na sigaw niya. Nanatili akong humahakbang kahit mas galit siya kesa sa pangkaraniwan. Hindi siya sumusubok magpakamatay, dahil ang mga hiwa niya'y hindi naman niya itinatapat sa pulso niya. Noong nakaraan, hindi niya na 'to ginagawa kumpara noong mga unang araw na nakikita ko na palagi siyang nakabenda, at kung lalabas naman ay may gloves siya sa kamay. Pero nakita kong hilom na 'yon no'ng nakaraan. Kailangan kong malaman, anong dahilan kung ano ang nagiging dahilan para gawin niya 'yon. Lumapit siya sa 'kin at hinila 'ko nang marahas, nasasaktan ako kaya inalis ko ang palad niya kahit pa tila gigil na gigil ang pagkakakapit no'n sa 'kin. "Isang linggo kang hindi kumikibo, hindi mo 'ko binibigyan ng dahilan. Wala naman akong karapatan para mag demands, iyong relasyon natin, isa lang naman malaking joke 'yon para sa 'yo. Pero hindi kasama do'n 'yong nararamdaman ko para sa 'yo!" Pilit kong inaalis ang kamay niya. Hindi niya 'ko tinitingnan. Pumapatak ang dugo mula sa kabilang kamay niya. "Bumalik ka na sa k'warto mo, bukas umalis ka na." Mahinahon niyang sinabi 'yon pero sa bahagi ng pintuan siya nakatingin, tinatalikuran niya 'ko. "Kausapin mo 'ko nang maayos!" "Umalis ka na." Lalong humigpit ang kapit niya sa 'kin. "Gusto kita, mahal kita, mahal na mahal na nga kita at hindi na dahil ikaw si Claude na crush na crush ko. Sinubukan ko naman na pigilin na mahulog nang husto sa 'yo, pero hindi ko naman 'yon nagawa—" Matalim na tingin ang isinukli niya sa 'kin. "So, you'll see, the real me is a monster." May sarkasmo sa boses niya. "Hindi 'yan totoo—" "Nakakatakot ang 'tulad ko 'di ba?" Sa magkabilang braso niya na 'ko hinawakan. Halo-halong negatibong emosyon ang mga nasa mata niya. "Hindi—" "Sa 'yo nagmula 'yon! Hindi mo kailangang magsinungaling sa 'kin, dahil unang-una hindi ako maniniwala sa 'yo, dahil maging ako, hindi ko gusto ang sarili ko!" "Maraming tao ang tatangap sa 'yo, isa na 'ko do'n, maraming humahanga sa 'yo—" Wala akong pakialam sa ibang tao, dahil kahit anong dami ng taong nakikita ko sa concert, nag-iisa pa rin 'yong pakiramdam ko! Nandiyan lang sila dahil sa mga kanta ko, pero kung mawawala ang boses ko, mananatili ba sila sa 'kin?! " Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Damang-dama ko na 'yong sakit sa mga salita niya. Hindi ko na halos maramdaman 'yong sakit ng pagkakakapit niya dahil mas masakit 'yong kumukuyom sa puso ko. "May mga kaibigan ka at pamilya—" "They eventually get tired of me." "Hindi 'yan—" "Bibigyan mo rin ako ng mga salita na hindi ko naman kailangan?!" galit na sigaw niya sa 'kin. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagpipigil na mas lumakas ang pag-iyak ko. "Sinubukan ko naman lahat, pero hindi pa rin ako maging masaya sa buhay ko. Marami na 'kong pera, pag-aari, pero hindi ko magawang maging masaya ng matagal do'n. May mga taong nakapaligid sa 'kin pero hindi ko makita na lahat sila magtatagal sa buhay ko. Gusto ko ng mamatay, pero tingin ko hindi sapat 'yong kabayaran dahil hindi ko na maibabalik 'yong buhay ng mama ko, sabihin mo, Yuki... Paano ko mabubuhay ng maayos kung 'yung malaking parte ko naiwan sa nakaraan?" Unang beses niya lang ako na tinawag na Yuki, sa ganitong paraan pa. Madalas, sa pagpapayo, dinadaan ko sa biro para mas magaan, pero hindi ko kayang gawin 'yon sa punto na 'to. Hindi ko magawang tingnan 'yong mga mata niya, hindi ko siya gustong lumuluha. Okay lang naman na ako na lang, okay lang talaga sa 'kin na ako na lang 'yong masaktan, basta, hindi siya. Kung p'wede ko lang na hatian siya sa sakit na nararamdaman niya, mabilis ko 'yong ginawa. Lumuwag ang pagkakakapit niya sa 'kin at kinuha ko 'yong tiyansa para yakapin siya. Pinilit niya 'kong alisin sa kanya pero hindi ko siya binitiwan. Hindi ko gustong iwanan siya, at hindi ko rin gustong makitang umiiyak siya, ang sakit-sakit kasi no'n. "Kung hindi ako nagpumilit na manatili sa bahay kasama siya, dahil hindi ko gustong sumama siya no'n sa Cebu kay papa para sa business meeting. Sana buhay pa siya, sana hindi niya kinailangang mamatay para sa 'kin... Yuki, nakita ko siyang namatay sa harapan ko, ilang araw ko siyang nakasama na duguan at wala ng buhay ng lumindol at nasa underground kami ng bahay. Hindi 'yon mangyayari kung hindi ko pinilit na manatili siya sa tabi ko!” "Hindi mo 'yon kasalanan..." pinilit kong buoin ang mga salita ko sa pagitan ng pagsigok. "Kasalanan ko 'yon, parusa sa 'kin ang pinagdadanan ko ngayon. Pinilit kong mabuhay sa pag-inom ng sarili kong dugo, at kahit nasagip na 'ko, hindi ko na rin 'yon naialis sa 'kin..." Mas hinigpitan ko 'yong yakap ko sa kanya. Gusto ko na ibukas niya 'yong sarili niya sa 'kin, pero hindi ko akalain na masyadong malalim 'yong sugat niya, at matagal niya na 'yong dinadala. Inalis niya ang mga kamay ko at tinalikuran na 'ko. Pero muli ko siyang niyakap mula sa likuran. "Matagal ko nang napapansin 'yon, Claude. Iyong dugo sa sapin, iyong benda sa braso mo, iyong madalas mong pagkukulong sa k'warto mo, maging 'yong pag-iwas ng kaibigan mo sa mga tanong ko. Lahat 'yon napapansin ko pero pinili kong manahimik dahil hinintay kitang sabihin mo 'to lahat sa 'kin. Oo, sinabi ko sa 'yo na kung totoo na may 'tulad mo, matatakot ako, iyon 'yong opinyon ko dahil sa mga salita lang naman na 'yon umikot ang alam kong itinatanong mo. Pero hindi naman do'n kasama kung ano 'yong posibilidad na dahilan para magkaro'n ng gano'n ang isang tao. Kahit hindi mo ko mahalin, hayaan mo 'kong manatili sa 'yo, hindi ko kayang ipangako sa 'yo na kaya kitang gamutin, dahil alam ko, ikaw ang makakagawa no'n para sa sarili mo. Pero kahit hayaan mo na lang ako na manatili sa 'yo, hanggang nandito ka, hindi naman ako mayaman para masundan ka sa iba't ibang bansa, pambili nga ng ticket ng concert ninyo, wala ako. Pero kahit wala ka na rito, kahit hindi m na 'ko pansinin, kahit kalimutan mo na 'ko, hindi ko 'yon gagawin sa 'yo, mahal na mahal kaya kita," iyong luha ko, ang dami masyado. Ayaw tumigil... Hindi siya nagsasalita. Pero pinakikinggan niya 'ko kaya pinili kong magsalita. "Hindi ko man narinig nang mas maayos ang k'wento na nangyari sa mama mo, pero sigurado 'ko na kahit ulit-ulitin 'yong pangyayari na 'yon, pipiliin niyang mas makaligtas ka. Gano'n ang magulang, unconditional love 'yong ibinibigay nila para sa 'tin, at mas nasasaktan sila kapag nasasaktan tayo. Kaya idaan natin 'to sa proseso, hindi ko ipipilit sa 'yo na itigil mo 'yong pag-inom ng dugo mo, pero uunti-untiin nating alisin 'yan sa 'yo, hindi mo naman 'yan gusto hindi ba?" "Yuki..." "Pero kung gusto mo, p'wede naman dugo ko na lang. Mukha namang yummy ang dugo ko, pero baka hindi 'yon healthy paggaling sa iba—" Inalis niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya. Akala ko paaalisin niya na naman ako nang harapin niya 'ko pero bumaba ang mukha niya at hinalikan ako. Marahan lang 'yon, dampi lang kung tutuusin pero bakit mas naiyak ako? Kailan pa 'ko naging ganito ka-iyakin! Niyakap niya 'ko, hindi ko alam kung gusto pa niya 'kong pahingahin o patayin na dahil sa kadaldalan ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD