“Hindi ako gaya sayo na walang ginagawa sa buhay kung hindi ang mag lakwatsa, marami akong inaasikaso para sa business namin. ” Galit na sabi niya and I glared back at him. “Hindi rin ako gaya sayo na hindi man lang nag eenjoy sa buhay, puro libro lang ang nasa isip!” Galit na bulyaw ko sa kanya at napa buntong hininga naman ito. “Responsable kasi akong tao at hindi pabaya,” Galit na sagot niya and I rolled my eyes at tumingin sa view sa labas. Nakakainis talaga siya eh. “Ihinto mo na ang sasakyan, hahanapin na ako ng Mom ko.” Sabi niya and I shook my head. “For once Ethan, mag break ka naman ng rule. Hindi ka perfect okay?!” Sabi ko sa kanya. “Bahala ka sa buhay mo, hinding hindi ako papayag na umuwi ka. Alam mo ba na masakit na salita ang binitiwan mo sa paaralan? Hindi ka man lang