"Hi, Snow Ball?" alanganin ang boses na narinig ko sa likuran ko.
Hininto ko ang paglalagay ng chicken adobo sa bandehado at nilingon ang baritonong boses sa ‘king likuran.
"R-Ruki?!" The Lead guitarist!
Napalunok ako nang makita kong umiinom siya ng tubig sa bottled water, ang sexy ng pagbaba't pagtaas ng adams apple niya.
"Snow Ball?" natatawang tanong niya na inilahad ang kamay sa 'kin. "Is that really your name?"
Umiling ako bilang pagtanggi na Snow Ball ang pangalan ko.
Natakpan ko ang bibig ko dahil baka mag fan girl ako, at tumili. Amoy ulam pa 'yong kamay ko.
"Are you okay?" nakangiti siya.
Kitang-kita ko ang magaganda niyang ngipin. Akala ko pa naman masungit siya, pero si Claude pala ang demonyo sa kanila.
"Hey..." natatawa siya sa 'kin.
Papadyak-padyak ako habang nakatitig sa kanya at kilig na kilig talaga 'ko. Kailangan makapuslit ako ng pictures with them!
"Y-Yuki," bawi ko sa kilig ko, ngiting-ngiti kong inilahad ang kamay ko.
Ang mainit niyang palad ang sumakop sa palad ko.
"Ruki." Pakilala niya na 'di nawawala ang ngiti.
"Akala ko talaga Snow Ball ang pangalan mo, si Claude ang nagsabi."
Kahit nasa iba't ibang bansa sila madalas, magaling pa rin sila magtagalog. GZ Band, lahat sila ay may dugong Filipino.
"H'wag mong isipin ang sinabi no'n, nalaman ko kasing malaki ang anes niya kaya nagagalit siya." natatawang sabi ko.
Nagtaka ako nang kumunot ang noo niya at natawa na parang na-gets niya, my goodness siya pala ang dapat ginugusto!
"Ruki, 'wag mong kausapin 'yan, maluwag ang turnilyo niyan. Let's go," si Claude 'yon sa bukana ng kumedor.
Masama ang tingin niya sa 'kin kaya inikutan ko siya ng mata.
"Ingat sir Ruki, baka nakakahawa ang kabigatan ng anes kaya dapat beware. Ayokong mahawa ka." Nangingiti ako, kaagad akong tumalikod nang matalim na 'yong titig ni Claude sa 'kin.
"See you later, Yuki."
Hinawakan ako ni Ruki sa balikat.
Marahan kong inilagay sa gilid ng tainga ko ang buhok ko, Inihanda ko ang best smile ko nang alisin niya ang palad niya sa balikat ko, slow motion akong lumingon pero imbis na siya ang makita ko si Claude 'yon na pitik sa noo ang ibinigay sa 'kin.
"Ten minutes, dapat nakahanda na ang lunch nila."
"Yes, yes, yes!" inikutan ko siya ng mata at bumalik na 'ko sa ginagawa ko.
Nang sulyapan ko sila sa sala, para 'kong ice cream na natutunaw sa kaguwapuhan nila. Ilang padyak ang ginawa ko. Japanese ang sinasabi nila kaya wala 'ko maintindihan. Mahirap 'yong ganitong 'di ko naiintindihan, mamaya may plano sila sa 'kin, siyempre dapat prepared din ako!
Nakangiti si Claude, nakakatuwa naman. Hindi ko alam, kahit inis na inis na 'ko sa kanya, ang bilis nawawala no'n.
Si Takie, malapit sila ni Claude. Siya 'yong Mr. Abs sa kanila, guwapo, babaero, at masyadong marami nang nai-date na mga showbiz personality sa iba't ibang bansa.
Si Ruki, Love life? Hindi niya raw 'yon, priority, pero hindi raw siya sarado sa possibility. At malay ko ba, kung ako pala si 'possibility' na hinahanap niya.
Si Blue, the cutest, the innocent, wala rin siyang lovelife, mahilig lang siyang tumawa. Pero may chismiss naman na may secret relationship siya sa isang lalaki rin at nasa ibang 'band'. Pero wala naman nakakapagpatunay no'n, fake news! Pati kung titingnan naman siya, mukha siyang pure na pure!
Si Claude, nevermind!
SA Gazebo sila kakain, kaya naman sa back door na 'ko dumaan. Nakakahiya na mukha 'kong basura 'pag dinaanan sila. First Impression last, kaya nang matapos ko 'yon, nagmamadali akong mag-ayos nang sarili ko. Inilugay ko ang buhok ko, at ang magic lipstick ko na tig-bebente sa kanto, ang ginamit ko. Wala akong choice, ito na lang ang mayro'n ako.
Nag-wave ang buhok ko kaya muli ko na lang 'yon itinali ng messy bun.
"Hey, boys!" tawag atensiyon ko sa kanila.
Sabay-sabay silang lumingon sa 'kin kaya naman todo ngiti ako.
"Oh, she's cute." si Blue.
"Than—"
"Are you blind?" si Claude na 'di man lang ako pinatapos, ang lakas ng boses!
"Tama na kakasigaw sir, ang anes n'yo lalong lalaki 'yan!" natatawa 'kong napabaling kay Ruki at nakangiti siya sa 'kin, jackpot! Iyong dalawa mukhang 'di nila na-gets. "Nakahanda na po 'yong lunch," kindat ko.
Tumayo na sila at inaya na sila ni Claude sa Gazebo. Samantala, si Blue ay lumapit sa 'kin at kinurot ang pisngi ko.
"I'm Blue," lahad niya ng kamay.
"Yuki," tanggap ko sa palad niya. Parang babae ang kamay niya.
Bumalik na 'ko sa kumedor ng umalis si Blue, sa front door sila dumaan kaya para maiwasan ko si Claude na pikon na pikon na sa 'kin maghuhugas na lang ako ng plato.
Nag-vibrate naman sakto ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa ibabaw ng mesa. May key chain siyang 'YC' first letter namin ni Claude. Kaso natapos 'yon nang 'di ko nasasagot, si mama ang tumatawag sa 'kin, at marami na rin siyang text.
"Hey."
"Ay, impakto ka!" malakas na sigaw ko.
Kape, kailangan ko na talagang tantanan 'yon.
"Nakakagulat ka naman, sir, para kang balahibong ligaw kung saan-saan sumusulpot!" hawak ko sa dibdib ko.
Tinulak niya 'ko sa balikat pasandal sa ref kaya nanlaki ang mata ko. Mukha kasing lalamunin niya ang katawang lupa ko sa matiim niyang titig sa 'kin.
Inilagay niya ang kanang braso niya sa itaas ng uluhan ko. Masyado siyang malapit, nagwawala ang puso ko.
Palapit nang palapit ang labi niya sa 'kin. Nanunuyo naman ang lalamunan ko.Ipinikit ko ang mata ko nang mariin nang halos ga-hibla na lang ang pagitan ng labi namin.
Ang tagal! Halik na agad!
Iminulat ko 'yong isang mata ko at gano'n pa rin, ang tagal naman! Pumikit uli ako, lalapat din 'yan, naduduling ako sa tangos ng ilong niya.
Ngumuso na 'ko nang dumikit na, ang tagal, e!
Nagmulat na 'ko sa inis. Ang bagal!
"Anong ginagawa mo?!" malakas na tanong ko nang makalayo na siya sa 'kin at tuwang-tuwang ipinakita sa 'kin 'yong picture ko na nakanguso.
"Hindi ako humahalik ng Frog Princess," kinindatan niya 'ko at tatawa-tawang tumungo sa back door.
"Burahin mo 'yan!" baka ipakita niya 'yon sa mga kasama niya!
Hinila ko siya sa damit.
"Ano ba, Snow!" lingon niya sa 'kin.
"Burahin mo 'yan!" naitulak ko siya, sakto na nakasara ang back door kaya lumapat siya ro'n.
"Isa!"
"Isa ka rin!" inis na kinukuha ko 'yon.
Nginingisian niya lang ako, lalong umiinit ang ulo ko!
"Frog princess." Ngiting-ngiti pa niyang sabi bago ako talikuran, pinipihit niya na ang seradura kaya hinila ko siya sa balikat.
Masama ang tingin niya sa 'kin nang balikan niya 'ko.
"Claude!" boses ni Takumi 'yon mula sa malayo.
**
"Hey! Spongebob, burahin mo na 'yon please!"
Lumuhod ako sa harapan ni Claude. Pinapanood na naman niya 'yong kamukha niya kaya natatawa na naman siya.
"Ang bastos mo," nakangisi niya 'kong sinipat ng tingin.
Anong bastos sa pagluhod? Nagmamakaawa nga 'ko 'di ba?
Napatingin ako sa babang bahagi niya. Sht! Napalunok ako ng kung ilang ulit mukhang malaki ang natutulog roon. Medyo nakabuka siya at ayoko naman sunggaban agad!
Tiningala ko siya at 'yung ngisi niya tila inaakit ako kaya napatayo ako at inayos ang nagulo kong buhok. Pinunasan ko na rin ang bibig ko mahirap na kapag may umalpas na laway.
"Bakla! Claudine! Claudine! Claudine!" mahina ngunit mariin kong sabi, habang inaambaan ko siya nang suntok sa likuran.
May hiya rin naman ako 'no! Siyempre baka napansin niya na matagal akong nakatitig sa tralala niya.
"Bakla ako? Gusto mong subukan sa kuwarto? P'wede rin naman sa sala, kung gusto mo sa veranda pa."
Lumingon siya kaya kaagad kong ibinaba 'yong kamay ko.
"Let's try?"
Tumayo siya at balak akong lapitan kaya pinagkrus ko ang kamay ko sa katawan ko.
"Your wish! Hindi ko ibibigay ang maganda't sexy kong katawan, 'no! Kahit pa sikat ka, wala akong pakialam, pangit ka!" siyempre mahina 'yong dulo, kasinungalingan 'yon dahil guwapo siya!
Umatras ako nang palapit siya nang palapit.
"Layo! Saka ko na pag-iisipan 'yang alok mo kapag good mood na 'ko!" Isa rin naman 'to sa pangarap ko, pero 'wag naman biglaan.
Napasandal na 'ko sa pader kaya nangisi siya.
"You smell so nice," tila adik lang na inamoy niya 'ko.
Lumapit ang mukha niya sa 'kin, malapit sa tainga ko, kinikilabutan ako sa init ng pagdampi no'n sa tainga ko. "What if I do something to you, now?" Kinagat niya 'yong ibabaw ng tainga ko na nagbigay ng kakaibang pangingilabot sa 'kin. "No one can hear you, no one can help you..." Iyong mukha niya patungo na sa harapan ko kaya nang magkatitigan kami daig ko pang ginapangan ng maliliit na kuryente sa katawan.
Napalunok ako dahil nakakalimutan ko 'yong inis ko sa kanya. Masyado siyang malapit, nagwawala ang puso ko, nahihirapan akong huminga.
Napasinghap ako nang hapitin niya ang katawan ko at ibinaba niya ang mukha niya malapit sa leeg ko. Nasaan na ang daldal ko? Nakain ko na yata 'yong dila 'ko, hindi ko siya mapigilan.
Teka, gusto ko bang pigilan? I-enjoy ko na lang kaya? Pero baka kung sa'n kami abutin, siyempre, pantasya ko lang na may mangyari sa 'min, pero in reality, parang hindi pa naman talaga ako ready!
"Claude!"
Did I moaned his name?
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hinalikan niya ang leeg ko. May kakaiba 'kong nararamdaman na hindi ko maintindihan sa katawan ko.
"Sandali!" hinawakan ko ang mukha niya at inilayo ko siya sa leeg ko. Nagkatitigan kami at wala siyang kangiti-ngiti na tila binitin nang husto. Halos magdikit ang mga kilay niya.
Hindi siya nagpapapigil dahil hinawakan niya 'yong kamay ko at inilagay niya 'yon sa likuran niya. Palapit nang palapit ang mukha niya sa 'kin, pinigilan kong pumikit, baka trip na naman niya 'to!
"Teka, hindi ako nagpapahalik sa hindi ko boyfriend!" Iyong isang kamay ko ang sinupalpal ko sa bibig niya.
"Then I'm your boyfriend now, happy?" iritang aniya nang tanggalin ang kamay ko.
Hindi pa 'ko nakakasagot nang ilapat niya na ang labi niya sa 'kin. Nanlaki ng literal ang mata ko. Malandi lang naman talaga 'ko magsalita pero second kiss ko pa lang siya sa loob ng twenty-years na existence ko!
Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya sa pagkabigla ko naibuka ko 'yong bibig ko, I don't know, kung sinadya niya 'yon dahil naramdaman kong pumasok ang dila niya sa loob. Mas dumikit rin ang likuran ko sa malamig na pader pero iba 'yong init ng braso niyang nakahapit sa 'kin.
Hindi ako nahalikan sa paraan nang ginagawa niya. Kaya naman hindi ko alam kung susundan ko ba siya o itutulak ko dahil masyado kong nadadala ng halik na 'yon, kakaiba 'yong init na kumakalat sa katawan ko, nakakatakot dahil mas dumidikit ang katawan niya sa 'kin at wala akong maramdamang pagtutol.
Nang masabayan ko siya, nagsimula naman mas lumalim ang paraan niya sa punto na nauubusan na 'ko ng hangin kaya marahan ko siyang itinulak.
"Let's go to my room..."
Hinalikan niya 'ko sa pisngi habang abot-abot ang paghinga ko.
"Your room?" gusto kong makita 'yon.
Nang tingnan ko siya, alam ko may iba kaming gagawin sa k'warto.
"Ayoko! Ninakawan mo na nga ako ng halik ang kapal mo! 'Di ka na nahiyang sabihin ‘yan sa 'kin! Ikadkad mo sa pader!" malakas kong sigaw.
Itinulak ko siya at nagmamadali akong tumungo sa kitchen. Kailangan ko nang malamig na malamig na tubig para magbago ang temperatura ng katawan ko!
"I'm talking to you!" hinawakan niya ang braso ko na magbubukas sana sa ref.
Hanggang dito ba naman? Hindi pa nga normal ang pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko lalabas na siya, anumang oras, e!
"Ano ba! Isusumbong kita sa lahat ng ninuno ko!" Hinarap ko siya nang inis na inis.
Nginitian naman ako ng hudas.
"You're my girl now, okay?" Muling lumapit ang mukha niya sa 'kin. "You're my house girlfriend, so I could kiss you everyday," tila siya nakakauto ng bata.
"House girlfriend? Dito mo lang ako girlfriend?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Yes." Inilapat niya na ang labi niya sa 'kin, saglit lang 'yon.
"I'm declaring that you're my girl, now."
Iniwan niya na rin ako kaagad. Hindi ko napigil haplusin 'yong labi ko.
Pang-uuto sa bata 'yong offer niya, pero girlfriend niya raw ako? I-grab ko na 'to! Kahit 'trip' niya lang ako, atleast naka-experience na maging boyfriend siya!
Napalunok ako nang maalala ko 'yung halik niya, masyado 'yong kakaiba. Ganoon ba talaga ang pakiramdam no'n? Hindi ko 'yon naranasan sa first boyfriend ko, hindi naman ako nakaramdam din na parang sinisilaban, at tila hindi sangayon 'yong katawan ko sa takbo ng isip ko. Pero mahal ko naman 'yong dati.
Si Claude? Mahal ko siya dahil idol ko siguro siya? Kumbaga, crush ang umiiral sa 'kin sa kanya imbis na love.
So, kung 'yung kiss niya sa 'kin at kiss ni Ex—si Ex, dahil mahal ko kaya wala 'kong kakaibang naiisip na kalaswaan. Pero nang si Claude ang humalik sa 'kin, bakit gano'n? Is it some kind of lust lang ba? Excitement? Wala bang deeper feelings na involve?
Bakit disappointed ako na lust lang ang umiiralsa 'kin, over him?