Ep 1: Chaser
“Oyy si Mara, grabe pare ang ganda talaga.”
“Mara, bulaklak para sayo.”
“Pre, kausapin mo baka single na siya.”
Iyan lang ang tanging naririnig ko sa mga taong nakapalibot sa akin. Ako si Mara Rodriguez, heartthrob sa buong paaralan. Lahat ng mga lalaki gusto ako at marami na rin akong naging boyfriend ngunit lahat sila mga walang kwenta pero hindi rin naman ako seryoso sa kanila. I am 18 years old at nakatira lang ako sa uncle ko dahil wala na ang mga magulang ko.
Yes, I am a spoiled brat pero hindi kami mayaman ha? May kaya lang ang uncle kaya hindi rin kami mahirap. Sakto lang ang pamumuhay namin.
I smiled at everyone habang naglalakad ako at kinuha ko ang bulaklak na binigay sa akin ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. “Salamat,” I said to him and he nodded his head while winking at me. Hay nako, sino na naman ba ang jojowain ko dito? Lahat kasi sila pareho lang ang ugali, marami na akong na i-kiss na mga lalaki pero hanggang doon lang naman. Akala ng lahat hindi na ako virgin pero ang totoo, wala pa talagang nakagalaw sa akin.
Kahit iba iba naman ang jowa ko, hindi naman ako ganung babae.
I sigh at nakita ko ang best friend ko na si Olivia. She smiled at me and I hugged her. “Olivia,” I greeted her.
“Hoy ikaw ha, bigyan mo naman ako ng mga manliligaw mo.” Pagbibiro niya and I laughed and slapped her arms playfully.
“Sayo na iyon ang mga iyon alam mo naman na isa lang ang gusto ko eh.” Sabi ko sa kanya and she rolled her eyes. Alam niya kung sino ang pinakagusto ko sa paaralan na ito pero impossible na maging kami.
“Nagkagusto ka nga eh hindi naman makuha.” Sabi niya and I rolled my eyes.
“Malay natin diba?” Tanong ko sa kanya.
“Hoy ikaw ha, masasaktan ka lang. Andaming nagkakagusto sayo, pumili ka nalang don.” Sabi niya sa akin and I shook my head. Namili naman ako sa kanila at may napili naman ako pero wala rin namang mga kwenta eh. Kahit jowa na nila ako, babaero pa rin. Jinowa lang ako para maging sikat at may mapakilala sa mga kaibigan nila. Ganun silang lahat pero iba siya.
“Hoy impakta, ayon na siya!” Kinikilig na sabi sa akin ni Olivia and I stared at the man that I wanted to be mine. Ethan Jacinto, pinakamabait sa lahat except sa akin. Mayaman siya at ang kanyang pamilya at narinig ko na may business na ipapasa sa kanya at siya ang magpapatuloy. Si Ethan ay hindi sikat sa paaralan, gwapo siya pero hindi gaya sa ibang mga lalaking heartthrob dito. Iba ang gwapo ni Ethan, mala anghel at mukhang mabait talaga. This is our last year in senior high and we will be graduating in 5 months.
Matagal ko na siyang gusto pero kahit anong pagpapansin ko sa kanya, ayaw niya talaga sa akin. He hates me. Alam ko rin na inosente pa siya, sabi sa akin, wala pang naging jowa dahil sa sobrang focus niya sa pag aaral. Siya talaga ang definition ng Mr. Pefect good boy.
Napatingin ako sa kanya habang siya ay naglalakad. Walang mga babaeng tumitili habang siya ay naglalakad dahil as I said, hindi siya sikat dito. Patago ang shine niya. Ako lang ang tanging nakakuha ng atensyon niya.
“Ethan,” I called him pero hindi ako pinansin. I sighed and rolled my eyes at tinitignan si Olivia.
“Oh, diba?” Sabi niya and I shook my head at pumunta na lang sa room namin. Hindi kami classmate ni Ethan pero alam ko lahat ang schedule niya sa class niya. Pumunta na kami sa classroom namin. Napatitig na lang ako sa blackboard habang nakatulala. Bakit hanggang ngayon, wala pa ring pagtingin si Ethan sa akin. Lahat ng lalaki may gusto sa akin, lahat ng heartthrob gusto akong maging girlfriend pero hindi ko talaga makuha si Ethan. Ang hirap kunin ng puso ni Ethan and I badly want it.
“Hoy, okay ka lang?” Tanong ni Olivia and I nodded my head. I grabbed my small mirror at tinignan ang hitsura ko. Sobrang ganda ko talaga, I have brown long wavy hair, maputi ang mga balat ko at matangkad rin ako. I have a 5’7 height.
“Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ako magustuhan ni Ethan,” Sabi ko sa kanya.
“Alam mo kasi, Mara, pormal kasi na lalaki si Ethan.” Sabi niya sa akin at napatingin naman ako sa kanya. Pinagsasabi nito? Ibig sabihin, ayaw ni Ethan ng babaeng gaya sa akin?
“So ibig sabihin, hindi ko deserve ang pormal na lalaki?” I asked her and she shook her head.
“Ang ibig kong sabihin, baguhin mo muna iyang lifestyle mo kung gusto kang magustuhan ka ni Ethan.” Sabi niya sa akin at napayuko naman ako. I glance at my red-painted nails at ang suot kong crop top.
“Eh bakit ko pa kailangan magbago ha?” Naiinis na tanong ko sa kanya. Kung ayaw ni Ethan sa akin ede huwag. Kung gusto niya ako dapat tanggap niya kung sino talaga ako.
“Mara, para sayo.” Napatingin ako sa isa kong kaklase na naglalahad ng chocolates. I smiled at tinanggap ang chocolates na binigay niya.
“Salamat,” Sabi ko sa kanya and he nodded his head. Dumating na ang guro namin at sobrang boring sa ilang oras na nakikinig ako sa mga guro. Alam ko namang matalino ako pero nawalan na talaga ako ng gana sa pag aaral. Ayokong mag aral, nag aaral lang ako dahil nagagalit ang uncle ko.
Nang matapos na ang klase, agad kaming pumunta ni Olivia sa canteen at doon sa malapit sa pwesto ni Ethan. Alam ko kung saan palaging umuupo si Ethan, sa pinakadulo kasi siyang umuupo kasama ang mga kaibigan niyang lalaki.
“Sos, sabi mo, ayaw mo na?” Tanong ni Olivia sa akin.
“Sinabi ko ba yon?” Tanong ko sa kanya and she rolled her eyes. Pinag uusapan na naman ako ng mga lalaki at may ibang naglalahad sa akin ng pagkain, kaya ayan tuloy, maraming pagkain sa mesa ko. Hays, ang hirap, rin maging heartthrob sa paaralan na ito.
“Ayan na hinihintay mo beshy,” Olivia teased me at napatingin ako kay Ethan habang naglalakad siya at nakangiti habang kausap ang mga kaibigan niya. Parang slow-mo lang eh. He looks fresh as always, nakasuot siya ng puting polo at black slacks. Pati attire niya, formal at simple lang. His dimples are showing habang nakangiti siya and this is one that I love the most. His dimples are addicting and cute.
Si Ethan talaga ang lalaki na matatalo ang mga macho na mga lalaki dahil sa ka cute at mala anghel niyang aura. Napatingin si Ethan sa akin and his smile dropped nang makita ako.
“Pare si Mara,”
“Ang ganda talaga eh,”
“Mara, single kaba ngayon?” Tanong ng isa sa kasama ni Ethan and Ethan ignored me at masamang nakatingin sa akin. Ano ba ang nagawa ko sa lalaking ito? Bakit ayaw na ayaw niya sa akin? Dahil ba palagi ko siyang kinukulit?
“Oo,” Sagot ko sa lalaki and they high-fived.
“Wow, so may pag asa ako Mara?” Tanong ng lalaki.
“May iba kasi akong gusto eh,” Sabi ko at tumingin kay Ethan. Hindi niya ako pinansin at pumunta sa kinauupuan niya.
“Sayang naman,” Sabi ng mga lalaki at umupo na sila sa upuan sa hara namin. Lumingon ako kay Ethan and he is eating silently.
“Baka gusto niyo ng pagkain, marami kasing nagbigay sa akin.” Sabi ko sa kanila at binigay ang mga pagkain na hindi ko pa nakain kanina.
“Wow salamat, Mara ha?” Sabi nila and I smiled and nodded my head. Hindi ako pinansin ni Ethan at patuloy lang itong kumakain.
I stared at Ethan while he was eating and I couldn’t wait for him to be mine. Ako lang dapat ang makauna sa inosenteng lalaking ito. I like him and he will be my boyfriend whether he likes it or not.