Selos “CONS! Nandito na ang sundo mo. Bilisan mo nga diyan.” Nakangiti kong hinarap ang salamin at siniguradong walang gusot ang suot kong uniporme. Kinuha ko ang pabango na ibinigay sa akin ni Alas nang nakaraang buwan at pinabanguhan ang sarili. Hindi ko hilig ang pabango pero gustong-gusto ko ang binigay niya sa akin. Hindi masangsang sa ilong at manamis-namis ang amoy. “Napakalapit lang naman ng school nila Constancia, hindi mo na kailangang araw-araw sunduin.” Pagsusungit na naman ni Lolo kay Alas na sanay na at tumawa na lang. Agad niya akong sinalubong at kinuha ang totebag kong naglalaman ng lesson plan kaya medyo mabigat. “Good morning, baby.” Halos pabulong niyang bati sa akin dahil nang huling marinig ni Lolo ang tawag sa akin ni Alas ay tumaas ang presyon nito. Sa loob