HINDI ko na siya inabutan sa tabi ko nang gumising ako. Napansin ko lang na nakakumot na 'ko na alam ko na hindi ko ginawang gamitin kagabi dahil nga mas mainit ang pakiramdam na katabi siya kesa mag-isa.
Naghanda na 'ko ng almusal, sumunod ang tanghalian. Pero parang 3:00 pm na hindi pa rin siya bumababa. Nasa k'warto niya siya dahil naro'n naman 'yong sasakyan niya.
Nagdesisyon na 'kong katukin siya sa k'warto niya. Kung 'di lang ako nasanay na may araw talagang halos 'di siya lumabas ng k'warto niya baka alalang-alala na 'ko ngayon. Pero ewan ko ba, strange 'yung feeling ko sa mga oras na 'to.
Ilang beses ko siyang binalikan sa k'warto niya pero wala talagang sumasagot. Tatawagan ko na nga si Ruki at Blue, sila lang may number ako sa mga kasamahan niya. Pero bago ko pa 'yon magawa may sasakyan na 'kong narinig kaya naman nagmamadali akong lumabas.
Ibinukas ko 'yong gate ng makita ko na si Takie 'yon, may kasunod siyang shihtzu. Iniwan niya 'yong sasakyan niya sa labas at sila lang 'yong pumasok sa loob. Ang meaty niya talaga. Pero bago pa 'ko makapagsalita, nauna na siya sa loob, deadma 'yong beauty ko?
Pumunta nga siya sa k'warto ni Claude ng 'di nagtatanong ng kahit na ano sa 'kin. Siyempre, sumunod ako, dahil kukutusan ko si Claude kapag pinagbuksan niya 'to ng pintuan at hindi ako—
May duplicated key, siya?! Hindi applicable sa kanya 'yong bawal pasukin 'yong k'warto ni Claude?!
Isang oras yata 'kong nakatayo lang do'n sa nakasarang pintuan. Hanggang magulat ako ng bumukas 'yon at lumabas si Takie, napatingin din siya sa 'kin, pero ngayon lang niya 'ko nginitian.
"Mabilis talaga siyang magkasakit," sabi niya.
Bakit hindi ko masabi sa kanya 'yon? Strange.
"Excuse," 'tinaas niya 'yong phone niya na nag-ring at kinausap kung sino man 'yon. Pababa siya ng hagdanan.
Bago ko sundan si Takie, sinipa ko 'yong pintuan ni Claude.
"Pabebe!"
Ipagluluto ko na lang siya kung may sakit siya. Nakatayo si Takie sa bukas na refrigerator habang may kausap. Balak niya rin magluto at alisan ako ng role?!
"Sa Sunday na lang, may sakit si Claude."
"Oo, palagi naman siyang may sakit, may bago ba do'n?"
Tumawa pa siya, "He's my first priority, I'm sorry..."
"Yeah, dito 'ko mag sleep over, kahit hindi naman ako makakatulog sa pagtingin sa kanya."
My ears! Hindi ko gusto kung ano 'yong tumatakbo sa isipan ko! Itong lalaking 'to kaya wala akong vibes ng kaharutan sa kanya, dahil siya ang karibal ko kay Claude, sila ni Suzy! Pero bakit mukhang siya ang tinawagan ni Claude para sabihing may sakit siya?
"Ako na 'yong magluluto," presinta ko.
Baka lamunin na siya ng ref, wala pa rin siyang maisip na gagawin. Kanina pa bukas ang ref.
"Thanks, ikaw muna rin ang tumingin kay Tiffi, hindi gusto ni Claude si Tiffi sa k'warto niya."
Naalala ko 'yong Shihtzu niya na nasa paanan niya.
Iniwan niya 'ko na malalim ang iniisip.
"Hey, may relasyon ba sila, Tiffi?!" duro ko sa aso na nakatingin sa 'kin. "Sumagot ka! May green blood cells ba sila?"
"Uror!" sagot ni Tiffi.
"Anong uror?!"
"Pati aso, pinapatulan mo,"
Napatayo akong bigla, narinig ko si Claude. Nabuhay na naman ang dugo ko.
"Bakit tumayo ka na?"
Iyong boses ni Takie, ang kasawian ng dugo kong binuhay ni Claude. Hindi talaga maganda ang vibes ko sa lalaking 'to, nawalan tuloy ako ng ganang haplusin siya. Siya na lang pa naman ang kulang sa GZ na hindi ko pa nachansingan.
"I'm good." Sagot ni Claude kay Takie.
"Nagugutom ka ba?" ewan ko ba, may inis sa boses ko na mukhang nahalata niya dahil tumaas ng bahagya ang kilay niya.
"Yes." Hinang-hinang sagot niya.
Humila si Takie ng upuan para sa kanya.
Ang gentle dog naman po pala.
In an instant, out of place ako dahil hinahainan ko sila habang abala sila sa pag-uusap.
"Nag-drama ka lang yata ng masama ang pakiramdam mo kaya mo 'ko pinapunta rito," ngising-ngisi naman si Takie, ang hangin talaga ng dating nito, napapatunayan ko na.
"I just don't want you to flirt with those cheap girls in the club."
Lalong lumakas ang kutob ko na ito ang tunay kong karibal.
"Why not admit it, you really missed me, did you?"
Sabihin mong hindi babe!
Ngumiti lang siya kay Takie. Iyong puso ko unti-unti ng nababasag.
"Ang sama naman tumingin sa 'kin ng babae sa likod mo," si Takie.
I rolled my eyes. Hindi tayo close, 'wag kang feeling.
Nilingon naman ako ni Claude at nginitian.
Inirapan ko nga siya.
"Good night, ilagay ninyo na lang 'yong kinainan ninyo at pag-gising ko na lang 'yan huhugasan mga sir?" may sarkasmo 'yong dulong salita. Pero hindi ko na sila hinintay sumagot at tumalikod na 'ko.
"Babe—" rinig ko sa boses ni Claude.
Lumingon ako, "Don't call me babe, unless you mean it." Pero hindi siya sa 'kin nakatingin kundi kay Takie. Babe?
"Akala ko ba matutulog ka na?" masungit na baling sa 'kin ni Claude.
Tinalikuran ko na sila.
Dumiretso ako sa k'warto ko, at kailangan kong mag-emote. Totoong bumabagsak ang luha ko habang tinitingnan ko 'yong sarili ko sa salamin. Hindi ko alam bakit mas gusto niya 'yong kauri niya, I mean hindi naman ako against do'n pero kasi mas naniniwala ako na para sa 'kin siya, at pag-aagawan nila 'ko ni Takie, at hindi sila 'yong magkakagustuhan at ako ang side character!
"Kaya pala sexy ka Claude, dahil mas gusto mo 'yong mighty meaty na katawan!"
Nagsuklay ako, siyempre, nasasaktan na nga 'ko, kailangan pati pag-ngawa ko maganda pa rin ako. Uma-anggulo pa rin ako sa salamin, kailangan talaga maging proud ako na maganda 'ko, iyon na lang ay mayro'n ako, pero aanhin ko 'to kung iyong lalaking gusto ko, lalaki rin ang gusto? Kaso, mukha talaga 'kong alien umiyak. Kumuha na lang ako ng tissue at pinunasan ko ang luha ko.
Pero teka...
Nahinto ang pag-iinarte ko nang maalala ko na ilang beses akong hinalikan ni Claude. Ilang beses niyang ipinakita na attracted siya sa alindog ko, ibig sabihin may pag-asa pa 'ko! Kailangan ko lang ipakita na sa sexy siya at hindi sa malaking katawang si Takie na 'yon mapunta. Kailangan mas mag mukha akong yummy kesa kay Takie!
**
Madaling-araw na nang nakaramdam ako ng uhaw. Antok na antok pa 'ko pero mas pinili kong tumayo para lagyan ang pitsel ko ng tubig para hindi na 'ko pabalik-balik.
Hindi ko na pinansin ang gulo-gulo kong buhok dahil mas malakas ang katamaran na nararamdaman ko. Hindi ko na rin inabalang palitan ang suot kong roba dahil hamak na oras naman at paniguradong tulog na 'yong dalawa.
Imbis na pababa ng hagdanan, tumungo ako sa k'warto ni Claude at idinikit ko 'yong tainga ko sa pintuan. Paano kung sinasamantala ni Takie ang sakit ni Claude? Paano kung may ipinapagawa siya kay Claude na labag sa kalooban nito? Paano kung--
Nagulat ako ng bumukas ang pintuan.
Magkasalubong na kilay ni Claude ang sumalubong sa 'kin.
"He-he-he, baka nauuhaw ka aalukin kita," taas ko sa pitsel.
Lalo lang nagdikit ang kilay niya nang mapansin na wala naman laman 'yon.
"Kukuha nga 'ko, si-sige," nagmamadali akong lumakad pababa ng hagdanan at diretso sa kitchen.
Kumuha kaagad ako ng babasaging pitsel sa loob, at hindi na 'ko kumuha ng baso at basta ko na lang 'yon nilaklak. Naka-robe si Claude, at bahagya kong nakita si Takie na natutulog at nakatalikod ang mighty meaty niyang katawan at naka-boxer lang!
This is not happening!
Halos mapangalahati ko 'yon nang ibaba ko 'yon sa mesa.
Hinampas ko ng magkabilang palad ko ang pisngi ko.
Masyado lang akong nag-iisip, mali ang hinala ko.
Napadiretso 'ko nang tayo nang may humawi sa buhok ko patungo sa kaliwa, kasunod ng paghalik sa balikat ko.
"What happened to you? Lumuluwag na naman ba 'yong turnilyo mo?"
Napalunok ako, kung ibang pagkakataon 'to baka sinapak ko siya lalo at nasa gitna ko ng mahalagang pag-iisip. Pero paano ko gagawin 'yon ngayon kung tila napapaos 'yong boses niya at kinagat naman niya ng marahan ang tainga ko.
There's something poking my behind, a kind of monster between his legs...
"Claude—"
Pinihit niya 'ko paharap sa kanya, mainit ang palad niya maging ang katawan niya. Hinawakan niya ng kaliwang kamay niya ang baba ko at marahang inangkin ang labi ko. Ang kanang kamay naman niya ay sa mesa humawak kaya mas naikulong niya 'ko.
Ang marahang halik niya ay nauuwi na sa mas malalim pa. Natuto na 'kong sumabay at kung gaano kataas ang intensidad ng halik niya, ganoon din kataas ang tugon na ibinibigay ko sa kanya. Kusa ko na ring ibinuka ang bibig ko para makapasok ang malikot niyang dila na nagbibigay ng kakaibang ritmo na sinasabayan ng dila ko. Nauubusan ako ng hangin pero mas matindi ang uhaw na nararamdaman ko sa halik niya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nag-uulap ang isip ko.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang hagurin ng dila niya 'yon, habang inaalis niya ang pagkakatali ng roba ko. Hibang na hibang ang pakiramdam ko dahil hindi ko siya magawang pigilin kahit alam ko na hindi lang kami ang tao rito.
Kakaiba 'yong init na nasa loob ng katawan ko, ngayon ko lang 'to naramdaman. Para siyang sumisilab kahit pa nasasaktan na 'ko sa pagsipsip niya sa leeg ko, hanggang sa balikat tila iniiwanan niya ng marka ang katawan ko.
"C-Claude!"
Nahablot ko 'yong buhok niya nang bigla niyang angkinin ang kanang dibdib ko, hindi ko 'yon inaasahan. Masyado 'yong sensitibo, kaya naiilang ako sa umpisa. Pero unti-unti, tila tinangay na naman ang katinuan ko, lalo ng ikulong ng palad niya ang kabilang dibdib ko at marahan 'yong haplusin.
Pigil na pigil ang pag-ungol ko, pero hindi ko na mapipigilan kung ano pang mangyayari sa 'min. May makikirot na bahagi sa dibdib ko ang iniwanan niya.
Hindi ko alam kung maiinis ako na iniayos niya uli ang suot ko at tumungo sa balikat ko. Doon lang din siguro ko nakaramdam ng pagkahiya. Pero hindi pa rin bumababa nang husto 'yong init na nasa katawan ko.
Pareho kaming naghahabol ng hininga.
Nang mag-angat siya ng ulo, nginitian niya 'ko at hinalikan sa noo.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang may kumiliti sa puso ko. Iyong daldal ko, nawala na naman, mas nangingibabaw na naman 'yong pagkahulog ko sa lalaking 'to. Sinusubukan ko naman pigilan, pero hindi na talaga, huli na.
Hindi pa rin ako kumikibo, kaya nga hindi ko alam kung natulala ba 'ko o mabilis lang siya kumilos dahil inaabutan niya na 'ko ng isang basong tubig.
Tungong-tungo 'ko kahit nahihirapan akong uminom.
Hindi ko maikakaila na nagustuhan ko 'yong halik niya sa 'kin, at kahit may kirot akong nararamdaman sa mga markang iniwan niya, hindi ko magawang magalit sa kanya, dahil ginusto ko rin.
Ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko.
"Mali 'yong iniisip mo sa 'min ni Takie. Kaya tigilan mo na 'yong pagiging tamang-hinala mo."
Tiningnan ko siya. Peste ang sexy ng tawa niya ro'n.
"What about Suzy?" hindi ko napigil itanong.
"Wala kaming relationship, just the benefits. Almost a week na rin kaming nag-decide na itigil na 'yon, makakatulog ka na ba?" ngiti niya.
Nagawa ko nang ngumiti ng wagi, at tumango.
Ang ganda ko talaga!
Gusto ko sanang itanong kung ano 'kami' pero baka mamaya 'di ko lang magustuhan ang sagot niya. Dito muna 'ko sa masayang pakiramdam, 'wag niya munang bawiin.
Iyong mata niya, marami 'yong mensahe na 'di ko maintindihan. Parang maraming naglalarong emosyon, iyon bang hindi mo malaman kung masaya ba 'yon o hindi? Pareho 'yong may kislap ng kasiyahan at kalungkutan o baka takot? Pero para saan? O' masyado lang akong nag-iisip, nakangiti naman siya sa 'kin.
Nasa bukana na siya ng kumedor nang magsalita siya. Pero hindi niya 'ko nilingon.
"Have you heard about Clinical Vampirism?"
"Oo. Pero hindi naman 'yon totoo, about ba do'n 'yong binabasa mo kanina?" Naalala ko na mukhang isang Vampire story 'yong binabasa niya kanina.
"What if—"
"Pero nakakatakot kung totoong may tao na umiinom ng dugo, sa novel lang naman hot ang mga Vampires, in reality hindi ko talaga mai-magined. Sorry, ituloy mo na 'yong sasabihin mo." Bumalik na naman ang kadaldalan ko.
Narinig ko na ang tungkol sa sakit na 'yon—Renfield Syndrome ang ibang tawag sa kanya. Limitado lang ang alam ko sa bagay na 'yon, pero alam ko na umiinom siya ng sarili niyang dugo o dugo ng ibang tao, kahit hayop, dahil feeling niya makakakuha siya ng super strength do'n or kailangan niya 'yon para maka-survive. Nakakatakot naman talaga kung makakakilala ka ng may gano'ng kondisyon.
"Baka mamatay ako ng maaga kapag nakakilala ko no'n, ang ganda-ganda ko pa naman," natatawang dagdag ko dahil 'di siya kumibo.
Hindi ko alam kung narinig niya 'ko dahil umalis na siya.
Kilig na kilig naman ako habang inaalala ko kung anong nangyari sa 'min.
Kahit pagbalik ko sa k'warto ko, pabiling-biling ako sa sobrang kilig. Tiningnan ko pa nga 'yong sarili ko sa malaking salamin, at totoo nga na hickey 'yon.
Minarkahan na 'ko ni Claude, ang dami pa, hindi naman niya sinabi na Werewolf pala siya.
Naalala ko 'yong huling tanong niya sa 'kin.
"Kung siya siguro ang Vampire ng buhay ko, okay lang, willing akong magpakagat!"