Gone “ARE you really sure that it’s okay for me to leave?” Nginitian ko ang asawa ko at tumango. Meron sa loob kong nalulungkot na aalis siya pero iniintindi kong kailangan niya itong gawin. Nilalawakan ko ang pang-unawa kong kailangan siya ng pamilya niya. Nanatili pa siya ng isang araw at pinarebook ang flight niya pero ngayon ay talagang pinilit ko na siyang bumalik ng Maynila dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone niya. “Basta babalik ka. Tapos sana kahit saglit lang sa isang araw, tawagan mo ko. Baka kasi hindi na ako makatulog kapag hindi ko narinig ang boses mo.” “Are you crying, Mrs. Gallego?” Tumingala ako at nakagat ang labi kong nangangatal sa pagpipigil na humikbi. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako masyado gayong alam ko namang uuwian ako ni Alas.