MDC 7: Heart, Kalma!

1736 Words
"BLUE!" Niyakap ko kaagad si Blue na naabutan ko sa Gazebo. Nabigla siya, habang ngiting-ngiti naman ako dahil nayakap ko siya. Kinikilig na naman ako. Ang sweet-sweet ng amoy niya. "Akala ko matatagalan ka pa, kakausapin ko na sana 'yong mga puno." Ngumiti siya sa 'kin, cute-cute talaga niya! Lalo na kapag lumalabas 'yong dimples niya. "Wait lang ha? Babalikan kita, iinom lang ako ng tubig!" niyakap ko siya uli at nakangiti naman siya kahit mukhang nagtataka sa ikinikilos ko. Nagtatalon ako, kinikilig pa kasi ako. "Wait."Ulit ko, pero dahil kababalik-balik ko ng tingin sa kanya, namali ako ng tapak at nagdire-diretso ako sa tubig kung nasaan ang mga kinikilig ding isda! "Ang lamig! Nalulunod ako!" gusto kong matawa sa sarili ko, kung narito si Claude dadagukan siguro ko no'n dahil nalulunod ako sa three feet. "May mga piranha, ingat ka." Ngiti niya, at mukhang walang balak tulungan ako. Alam niya siguro ang lihim ng 3 feet. Pero may second plan ako. "Piranha? Mama! Papa! Mga kapatid! Kapitbahay, tulong! Ayoko pang mamatay!" malakas kong sigaw na nagkunwaring naiiyak. "Yuki," mabilis naman siyang naglahad ng kamay at alalang-alala. "Joke lang 'yon," tila naman sorry na sorry 'yung mukha niya kaya nakonsensiya naman ako sa kagagahan ko. Iniakyat niya 'ko at kinabig sa katawan kaya nagdikit kami. Wala siyang pakialam kahit amoy isda pa 'ko. "I'm sorry," "Akala ko talaga kakainin na 'ko ng mga Piranha, sayang 'yong kagandahan ko." Niyakap ko siya at pasimple kong hinaplos ang likuran niya. "Akala ko talaga," pinisil-pisil ko pa 'yon, malambot siya. "Magpalit ka na, lalamigin ka." Marahan niya namang hinaplos ang buhok ko. "Ang bango mo naman, I mean, ang bait mo pala." Nagngitian kaming dalawa, bakit ba hindi man lang nakakuha ng ganitong kabaitan si Claude? Siguro ang 'heaven' ng feeling ko kapag ganito siya kabait, 'no? Naligo ako saglit saka nagpalit para naman hindi nakakahiya kay Blue. Nagtuloy ako sa kitchen para gumawa ng juice. "Nakapagluto na si Blue?" may nakatakip na kung ano sa mesa. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang sticky note. Eatwell, your caring boyfriend -Claude . Nag-iinit ang pisngi ko, iba naman 'tong lalaking 'to man-trip talagang pinakabog ang dibdib ko, pinapa-inlove talaga 'ko. Baka 'di na 'ko makapagpigil, at mapaghalo ko na ang realidad sa piksiyon. Iyong p'wedeng maging kami talaga, kahit pa malayo ang pagitan namin? Lupa siya, langit ako—maiba naman. Pag-alis ko no'ng takip, sinigang siyang sugpo. Kumuha 'ko nang kutsara at tinikman 'yon, ang asim—masarap! Akin lang 'to, hindi 'to p'wedeng tikman ng kahit na sino, hanggang kahuli-hulihang patak ng sabaw nito, akin lang! Nakalimutan ko na nga si Blue at marahan ko 'yong hinihigop. Hibang na hibang ako sa kaiisip na nasa harapan ko si Claude at sinusubuan ako habang wala siyang suot na pang-itaas. Ang sexy ng boyfriend ko, habang nakangiti siya at titig na titig sa 'kin. Tila mauubusan ako nang hininga sa kilig sa bawat pagbuka ng bibig ko at pagsubo. " Ayos ka lang ba?" Iwinagwag ako ni Blue sa magkabilang balikat kaya naman natauhan ako. "Anong nangyayari sa 'yo?" hindi pa rin niya 'tinitigil ang pagwagwag sa 'kin! Hilong-hilo na 'ko, "Easy, ayos na 'ko!" Nakahinga siya nang maluwag habang umiikot naman siya sa paningin ko. Pero 'tinuloy ko pa rin ang paghigop ng sabaw. Alalang-alala ang hitsura niya kaya sa huli nangiti ako. Alanganin din siyang nangiti at naupo sa harapan ko. "Kakaiba ka naman," tila napagod siya, samantalang wala pa kaming isang oras magkasama. Halos kalahating araw ko siyang kasama at nakakatuwa naman na malapit 'agad kami. Hindi siya naiilang sa 'kin, nanood pa nga kami ng mga comedy movies na dala niya at wala kaming ginawa kung 'di tumawa. Ilang beses ko nga siyang nahampas katatawa, tapos siya naman tatawa at haharap sa 'kin, kainis ang cute-cute niya na parang ang sarap yakap-yakapin, kasi malambot kumpara sa ibang mga lalaki. Si Takie na lang ang hindi ko nakakausap sa kanila. Bakit parang iba ang personality no'n sa ipinapakita niya sa mga fan page? Even sa interviews, tila tuloy nagkapalit sila ng katauhan ni Ruki. Akala ko kasi si Ruki ang sumusunod sa kasungitan ni Claude, e. "Buti nagkakasundo kayo ni Claude?" tanong ni Blue. Kumakain na kami sa balkonahe ng pizza. "Hindi ko alam kung magkasundo kami, pero palagay ko malaki pagkakagusto no'n sa 'kin kasi nga alam mo na, tingnan mo na lang ako," biro ko sa kanya at talagang tumitig siya sa 'kin. "Mahilig siya sa messy hair?" inosenteng tanong niya kaya naman napakagat ako sa slice ng pizza ko. Messy hair? "Hindi, tingnan mong mabuti at makakakita ka ng Diyosa!" turo ko sa sarili ko. Napamaang pa siya bago natawa kaya napailing na lang ako. Medyo slow pala 'tong si Blue, buti talaga at cute siya. "Thank you for taking care of Claude, ikaw pa lang ang tumagal sa kanya na ibang tao. Palagi niyang itinataboy ang iba, siguro mayro'n ka na wala ang iba." "Hindi na 'ko ibang tao, may sasabihin akong secret sa 'yo," inaya ko siyang lumapit. Lumapit ang mukha niya sa 'kin at ibinulong ko sa kanya ang gusto kong sabihin. Tinitigan niya 'ko at tila 'di makapaniwala. "Pinilit pa nga niya 'ko na maging kami." Kinindatan ko siya. "Mahilig ka talaga mag-joke,”ngiti niya. Ay, naku! Blue! Umuwi si Blue ng 4:00 pm. At 5:00 pm nang balikan ko 'yong iniluto ni Claude para sa 'kin, habang nagsasaing ako, iniimahe ko na naman na nasa harapan ko siya at pinaghihimay ako ng sugpo. Naubos na 'yong sabaw. "Ang hot mo, babe..." ngiti ko sa kanya. "Really?" tanong ni imagination Claude ko. "Y-yes," kinagat ko 'yong hipon na binalatan ko "Alisin mo na 'yong damit mo, para naman mas mapasarap ang pagkain ko." Napalunok ako, dahil mas malakas ang imahinasyon ko ngayon dahil totoong-totoo siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang laylayan ng puting Tee-Shirt niya, madalas nakakulay white or black siya. "Babe, 'wag mo na 'ko bitinin," kagat ko sa ibabang labi ko. Hindi niya 'yon inalis pero tumungo siya't lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa labi. Nagitla ako dahil sinundan niya 'yon ng pitik sa noo. "Ang halay mo," aniya. Hinampas ko nang magkabilang palad ko ang pisngi ko, sht! Totoo pala 'tong nasa harapan ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko, partikular na sa bahagi ng mga pisngi ko. "After mo sa panghahalay sa 'kin sa isipan mo, sumunod ka sa sala." Natatawang napapailing siya. Hiyang-hiya naman ako, pero lalo akong namula, hindi dahil sa pagkapahiya kundi mas guwapo siya kapag tumatawa kesa palaging nakatingin sa kawalan. Nag toothbrush ako, baka amoy hipon na 'ko. Naabutan ko siya na halos magdikit ang kilay habang tinitingnan 'yong cellphone niya. "Babe?" Tiningnan niya 'ko na tila nagtatanong. Nginitian ko siya nang husto, nilapitan ko siya at kunwaring nagulat ako nang makita ko na picture ko 'yong nasa cellphone niya. "Hala! Ikaw, sa'n mo kinuha 'yang picture ko?" pinigil kong mangiti habang 'tinuturo ko 'yon. "Ikaw ang naglagay nito, saan naman ako kukuha ng picture mo?!" iyon lang naiirita na siya. "Marami pa 'ko, papasahan pa ba kita?" ngiti ko sa kanya. Pinitik na naman niya 'ko sa noo kaya hinimas ko 'yon. Pumindot siya sa cellphone niya, kainis, matapos kong magpakahirap ipasa 'yon at ipili ko pa siya nang pinakamaganda, ide-delete niya lang! "You're prettier, here..." Ipinakita niya 'yong nakanguso 'ko. "Kahit ganyan 'yan, maganda pa rin ako," inirapan ko siya at humalukipkip. Nangiti na naman siya. Ibinaba niya ang cellphone niya sa mesa at hinawakan ang mukha ko. Iyon 'yong palaging nakabenda, pero ngayon, may mga mabababaw naman na peklat pero mukhang hindi naman 'yon magtatagal. Lalo tuloy nagiging tama ang hinala ko na sinasaktan niya ang sarili. Suicidal ba si Claude? Hindi ko nagawang tutulan 'yong halik niya. Tinugon ko rin 'yon dahil gusto ko. Unti-unti, inalis no'n ang mga gumugulo sa isipan ko. Nag-aalala ko sa kanya nang husto, pero hindi ko alam kung paano ko siya papasukin...  Paano kung maging mailap siya sa 'kin kapag nalaman niya na marami na 'kong napapansin sa kanya? "Thank you for taking care of Claude, ikaw pa lang ang tumagal sa kanya na ibang tao. Palagi niyang itinataboy ang iba, siguro mayro'n ka na wala ang iba."—Blue Dahil ba hindi ako mahilig magtanong ng personal sa kanya? Dahil nagbubulag-bulagan ako? Kung magsasalita ba 'ko at sasabihin ko sa kanya na napupuna ko na ang mga 'yon, lalayuan ba niya 'ko o paaalisin? Kusang bumuka ang bibig ko at hinayaan ko siyang mas palalimin ang halik niya sa 'kin. Saglit niya lang akong pipahinga, at aangkinin niya muli ang labi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot na 'ko sa ginagawa ko, paano kung magmahal ako sa kanya? Magagawa ko ba 'tong i-move on kaagad? Hindi siya magtatagal sa Pilipinas, at kahit anong ganda ng imahinasyon ko, alam ko pa rin ang realidad. Ang 'tulad niya ay malayong manatili sa 'kin. Pakiramdam ko huli na. Minamahal ko na nga siya. Marahan ko siyang itinulak sa dibdib kaya tumigil siya at nakipagtitigan sa 'kin. Nag-iinit 'yong mata ko, ang tagal ko nang 'di umiiyak, pero hindi ko talaga mapigil 'yong mga luha ko. Nakita kong nagulat siya. "Naiiyak ako kasi nahalikan na kita, siyempre, pangarap ko lang 'yon dati," pagsisinungaling ko. Pinahid ko 'yon pero mabilis pa rin silang naglalaglagan. Kainis! Pinahid niya 'yon ng likuran ng palad niya. Mukha naman na 'di siya naniwala sa dahilan ko. Niyakap ko siya at hindi naman niya 'ko inilayo. Naramdaman ko na hinahaplos niya rin ng marahan ang likuran ko. "You can trust me. I swear, madaldal lang ako, pero mapagkakatiwalaan ako." Umiiyak pa 'ko habang sinasabi ko 'yon. Hindi siya kumibo kaya naman hindi na 'ko nagsalita pa. "Do you want to be my P.A. Snow?" Lumayo 'ko sa kanya, "Personal Assistant?" pinahid ko na ang huling mga luha ko. "Personal Alalay?" ngiti niya. Inirapan ko siya. "I'm serious," hindi nawawala ang ngiti niya at ang kakaibang kislap ng mga mata niya. "If the price is right!" "Name your price, then." Ngiti niya. Ano ba, inlove na in love na 'ko, tama na! Maawa ka sa katinuan ko! "Haplos sa abs, ten times a day," ngiti ko sa kanya. Natawa siya at pinitik na naman 'yong noo ko. "Mag vale na muna ko," kunwaring hahawakan ko 'yong abs niya pero mas naunang bumaba ang mukha niya at sakupin ang labi ko. Saglit lang 'yon dahil may ibinulong siya sa 'kin. "I don't know if I have the capability to Love, but I want to be selfish, I want you beside me." Kumabog nang husto 'yung dibdib ko. Hindi ako prepared! Nag-ring 'yong cellphone niya at si Suzy 'yon. Nagkatinginan kami. "Pahaplos na." Tuwang pinisil ko ang bahagi ng abs niya. "Iyong sinaing ko, wait lang babe!" tumayo ako at nagmadaling pumunta sa kumedor. "Heart, kalma! Mamaya trip ka lang niya, may Suzy nga siya, e!" pakiramdam ko tumakbo ko nang ilang milya. "Trip talaga niya 'yon, hindi ako dapat nagpapauto," kinakalaban ko 'yong puso ko na hulog na hulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD