Chapter 12

1483 Words

Migo “HINDI kaya kailangan na natin siyang dalhin sa hospital?” ani nanay nang makita ang temperatura ni Alas na hindi pa rin bumababa kahit napainom na namin siya ng gamot. Sinilip ko ang labas at wala pa ring tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan kaya napailing ako. “Baka baha na din sa daan, Nay. At wala din tayong masasakyan.” Sinulyapan ko ang orasan at pasado alas diyes na nang gabi pala. “Nay, magpahinga na po kayo. Ako na pong bahala kay Alas.” “O sige, pero katukin mo ako kung kailangan mo ng tulong. Saka anak…” “Ano ‘yon, Nay?” “Huwag kang magkakamaling isarado ang pinto mo. Alam mo naman ang lolo mo.” Natawa ako. “Oho nay, sige na po matulog na kayo.” Napabuntonghininga nang lumipas ang isang oras na pinunas-punasan ko si Alas ay hindi man lang malaki ang naibawas sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD