Ginagamot ko 'yong ginawa ni Claude sa braso niya. Mawawala rin 'tong gawain niya na 'to, napipigilan niya 'to, tingin ko kung hindi naman siya makakaramdam ng nakaka-down na emotion, hindi niya 'to ginagawa. Iniisip ko na 'tong Renfield Syndrome niya ay hindi pa gano'n kalala, sariling dugo pa lang niya ang iniinom niya? Hindi pa rin ako sigurado dahil tinikman niya 'yong dugo ko no'ng nakaraan. Nagsimula lang 'tong RS niya dahil sa isang traumatic experience. Sa pagpapasok niya sa 'kin, alam ko na handa na rin siyang gamutin ang sarili niya, it takes time to heal, but atleast he's moving forward, if only I could stay with him... Magta-trabaho talaga 'ko at magpapa-promote para lumaki ang sahod ko at magawa ko siyang puntahan sa iba't ibang bansa. "Isasama kita kahit saan a