Nakasimangot lang ako habang naglalakad sa hallway. Nakita ko si Olivia na papunta sa akin with a worried look. Galit na galit ako kay Ethan, kala niya napaka gwapo na niya para pagsalitaan ako ng ganun. Ako ang pinakasikat na babae dito sa school tapos sinabi niya sa pangit na babae niya na hindi niya ako kilala? Sino ba siya?
“Oh, ano na naman ba ang problema?” Tanong ni Olivia and I saw Ethan na naglalakad habang naka eyeglass at nagbabasa sa libro niya. He looks so cute and his dimples were popping because of him reading his book. I glared at him at napunta ang tingin ni Olivia kay Ethan and then stared back at me.
“May nangyari sa inyo?” Tanong ni Olivia.
“Alam mo hindi ko talaga siya maintindihan. Sinabihan niya ako sa harap ng panget niyang babae na hindi niya ako kilala. Can you imagine it?” I exclaimed angrily. She shook her head.
“Ayan ka na naman eh, alam mo naman na hindi ka niya gusto tapos ipipilit mo pa ang sarili mo.” Sabi ni Olivia sa akin. Huh! Impossible na hindi niya ako magustuhan, lahat ng lalaki gusto ko. Siya lang itong paarte arte pa eh.
I looked at Ethan to see him still focusing in his books kaya lumapit ako sa kanya at sinadya na banggain siya. Nahulog ang libro na hawak niya. “Ooppss,” Sabi ko at napatingin siya sa akin and glared at me. Kinuha niya ang libro sa sahig.
“Ano bang problema mo?” Galit na tanong niya and I smirked.
“Huh? Wala naman, hindi ko naman sinadya na mabangga ka, ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh.” Sabi ko and he shook his head at nilampasan ako. I saw some people staring at us at wala akong pakialam. Galit na galit ako sa taong ito ngayon. I grabbed his arms at napahinto naman ito at tinignan ako.
“Hala, mag boyfriend ba sila?”
“Sino iyang lalaki? Hindi naman ata ganyan ang type ni Mara.”
“Teka, cute naman siya pero hindi talaga ganyan ang type ni Mara, he is too formal.”
Napatingin si Ethan sa mga tao na nag uusap and then sa akin. Inalis niya ang kamay ko. I saw some guys na lumapit sa amin at tinanong ako. “Mara, kayo ba ng lalaki na ito?” Tanong ng isang lalaki and I glance at Ethan and saw him staring at me with hate in his eyes.
“Oo,” I confidently said and everyone gasp, pati na rin si Olivia ay gulat na tinignan ako. I just said that dahil sa sobrang galit ko kay Ethan. Dapat magpasalamat siya dahil sikat na siya ngayon at makikilala na siya ng maraming tao.
“Huh?”
“Naku, sayang naman.”
Sabi ng mga lalaki. I grabbed Ethan’s hands at marahas niya itong inalis. “Hindi ko siya girlfriend.” I heard him say and my heart was thumping loudly in my chest. Parang mapapahiya ako ngayon. Marami ng tao ang nakatingin sa amin at gulat na gulat sa sinabi ni Ethan. He just denied and rejected me in front of them.
“Bro, sinabi ni Mara na boyfriend ka niya. Ano bang pinagsasabi mo?”
“Grabe pare, si Mara na iyan tapos ede-deny mo?”
Napabuntong hininga naman si Ethan and I stared at him, wanting him to just say na may relasyon kami. “First of all, hindi ko siya type.” Sabi ni Ethan and everyone gasps. “Second, ayaw ko ng mga babaeng, iba iba ang lalaki kada buwan.” He added and stared at me with all the hate in his eyes. “Third, ayaw ko ng babaeng naninigarilyo.” He added bitterly.
“And lastly, I don’t like girls na iba iba na ang nakatikim.” He said coldly and I slapped his face which made everyone gasp.
“Hindi mo ako kilala,” I said bitterly while tears formed in my eyes. He stared at me with different emotions in his eyes and I ran towards the bathroom and cried. Napakawalang hiya niya, pinahiya niya ako sa buong paaralan. He rejected me in front of them.
I heard footsteps na papunta sa loob and I saw Olivia na niyakap ako. “Ikaw naman kasi eh, sinabi ko na sayo na layuan mo na ang lalaking iyon.” Sabi niya sa akin at hinaplos ang likod ko.
“W-Walang hiya siya,” I cried loudly like a little girl.
“Tahan na,” Sabi niya and I just cried in her arms.
“Grabe, ang beauty queen, ni-reject ng isang lalaking hindi kilala.”
“Oo nga eh, nakakahiya iyon.”
“Andami pa namang nanliligaw sa kanya tapos iyon nerd pa ang na tripan.”
“Cute naman din iyon ah,”
“Cute nga pero iba rin iyong mga macho.”
I heard them giggled and I wiped my tears away and crossed my arms in my chest. Their eyes widened nang makita ako. I glared at them. “M-Mara, nandito ka pala.” Sabi nila. I shouldn’t be mad, totoo naman ang sinasabi nila eh pero bad mood ako ngayon.
“Kayo ha, tantanan nyo iyang pagiging chismosa niyo.” Galit na sabi ni Olivia at hinila ako palabas. “Ikaw rin, lubayan mo na ang Ethan na iyon.” Sabi niya sa akin at napayuko naman ako. Eh paano ko makakalimutan iyon, siya lang naman ang nag iisang gusto ko. Napakahirap turuan ng puso eh.
***
“May ideya ako,” I said and smirked at napatingin si Olivia sa akin.
“Ano na naman ba iyan, Mara.” Naiinis na sabi niya.
“Kikidnapin ko si Ethan mamaya,” I said and giggled. She slapped my arms and looked at me like I was crazy.
“Nababaliw ka na ba?” Tanong nito.
“What? Dalawang gabi lang naman. Gusto ko siyang dalhin sa rest house namin sa nueva ecija, para makaganti naman ako.” Sabi ko sa kanya.
“Alam mo, ewan ko sayo.” Sabi niya and I held her arms and gave her a puppy dog’s eyes.
“Pleasee,” I begged her and she sighed.
“At paano mo naman gagawin iyon? Hinding hindi papayag si Ethan na isasama mo siya.” Sabi niya sa akin. Kaya nga kikidnapin ko eh dahil alam ko, pa arte arte na naman ang lalaking iyon.
“Hihingi ako ng tulong sa mga lalaki na kilala ko para kidnapin siya,” I said and smirked. She shook her head.
“Bahala ka diyan,” Sabi nito and I rolled my eyes. Humanda ka talaga sa akin, Ethan. Dahil sa ginawa mong pagpapahiya sa akin. I smirked.
Bukas na bukas ko gagawin ang plano ko. Tinawagan ko na ang mga kaibigan kong lalaki at sinabi ko sa kanila na e blindfold nila si Ethan at ipasok sa kotse na sasakyan ko papunta namin sa Nueva Ecija.
***
“Handa naba lahat?” Tanong ko kay Mike and he nodded his head. “Sa hapon, naghihintay iyan sa sundo niya kaya kapag dumating na ang kotse na sasakyan ko, ipasok niyo siya kaagad at bubuksan ko na ang pinto ng kotse.” Sabi ko sa kanila and they nodded their heads.
“Anong kapalit dito Mara?” Tanong nila sa akin.
“Hmmm.. Anong gusto niyo?” Tanong ko sa kanila and they look at each other.
“Date sakin, Mara.” Sabi ni Mike and I chuckled.
“Sige pero isang oras lang ha?” Sabi ko sa kanya and he smiled and nodded his head.
“Samin, kiss na lang sa pisngi.” Sabi nila and I laughed and nodded my head.
“Sure" sabi ko sa kanila at pumunta na ako sa kotse na sasakyan ko ngayon. Ready na ang driver at nasa backseat ako. Naghintay ako ng ilang minuto and I saw Ethan na lumabas sa gate habang dala ang bag niya. I smirked.
“Manong, doon sa may lalaking naka polo na puti.” Sabi ko.
“Sige po ma’am.” Sabi niya at binuksan ko na ang pinto ng kotse nang makita ko sila na Mike na lumapit sa kanya. Nang huminto na ang sasakyan, agad nilang tinakpan ang bibig ni Ethan at pinasok sa loob ng kotse while he yelped.
“Manong, andar na!” Sabi ko at agad na pinaandar ng driver ang sasakyan. Nakita ko si Ethan na tinitignan ako while his eyes were wide in shocked.
“Ano ba?!” Galit na bulyaw niya and I crossed my arms in my chest habang tinitignan siya. Napahawak siya sa ulo niya.
“Pinahiya mo ako sa buong school,” I said to him at napa buntong hininga naman ito.
“Ihinto mo ang sasakyan,” Galit na sabi niya and I shook my head. “Saan mo ba ako dadalhin?!” Galit na tanong niya.
“Secret,” Sabi ko and he groaned angrily.
“Pahinto ng sasakyan manong,” Galit na sabi niya sa driver ko.
“Huwag mong ihinto,” Sabi ko sa kanya and Ethan glared at me. Bahala siya sa buhay niya kung magalit man siya sa akin, wala akong pakialam. Sobrang ang pagpapahiya niya sa akin kahapon sa paaralan and he called me a slut.
“Saan mo ba kasi ako dadalhin?!” Galit na tanong niya.
“Sa Nueva Ecija, magsasama tayo sa dalawang araw,” Sabi ko sa kanya and his eyes widened.
“Nababaliw kana ba? Hindi ako pwedeng sumama dahil marami akong gagawin!” Galit na sabi niya and I heard his phone ring at sinagot niya ito.
“Mom–
Agad kong kinuha ang cellphone niya at pilit niya itong binawi sa akin. “Akin na nga iyan!” Galit na sabi niya.
“In your dreams! Swerte mo nga dahil makakasama mo ako eh!” Galit na sabi ko sa kanya at tinignan niya ako ng masama.
“Akin na ang phone, tumatawag ang Mom ko.” Galit na sabi niya and I rolled my eyes. Is he a Mama’s boy? Gosh, this boy is such a kid.
“Mama’s boy ka pala? Hindi ka ba nabubuhay kung wala ka sa tabi ng mama mo?” I teased at nakita ko ang galit sa mukha niya.