Misunderstanding “Cons, anak?” Hindi ko inalis ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko nang marinig ang pagpasok ni Nanay sa kwarto ko umagang nagising ako. “B-babangon na ho ako, Nay–” “Nag-anunsyo sa radyo, wala daw pasok ang lahat ng antas dahil sa bagyo. Nagluto nga ako ng sopas at grabe ang lamig ng panahon. Gusto mo bang sandukan na kita?” Tumikhim ako. “Hindi na Nay, gusto ko pang matulog. Bababa na lang po ako mamaya.” “Masama ba pakiramdam mo? Bakit ka ba diyan nakatalukbong?’ Umiling-iling ako. “Sobrang lamig kasi, nay, ang sarap matulog.” “O siya sige. Inaantok nga din ako ‘eh. Ano ba ‘tong panahon na ‘to. Uulan-aaraw tas biglang babagyuhin.” Girlfriend… Pinahid ko ang mga luhang nagsimula na namang kumawala sa mga mata ko nang nagpaulit-ulit na naman ang boses na iy