MDC 4: Baka

2142 Words
  Anong oras na wala pa rin siya? Ang hirap naman palang magka asawa ng famous 'laging wala! Makakaisang anak lang kami pag ganito siya ka-busy. Sayang naman ang kagandahan ko at kaguwapuhan niya kung 'di namin pararamihin. Nakatanaw lang ako sa labas ng gate, ang daming stars nakaka-missed sa bahay na maingay na tila laging may giyera, kahit kasi magkakalapit kami kung mag-usap nagsisigawan. Malaki rin ng bahay na 'to. Kung palagi siyang wala, nakakalungkot. Sana 'man lang dalawa kaming kinuha niya para may kak'wentuhan ako. Ang masama pa sa bahay na 'to walang kapitbahay, mamaya may magnanakaw at baka pag-fiestahan pa nila ang kagandahang lupa ko! Papasok na sana 'ko sa loob nang makita ko na may papalapit na ilaw ng sasakyan. Nakumpirma ko na si Claude 'yon dahil iyon ang dala niyang sasakyan. Tumalikod ako at inayos ko ang buhok kong nakalugay, naglagay ng lipstick na mula sa bulsa ko, siyempre handa ako! Ayan! may red lips na 'ko, Mwa-ha-ha-ha! Haharap na sana ako sa kanya nang makarinig ako nang sunud-sunod na busina! Siste! Nahulog ang lipstick ko! Nakakainis naman tapos tila 'di mapakali at paulit-ulit pa rin ang pag-busina kaya halos takbuhin ko ang gate para ipagbukas siya. Akala ko ba maid lang ako rito? Bakit parang pati pagiging guard trabaho ko rin? Nag park na siya sa parking lot ng sasakyan. Napapikit ako nang makita kong nasagasaan niya 'yung lipstick ko, paking tape naman, oh! Five hundred bili ko do'n! Bumaba na siya ng sasakyan, lalapitan ko sana siya pero sa pagsara niya ng pinto tila masisira na 'yon.n "Sir, Claude!" energetic pa 'ko sa pagtawag sa kanya. Pero pag close na kami, sisingilin ko na 'yung five hundred kong lipstick! Walang crush, crush sa utang! "Why?" malamig na tugon niya sa 'kin, nang lingunin niya 'ko. Nakakunot pa ang noo niya pero mananatiling ang guwapo-guwapo niya. "Ten minutes lang makakain ka na, iinitin ko lang ang baka," sa sarap kong magluto pati pangalan niya baka makalimutan niya. "Baka?" siya. "Baka, Cow?" "Are you saying that I'm stupid?" galit niya 'kong hinarap. Baka ang pinag-uusapan namin 'di ba? Totoo nga ata ang balitang nag droga 'to! Baka lang sinabi ko may pag 'stupid? Praning pala 'to, mukhang high na high pa. "You said I'm stupid!" humakbang siya palapit sa 'kin. Ano raw? Ang layo naman ng baka at cow sa stupid! "Wala naman akong sinabing Stupid ka!" pinagdiinan ko pa yung stupid para madama niya. Nangunot ang noo niya at nang tila may naalala, napailing siya at nangiti. "Good night, Snow." Napanganga ko dahil sa pagbabago ng mood niya. "Hindi ka ba kakain ng baka na niluto ko?" medyo pasigaw 'yon dahil nasa hagdan na siya. Ang haba-haba kasi ng binti kaya ang bilis maglakad. Nilingon niya 'ko, "I'm not eating meat, except chicken,"pagkasabi niya no'n nagtuloy na siya sa taas, diretso sa k'warto niya. Halos lumaglag ang panga ko sa sinabi niya. Aba! Siya pala ang stupid pinahirapan ako magluto at maghanap ng baka na 'yan! Nakipagbungguan pa 'ko sa palengke tapos sasabihin niya na hindi siya kumakain ng meat except chicken? Hindi ako papayag na hindi n'ya 'yon kainin! Pinasarap ko nang husto 'yon at halos ubusin ko ang gas para lang mapalambot nang husto, tapos aayaw siya? Kung saksakin ko kaya ng kutsilyo ang lalamunan niya?! Sinundan ko siya sa taas hanggang sa nasa labas na 'ko ng pintuan ng kwarto niya. Inayos ko pa ang buhok ko para mas maging maganda ako at kaakit-akit. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa cellphone ko, sabay smile at tago ulit sa bulsa bago poise na poise na kumatok sa k'warto niya. Isa.. dalawa... tatlo..putik! Labing-limang katok na 'ko wala pa rin nagbubukas! "Ano ba! Bakit ayaw mong ibukas 'to, ha?! Hindi porque sikat ka ginaganyan mo 'ko! Nagpapabili ka ng baka tapos sasabihin mo na hindi ka kumakain ng meat maliban sa chicken? Lumabas ka sa k'warto mo kung ayaw mong ipakain ko sa 'yo lahat ng ulo ng manok sa Pilipinas! Claude Stephen!" pinaglakasan ko ang pagkatok at ang sakit na pero wala pa rin siya. "Claude!" mas malakas na sigaw ko. Hanggang sa bumukas ang pintuan. Inatake ako ng kaba. Baka sakalin niya 'ko. "Bakit gising ka pa?" Inalis niya ang headset niya. Nangiwi ako, kaya naman pala hindi ako marinig. "Baka kasi may iuutos ka pa, alam mo na hindi ako papayag na 'di kita mapagsilbihan mulo ulo hanggang –" "Hanggang?" tinaasan niya 'ko ng kilay at napalunok naman ako. Pinigil ko na 'wag ibaba ang tingin ko at baka maparusahan ako sa salang kahalayan! "Igawa mo 'ko ng coffee walang sugar, marunong ka naman gumamit ng brewing machine?" aniya sabay pitik sa noo ko na nasapo ko agad. Lumabas siya ng k'warto niya, titignan ko sana ang loob ng k'warto niya pero maagap niya 'yon naisara. Nauna siyang maglakad kaya sinundan ko siya sa sala. Yes! P'wede kaming magkausap nito. Kung panaginip talaga na magkasama kami, sana ma-comatose na 'ko, joke! Sinundan ko siya hanggang naupo siya sa sofa at nagbukas ng TV. Nagtungo naman ako sa kumedor para gumawa ng kape niya. Mabuti na lang marunong ako gumamit ng brewing machine. Hindi lang ako marunong gumawa ng espresso. Sinilayan ko siya saglit at nakita ko na nangingiti siya. Halos matawa naman ako nang marinig ko ang tawa ni Spongebob. Seriously Claude, nanonood ka niyan? Napatingin siya sa 'kin ng masama kaya mabilis akong bumalik sa paggawa ng kape niya. Natatawa 'ko habang isinasalin ko sa tasa ang kape niya. Naririnig ko kasi ang conversation ni Patrick at Spongebob. Ilang saglit lang inilapag ko na ang tasa ng kape sa glass table na nasa harap niya. Iyon pa rin ang palabas, at mukhang aliw na aliw siya. "Boss, kumusta si Spongebob?" Pasimple akong naupo sa tabi niya. Nice Move, Yuki! "Pinag-aagawan nila si Gary, 'yung snail ni Spongebob kaso kay Patrick siya sumama." Tila galit na sagot niya. "Sa Spongebob ka lang makakakita ng snail na tinatalian parang aso 'no?" natatawa pa rin ako, pero patapos na kasi naman bumalik na si Gary kay Spongebob. dahil lang pala sa cookies na nasa bulsa ni Patrick kaya 'to sumama rito at ang boss ko hayun, laughtrip, at nakatitig lang ako sa kanya. Totoo ang sinasabi ng haters niya sa ilang katangian niya. Pero baka magbago pa siya, pero isa lang ang sure ko, siya pa rin ang crush ko, kahit may pagka-devil siya. No'ng natapos na ang Spongebob, bigla ulit hindi na siya happy. Ibang klase nga talaga ang lalaking 'to! Magkakatoyo ako 'pag tumagal-tagal ko 'tong kasama. Kinuha niya 'yung cellphone niya kung saan 'di ko napansin saan nakalagay. Pasimple kong tiningnan sino ang tine-text niya "Suzy" iyon ang unang text niya, oh gosh! That girl, siya 'yung kanina na mukhang mabait at bida-bida. 'Suzy, minsan ba naka-experience ka na may tumitingin sa phone mo? Ako kasi pag gano'n bigla kong sinasakal hanggang mamatay.' iyon ang itinipa niya. Napalunok ako, sakto naman na lumingon siya sa 'kin, tila huminto ang t***k nang puso ko dahil masyadong malapit ang mukha niya. Pakiramdam ko umatras 'yong dila ko. Mabilis akong napatayo nang makita ko 'yong matiim niyang titig sa 'kin, at hindi ako komportable dahil hindi ko alam kung iniisip ba niya kung cho-chop-chopin niya 'ko, o titikman muna? "Good night, boss! Mwaaah!" Nag-flying kiss ako sa kanya nang nasa gitna na 'ko nang hagdanan. Nilingon niya naman ako at nginitian. Masisiraan ako sa kanya!     MAAGA akong nagising hindi ako sanay sa aircon ang lakas kasi sinisipon ako. Nagtungo 'agad ako sa kitchen para kainin 'yung niluto ko at magkape na rin nang magulat ako nang makita kong may tao ro'n at nagbabalat ng prutas, si Suzy. Paano naman siya nakapasok dito? May lahi ba siyang akyat bahay? "Hi good morning," bati niya ng mapabaling sa 'kin. "Good morning," ganting bati ko habang pasimple kong sinipat ang wall clock malapit sa ref at mag ala-singko pa lang ng umaga. So, bakit siya narito? "Ininit ko 'yung soup mo, nakihingi ako ng kaunti." Nakita ko nga ang sabaw sa mesa habang nagbabalat siya ng mansanas at ngiting-ngiti. "Masarap kang magluto," aniya pa. Nginitian ko naman siya, ewan! Ang bait niya pero naiinis ako sa kanya. At hindi siya ang gusto kong pumuri sa 'kin. "Gising na po si sir?" ang galang ko naman po pala. "Katutulog lang niya, nagutom lang talaga ako kaya 'ko bumaba," tumayo na siya bitbit ang platito ng hiniwang apple. Nakasuot lang siya ng T'shirt ni Claude at undies, masyadong komportable? Pero iyong T'shirt talaga ang nagpapadagdag nang inis ko sa kanya. Nang dumaan siya sa 'kin, sinundan ko siya nang tingin. Parang may kagat akong nakita sa bandaging leeg niya, at hindi lang 'yon, may mga nagsisimulang pasa na siya sa mga braso niya na tingin ko kinagat din. "Miss, okay ka lang? May na-encounter ka bang bampira?" hinawakan ko ang braso niya. Nagulat ako nang marahas niya 'yong bawiin. "Sorry, nabigla ako," mukha namang sincere ang sorry niya. "S-sorry, rin..." Tumungo 'ko sa kanya. Nakakapasok siya sa k'warto ni Claude na kahit silipin bawal. At sa hitsura niya, malalaman mo na kaagad kung anong ginagawa nilang dalawa, jack and poy. Akala ko, ako ang bida ng k'wento, mukhang side character lang pala 'ko. Bakit naman sinasaktan ni Claude nang gano'n si Miss, Suzy? Kung magkarelasyon sila, bakit wala naman gano'ng balita? Sabagay, marami ngang artista na malalaman mo na lang na magkarelasyon pala noon, kapag naghiwalay na. Magtataka pa ba 'ko? Maganda si Suzy... Nagdidilig ako nang makita kong lumabas si Miss Suzy. Pero wala man lang Claude na naghatid sa kanya palabas. Ano bang trip ng lalaking 'yon sa buhay? "Boyfriend mo si Claude, Miss. Suzy?" pilit akong ngumiti kahit bitter na bitter na 'ko. Sinamahan ko siya hanggang sasakyan niya. "Hindi." Ngumiti siya pero parang nakita ko 'yung bitterness kagaya ng nararamdaman ko ngayon. "Ingat ka, Miss." Nginitian ko siya. "Thank you," sumakay na siya sa driver's seat. Nang maisara ko ang gate nang makaalis na si Miss Suzy. Pumasok na 'ko sa loob para harapin si Claude. "Boss, anong breakfast ang lulutuin ko sa 'yo? Baka kasi hindi ka naman kumakain ng lulutuin ko," ngiting-ngiti pa 'ko nang makita ko siya sa sala. "Magluto ka na lang kahit ano may darating akong bisita," hindi man lang niya 'ko tiningnan. Nag-away ba sila? Bad trip na naman ang hitsura niya. Pero hindi ko akalain na may lalaking katulad niya, iyong hahayaan na umalis mag-isa ang babae at mukhang mas mataas pa ang ere, o' hindi ko lang 'yon naranasan sa past boyfriend ko? Dahil madalas sinusuyo ang kagandahan ko. Tumuloy na lang ako sa kitchen, humanap nang mailuluto. Chicken Adobo with potato? Iyon lang naman ang kinakain niyang meat. Naghiwa na 'ko nang patatas nang marinig ko siya. "Snow!" Sa pagkabigla ko nadaplisan ang dulo ng daliri ko, ang hapdi! "Yes, boss?" sagot ko, ayoko siyang lapitan sa sala. Magsigawan kami kung gusto niya. "Snow!" Inis na ibinaba ko 'yong kutsilyo at nilapitan siya sa sala. "Natapon." turo niya sa kaunting likido ng kapeng iniinom niya sa glass table. Kumuha 'ko nang basahan at pinunasan ko 'yon. "Okay na ba 'yan?" mataas ang boses ko, naiinis ako. "Ano?" galit din siya. "Sabi ko boss, bakit sumisigaw pa kayo, nasugatan pa 'ko sa paghihiwa ng patatas. Patatas mo hiwain ko, e!" mahina lang 'yong dulo. Kaunti na lang naman laman 'yong tasa ng kape niya kaya hihilahin ko na sana 'yon nang bigla niyang hawakan ang kamay ko nang mahigpit. Nagulat ako dahil hinila niya 'ko palapit sa kanya kaya naituon ko ang isang kamay ko sa glass table. May saltik pa naman 'to, paano kung bigla niya 'kong sakalin? Nanlaki ang mata ko sa sumunod niyag ginawa, inilagay niya sa labi niya ang daliri ko na nasugatan. Maliit lang naman 'yon, hindi lang siya tumitigil sa pagdurugo. Naramdaman ko na sinipsip niya 'yon... Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa ginawa niya. Nahila ko ang daliri ko nang kinagat niya 'yon, masakit na lalo pang pinasakit! Ang masama pa do'n nabatukan ko siya nang isang kamay ko. "Ano ba, alam mo na ngang masakit!" naiiyak na sabi ko sa kanya. "Bumalik ka na do'n!" sigaw na naman niya. Inis na bumalik ako sa kumedor, dala ko 'yong tasa na may kaunti pang laman. Ininom ko pa n'on para naman maambunan ako ng likidong lumapat sa labi niya at baka may kaunting laway pa. I swear, hindi ko talaga sinadyang batukan siya. Pero kinikilig ako sa ginawa niya na may kasamang awkwardness, ah, basta! Huhugasan ko pa ba 'yung patatas? 'Wag na, mas masarap pa sa seasoning ang dugo ko. Hindi naman nila alam! Baka mahalina sila kapag nalasahan nila ang dugo ko. "Naglinis ka na ba, Snow?" si Claude na naman, makalipas ang sampung minuto. "Wait lang, boss, nasa ikalawang putahe na 'ko!" ganting sigaw ko. "Maglinis ka na, pagsabayin mo." May awtoridad na utos niya. Para hindi kami magtalo, habang naglilinis ako, dinadalaw ko 'yong niluluto ko para mapagsabay-sabay ko. Malolosyang ako dahil nang nagsasaing naman ako, pinalinis niya ang second floor. Hindi ko na nga magawang ayusin ang buhok ko na naka-messy bun na lang. "Snow!" Asar na asar na 'ko, ilang beses niya na 'kong tinatawag. "Yes, boss?" pilit akong ngumiti nang dumungaw ako sa kumedor, nakaupo pa rin siya sa sofa. "Pulutin mo," turo niya sa candy wrapper malapit sa kanya. Inis na pinuntahan ko siya para pulutin 'yon. Imbis na makapag-ayos pa 'ko para sa bisita niya, hindi ko magawa, lalo 'kong natagalan. Napakabigat ng anes, hindi maitayo ang sarili!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD