Choices Part Two “PERO asawa kita at pamilya ko din kayo nila Lolo. Ngayong may sakit ang Lolo mo, ako lang ang nag-iisang lalaki sa pamilya natin, Cons. Hindi ko kayang iwanan na lang kayo nang hindi pa maayos ang kondisyon ng Lolo mo.” Mula sa kamay niya ay umangat ang palad ko at sinapo ang pisngi niya. “Pero hindi ko din kaya na mapabayaan mo iyong pamilya mo sa Maynila dahil sa amin. Lalo na’t mukhang ikaw na lang ang inaasahan nila.” Mariin siyang napapikit sabay yakap sa akin. “I don’t want to leave you here alone, baby.” “Basta babalik ka. Mangako kang babalik ka.” “Pangako. Babalik ako, mabilis lang ako sa Maynila. Sa pagbabalik ko, isasama ko na sila Mommy para makilala nila kayo.” Umiling ako at humiwalay sa kanya. “Kapag maayos na ang lagay ng negosyo nyo at saka mo na in