Courting NAGISING ako sa tunog ng poso sa bakuran namin. Ang langitngit ng bakal na nagmumula roon ang tuluyang gumising sa diwa ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil matagal nang hindi ginagamit ang poso na iyon simula nang makapagpakabit na ako ng koneksyon ng tubig namin. Binuksan ko ang bintana at umawang ang labi ko nang makita roon si Alas na hubad-baro at pawisan na sa pag-iigib ng tubig. Sa tagal na kasi no’n ay hindi na ganoon karami ang tubig na inilalabas ng poso. “Anong ginagawa mo diyan?” sigaw ko sa kanya dahilan para mapatigil siya sa ginagawa at tingalain ako. “Good morning!” kaway niya at ngiting-ngiti pa sa kabila nang nakita kong pagod sa mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan at agad kong iniwas ang tingin doon. Napasimangot ako nang ma