Nag-vibrate 'yong cellphone ko kaya kaagad ko 'yong kinuha sa bulsa ko.
Sinagot ko kaagad 'yon.
"Yuks!"
"Ruks!" ginaya ko siya, unti-unti bumalik sa normal ang t***k ng puso ko.
"I'm here, outside. Can you—"
"Right away!" Hindi ko na siya pinatapos. Sa backdoor ako dumaan para hindi ko madaanan si Claude.
Pinagbuksan ko siya bago ko ibinaba 'yong cellphone ko.
Nakangiti siya sa 'kin. Ang ganda ng mga 'yon. Dati siya ang huli sa listahan ko ng GZ, pero mabait pala talaga siya. Kaso, hindi ako sa kanya na in love, sa may sungay.
"I bought you some stuffs and chocolates, but—" tinignan niya ko na tila sinisiyasat mula paa. Na-conscious naman ako, tinutunaw niya yata 'ko. "I think you're not eating chocolates. Masisira 'yong figure mo," Balik niya sa 'kin.
Kinikilig na naman ako. Iyong pagiging fan-girl ko na naman, inaatake na naman ako.
"I'm eating chocolates kaya,"
May pahampas-hampas pa 'ko sa balikat niya.
"Really?"
Ang laki nang ngiti ni Ruki kaya naman tumango ako sabay ngiti sa kanya nang ubod tamis.
Inilabas niya mula sa likuran niya ang isang paperbag.
"Nakakahiya naman 'to talaga,"
Inaabot ko 'yung teddy bear pero nangunot ang noo niya.
"This is not for you,"aniya.
Nawawala naman ang ng ngiti ko.
B'wisit na lalaki 'to paaa! Mga lalaki talaga mahilig mag-paasa, pasasakayin ka muna at hahayaang isipin mo na lahat ng effort nila worth it, tapos sa huli malalaman mo na hindi lang naman pala ikaw ang binibigyan ng effort niya, marami lang talaga siyang budget sa panloloko! Cancelled ka na Ruki!
"Just joking, this is all for you," aniya na iniabot din sa 'kin ang isang teddy bear na hindi ko alam na dala niya. Nasa nakatagong kamay pala niya.
May mga lalaki naman talaga na guwapo at mukhang paasa at sasaktan ka lang, pero in reality seryoso naman silang magmahal at 'yung effort nila totoo talaga.
"Thank you,"
Kinikilig ako, hindi naman ito ang unang beses na nakatanggap ako ng teddy bear, chocolates or anything, marami naman nanligaw sa 'kin pero iba talaga kapag niregaluhan ka ng isang famous personality 'di ba? Nakakaganda.
Gusto ko sanang maka-close sila, parang 'di naman mahirap dahil ang gaan ng loob nila sa 'kin, maliban siyempre sa boyfriend ko na parang 'di katiwa-tiwala ang mga salita dahil baka bukas iba na naman ang trip niya. Pero kailangan ko pa rin ilagay sa isipan ko na IDOLS sila at hindi ang Pilipinas ang bansa kung saan sila mananatili, maybe may Filipino blood sila pero sa ibang bansa sila nadiskubre at iyon ang nagsisilbing homeland nila.
Darating sa punto na gigising ako na parang galing ako sa isang magandang panaginip at iyon nga ang makasama sila, and later on babalik sa normal ang buhay ko kung saan ang Television or other social medias na lang ang paraan ko para makita sila, kaya dapat chansing nang chansing, the more the merrier!
"Ruki,"
Sabay kaming napalingon ni Ruki sa likuran ko. Naroon si Claude nakatayo sa bukana ng pintuan.
"Coffee black, babe." si Claude.
Nginitian niya 'ko. Pero nawala 'yon nang tingnan niya 'yong cute na teddy bear ko.
Babe raw?
"Babe." Ulit niya pero nagdidikit na 'yong kilay niya.
"Yes, babe!" nilingon ko si Ruki, "Thank you," nagngitian pa kami bago 'ko dumaan sa back door. Ayoko nga daanan si Claude.
Iniwan ko muna si Kiru sa mesa sa kitchen, malinis naman 'yon. KIRU, combination ng name namin ni Ruki.
Gumawa ko ng coffee using V60, para madali ang brewing. Dinalhan ko si Claude at Ruki no'n, narinig ko na nag-uusap sila tungkol sa nalalapit nilang concert at the same time narinig ko 'yong RSYND group.
**
"Dalian mo," inis na si Claude na kinakalampag 'yung pintuan ng k'warto ko.
"Saglit naman," nagmamadali kong sinuklay ang buhok ko at lumabas akong nakasuot ng simple yellow dress.
Saglit niya 'kong tiningnan at nauna nang maglakad pababa ng hagdanan.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang makababa na kami ng hagdanan.
Kinawayan ko si Ruki na nasa taas ng balkonahe at nagkakape nang makita ko siya sa paglabas namin. Nginitian naman niya 'ko. Uuwi rin daw siya mamayang tanghali.
Sumakay na si Claude sa kotse niya, kaya sumunod ako.
"May photoshoot ka ba uli? Bakit parang ikaw lang ang nakikita ko?"
"Hindi naman 'yon para sa concert, para 'yon sa company ni dad. Ipapakilala kita sa kanya sa susunod as my girlfriend."
"Ano?!"
"Ang lakas ng boses mo."
"Ang lakas kasi ng trip mo," inirapan ko siya. Pero kinikilig ako ng pasimple.
Pagdating namin sa lugar, marami ng reporters and fans. Mukhang mapipipi ang babe ko.
"Malakas talaga ang radar ng mga 'yan," nakita ko 'yong Claude-9 na siyam na babaeng finollow ko rin dahil sa lahat ata ng concert ng GZ naro'n sila, kaya updated na updated.
May kumatok sa bintana nya na mga nakaitim, sundo nya siguro mukhang mga bouncer.
"Bilis-bilisan mong kumilos," lumabas na siya.
Nakakairita! Kagabi akala mo patay na patay na sa 'kin, iba na naman ngayon. Girlfriend, pero tagabitbit ng mga gamit niya? Sabagay, kahit nga tagalaba lang ng brief niya no'n okay na sa 'kin, choosy pa ba 'ko?
Iyong mga men in black, walang pakialam sa 'kin. Mukha akong kawawang may bitbit na maleta nito. Kawawang-kawawa 'yong beauty ko habang nakikipaggitgitan ako sa mga tao.
"Ano ba!" may tumabig sa 'king babae.
"Ano ka rin ba?!" inis na ganting sigaw ko.
Nagpatuloy ako dahil inirapan niya lang ako.
Sigawan sila nang sigawan, naiintindihan ko naman sila, ganyan din ako 'no. Pero obvious ba na kasama 'ko ni Claude at hindi nila 'ko p'wedeng'di paraanin? At 'yong mga men in black, bakit hindi nila 'ko dinamay sa protected area?!
"Babe," malapit na 'ko!
Tuwang-tuwa na 'ko no'n kung 'di lang humarang 'yong Claude-9, at basta na lang ako 'tinulak ng isa sa kanila. Dahil 'di ko naman inaasahan, nawalan ako ng balanse at bumagsak sa lupa.
"Aray..." Kainis! Gusto ko nang sumugod ng sampal.
"Bakit ba paharang-harang ka!" may nameywang na isa sa Claude-Nine, that's Kim, kung maaalala ko.
"Natumba ninyo na nga 'ko, ikaw pa ang high-pitch?!" inis na ganting sigaw ko rin sa kanya.
Pinagpagan ko 'yong gamit ng boyfriend ko, narumihan.
"Hey, masyado kang nag-enjoy diyan,"
Tumingala 'ko sa kabilang direksiyon at naro'n si Claude nakalahad ang kamay niya. Nakangiti siya sa 'kin.
Imagination ko na naman ba 'to?
Lahat sila nahinto sa pagsigaw. Hindi nga siya ngumingiti kahit kanino, paanong 'di sila matitigilan? Ang ganda-ganda ko naman sa araw na 'to.
Kinuha ko 'yong kamay niya at tumayo 'ko. May isa nang Men in Black ang kumuha ng gamit.
"Ang dungis mo kaagad,"
Natatawang iniayos niya 'yong buhok kong naka-messy bun. Inilagay niya 'yon sa gilid ng tainga ko.
"Iniwan mo kasi ako, kapag asawa mo na 'ko aalisin ko 'yang mga Men in Black na 'yan, hindi marunong maka-appreciate ng isang Diyosa," inirapan ko 'yong mga lalaking namataan ko.
Kasama na 'ko sa hinarangan ng mga Men in Black kaya naman pag-iisipan ko kung aalisin ko pa sila kapag mag-asawa na kami ni Claude.
"OMG. Iyong mukhang isdang binabad sa suka, hinahawakan ang precious hand ni Claude!" malakas na sigaw nang isa sa Claude-Nne.
Sa ganda kong 'to? Wala ba siyang salamin sa kanila, para naman malaman niya kung sino sa 'min ang mas maganda?
"Bitiwan mo na siya, Claude!"
Ay, may mama si Claude sa audience? Makautos lang 'nay?
"Aray na, aray na..." gigil kong bulong.
Ang daming nagsabi nang kung ano-ano sa 'kin. Ikinaganda nila 'yon? Hinding-hindi na talaga 'ko magiging basher, I learned my mistake na.
Humigpit ang kapit niya sa 'kin kaya tiningala ko siya, hindi ko mapigil pamulahan dahil kinikilig talaga 'ko, sasabog na 'yong obaryo ko sa lalaking 'to.
"You're way prettier than them." Sapat lang sa pandinig ko 'yon.
Imahinasyon ko ba 'yong sinabi niya? Nasa realidad pa ba talaga 'ko?
Hindi ko na halos marinig ang sinasabi ng mga nasa paligid. Mas nangingibabaw 'yong kabog nang dibdib ko. Hindi ako nakakibo. Napipi na naman ako.
Nagkaro'n na naman siya ng shoot, isang brand ng relo ang in-endorse niya na mula sa company mismo ng papa niya. At naro'n rin si Zeyn, ang sikat na leading actor sa bansa.
Nilapitan niya 'ko at nagpakilala siya sa 'kin. Ang hangin ng dating.
Makikipagkamay sana 'ko sa kanya no'ng naglahad siya ng kamay. Pero may ibang humawak ng kamay ko, at sa isang iglap nasa tabi ko na si Claude, nakapulupot na 'yong braso niya sa 'kin kaya kumabog na naman ang puso ko.
Magkakasakit ako sa puso sa 'yo, Babe! 'Wag nang pa-fall, fall na fall na, e!
"What's wrong?" tanong ni Claude pero hindi naman sa 'kin nakatingin kundi kay Zeyn.
"I'm just asking her name," ngiti ni Zeyn na tiningnan ako.
Tiningnan ako ni Claude ng matalim kaya naman nangiwi ako.
"I'm Yuki," alanganin akong ngumiti. "Excuse us. Let's go, babe?" binalingan ko si Claude na siya naman nagulat.
Nangisi 'ko, akala mo 'di kita gagantihan.
"Let's go home, babe."
Halos lumaglag 'yong panty ko nang may mga makarinig no'n. Nakatingin sa 'min iyong mga naro'n sa k'warto kung saan nagaganap ang photoshoot.
"H'wag gano'n, babe, may na lo-lose-thread sa 'kin!" bulong ko sa kanya.
Inilingan na naman niya 'ko na tila lumuluwag na naman ang turnilyo ko.
CLAUDE STEPHEN HARTWELL
22 years old , favorite, likes, dislikes—
"Arrgh! Claude, nasaan ang motto mo! kulang 'to bahala ka!"
Inis na 'binalik ko sa kanya 'yung pinasagutan kong slambook. Pasasagutan ko rin 'to sa mga ka-banda niya.
Asar na kinuha naman sa 'kin ni Claude 'yung notebook ko, tumabi naman ako sa kanya sa sofa. Mag-uumaga na gising pa kami kasi naman ang tagal niya 'kong tinanong-tanong ng mga p'wedeng itanong ng father niya para i-siguro na GF niya 'ko, baka raw isipin pusang kalye lang ako na pinulot. Sabi na, may motibo 'yong pagpapakilala niya sa 'kin.
Ibinalik niya 'yon sa 'kin makalipas ang ilang minuto.
"Sa k'warto mo ko matutulog, magpalit ka ng covers, baka may virus na dumikit sa 'kin sa k'warto mo."
"Bakit do'n ka matutulog?"
"Because you are my girl?" ngisi niya na kinuha ang canned beer sa glass table at ibinukas 'yon.
"No. Hindi pa kita asawa, mahirap na, baka bumigay ako."
Nangiti siya na napapailing. Hindi yata siya nag e-emote, ilang araw na.
Binasa ko ang mga sagot niya sa Slamnote.
CLAUDE STEPHEN HARTWELL
Age: 22
Birthday:August 18
Likes : Hot babes
Dislikes :Stupid, except you.
Favorite foods: If I tell you, what will happened?
Favorite song: 12 through 15/ Mayday Parade
Song that you dont want to hear: Your song, so please DON'T.
WHO:
first kiss : My mom.
first girlfriend: Snowy
first heartbreak: My mom
first crush/love: Under Construction
What do you prefer dogs or cats?—Starfish
What is Love?—LOVE is a kind of sponge living in a pineapple house under the sea.
Motto : "TRY AND TRY UNTIL YOU DIE "
Message for me:
Thanks for disturbing me to do this trash.
PS. your loving boyfriend.
Kinilig ako sa PS emegesh! Pero ang daming kalokohang sagot!
First girlfriend niya 'ko?
Ano si Suzy?
Nagpalit ako ng sapin. Mukha naman siyang walang gagawin dahil hikab na siya nang hikab sa harapan ng pintuan ko. Pati punda nga pinalitan ko, nakakahiya naman sa kanya.
Nauna pa nga siyang mahiga kesa sa 'kin.
"Let's sleep," hinila niya 'ko paupo sa kama.
Nakapikit na siya nang mahiga ako paharap sa kanya.
"Don't look at me that way, baka pumangit ako 'tulad mo."
Inis na tumalikod ako at bahagya ko pa siyang siniko.
"Ouch."
Maka-ouch, akala mo babae, e!
Naramdaman ko ang braso niya sa katawan ko. Hinapit niya 'ko palapit sa kanya at tumungo siya sa balikat ko. Dahil do'n, hindi ko alam kung paano ko hihinga ng maayos. Hindi nga 'ko makagalaw dahil baka nga tulog na siya.
Dahil spaghetti strap ang suot ko kaya naman nararamdaman ko ang init niya sa balikat ko.
Pull me closer, babe!
Iyong paghinga ko tumigil na talaga nang halikan niya ang balikat ko. Hindi... Hindi ko pa dapat isuko ang bataan! Pero nabigla ako nang kagatin niya 'ko sa balikat at ang sakit no'n! Mabilis akong naiyak dahil masakit naman talaga 'yon!
"Sorry," hinarap niya 'ko sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko, pero masakit talaga kaya hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.
"Okay lang sana kung bungal ka, may pangil ka pa nga!" inis na naupo ako at umiyak sa mga palad ko.
Inalis niya ang kamay ko sa mukha ko at mabilis niya 'kong hinalikan sa labi. Luhaan pa 'ko no'n pero hindi ko rin alam bakit tinugon ko 'yong halik niya at naihiga pa niya 'ko sa kama.
"Are you afraid of me?"
"No."
"You're lying." Nakatitig siya sa 'kin at hindi ko maiwasang iwasan 'yon.
"I'm not." Binalikan ko siya nang tingin at nginitian.
Inilalapit mo na ang loob mo sa 'kin, magpapakilala ka na sa 'kin, hindi ba? Unti-unti, magtiwala ka sa 'kin...
Umayos na siya nang higa at niyakap ako. Makirot 'yong ginawa niya at magpapasa 'yon. Ganito ang ginagawa niya kay Suzy. Sumiksik siya sa 'kin, ilang minuto lang nakatulog na rin siya.
First heartbreak? Mom...