Chapter 4

1607 Words
Dinner “SIGURADUHIN mong babalik kayo ng kaibigan mo makalipas ang limang araw, Cons, para matingnan ko kung ano na ang lagay niya.” Napangiwi ako sa pagdidiin ni Ninong sa salitang kaibigan na sinamahan pa ng ngisi niya. Sa tabi niya ay si Thomas na tulad ng ama niya ay mapang-asar din ang ngiting ibinibigay sa akin. Sinulyapan ko si Alas na nakaupo at pinagmamasdan ang mga resetang ibinigay sa kanya ni Ninong. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa kanya dahil sa reaksyon nila Ninong. Halatang tinutukso kami sa isa’t-isa. “Paano Cons? Sa linggo ko na lang titikman ang bilo-bilo ni Ninang. Baka may lakad pa kayo ng kaibigan–” “Thomas Paul, manahimik ka na.” Malakas siyang tumawa at hinila ako. Matunog niyang hinalikan ang magkabila kong pisngi bago mabilis na nagpaalam sa amin dahil sa biglaan niya raw lakad sa bayan. Iiling-iling na minasdan namin siya ni Ninong. “Ang kababata mo talaga na ‘yan. Hindi na naubusan ng kalokohan.” Ang kalokohan na tinutukoy ni Ninong ay ang pagiging palikero ni Thomas. Hindi lang iisang away ng mga kababaihan dito sa Isabela ang naganap dahil sa kanya. Halos hindi ko na mabilang. Minsan pa nga ay nadamay na rin ako dahil pinagsuspetsahan ng isa sa mga naging nobya niyang may relasyon kami kaya nang hiniwalayan siya ni Thomas ay ako ang sinugod at pinagbintangan na may kasalanan. “Hindi ko talaga alam paano niyang naisisingit ang pagiging babaero sa kabila ng pagiging busy sa trabaho.” “Kanino pa ba magmamana, kay Daddy siyempre.” Sulpot ni Thalia na kakagaling lang ng banyo. Natawa ako sa sinabi niya lalo na sa naging reaksyon ni Ninong. “Thalia, you know I only love your Mom.” “But before mom, you’re just like Kuya.” Hindi na nakapagsalita si Ninong at malakas na lang na tumikhim. “Bueno, gabi na at baka hinahanap ka na sa inyo Cons.” Hinarap niya si Alas na nakatingin na pala sa amin. “Aasahan kita limang araw mula ngayon Mr. Gallego.” Gallego… Tumango si Alas at ngumiti. Habang naglalakad kami papalabas ay tahimik lang siya kaya hindi ko maiwasang mailang. Tila malalim ang iniisip niya habang nakatingin sa nilalakaran namin patungo sa kung saan niya ipinark ang kotse niya. Tumikhim ako nang huminto na kami sa tapat ng sasakyan niya. Doon ko nakuha ang atensyon niya at tila nagising sa malalim na iniisip na mukhang nagulat pa siya. “Dito na lang ako. Isang sakay na lang naman ng jeep mula rito ang sa amin. Mag-iingat ka at siguraduhin mong bibilin at susundin mo ang mga ibinigay sa ‘yo ng doktor.” Napahawak siya sa ulo niya at natatarantang inalalayan ko siya nang mapapikit siya’t sumandal sa kotse. “Ayos ka lang ba? Ang mabuti pa bumalik tayo sa loob–” Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko pinipigilang hilahin ko siya pabalik sa clinic nila Ninong. “I’m fine. Mukhang mas sumama lang ang pakiramdam ko. I don’t want to put you in danger, I don’t think I can drive. We should find a taxi.” Sa pagdilat niya ay doon ko lang natutukan ang kulay tsokolate niyang mga mata. Nangungusap iyon habang nakatingin sa akin. Malamlam at kita ko ang panghihina sa mukha niya. “Hindi uso ang taxi dito sa Isabela. Ang mabuti pa kumontrata na lang tayo ng tricycle. Mapapamahal ka nga lang. Diyan ka muna at ibibilin ko lang ang kotse mo kay Ninong.” Madalian akong bumalik sa clinic ni Ninong at ibinilin sa kanila ang kotse ni Alas na pababalikan ko na lang. Pagdating ko sa labas ay naabutan ko si Alas na nakaupo sa baitang ng hagdan at yukong-yuko. Napabuntonghininga ako at nilapitan siya. Pinantayan ko siya at tinapik. “Saan ka tumutuloy?” Tumikhim siya. “Sa may Casa de Alpino.” Tumango-tango ako. “Ah, malayo-layo iyon mula sa bahay. Siguro nasa kalahating oras din ang biyahe. Sandali, tatawagan ko na lang si Thomas, may sasakyan ‘yon baka hindi pa siya nakakalayo.” Agad siyang tumayo at umiling. “Ayokong makaistorbo pa nang iba. How about we go there and have some dinner first. Tingin ko kapag nakainom naman ako ng gamot ay magiging ayos na rin ako para makapagmaneho.” Pagturo niya sa katapat naming kainan iniiba ang sinabi niya kanina. “Sigurado ka ba?” Tumango siya at nag-aalangan man ay sinabayan ko na rin siya sa paglalakad patungo sa kainan. “Kumakain ka ba sa ganito?” hindi ko napigilang ibulong sa kanya at pinigilan siya nang papasok na siya sa loob. Tumawa siya. “Oo naman. Noong college ako hilig namin kumain ni Migo sa mga carinderia at ihawan.” “Migo?” Naglaho ang ngiti sa labi niya at iniwas ang tingin sa akin. “My friend.” Sa kilos niya ay mukhang sanay na nga siya sa kalakaran sa mga carinderia dahil dumiretso siya sa unahan at namili ng ulam. “Anong gusto mo?” Itinuro ko ang chopsuey. “Ayan na lang, hindi rin naman ako masyadong gutom pa kaya kalahating kanin lang.” “I see, take a seat.” Napanganga ako nang bumalik siya na dala-dala ang tray na may apat na putahe maliban sa gulay na inorder ko para sa akin. “Mauubos mo ba lahat ‘yan?” Umiling siya. “Hindi.” Napangiwi ako. “Kung ganoon bakit ka umorder niyan, masasayang lang.” “Hindi ‘to masasayang. Kain na tayo.” Nagtataka pa rin ako sa mga inorder niya ngunit nag-umpisa na rin akong kumain. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa hindi ko na napigilang magsalita. “M-may pakay ka ba dito sa Isabela?” Napahinto siya sa pagsubo at tiningnan ako. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig bago nagsalita. “Wala. I just randomly selected this place when I was at the airport looking for a place.” “A place?” “Hmmm, a place for my soul searching.” Soul searching? Tumawa siya. “Don’t look at me like that.” “Like what?” Wala sa loob na napa-ingles kong tanong. “Like ‘is he serious’, that kind of look.” Tumikhim ako at inabot ang juice. “Ilang taon ka na ba?” “Twenty.” Nasamid ako at muntikang maibuga ang inumin nang marinig ang sagot niya. Malakas siyang tumawa at inabutan ako ng tissue. Napapangangang pinagmasdan ko siya. “Bente ka lang?!” Muli siyang tumawa at doon ko natantong hindi siya seryoso. Sinimangutan ko tuloy siya. “Seryoso akong nagtatanong dito.” “So, interesado ka bang malaman ang tungkol sa akin?” “Huh?” “I’m Sancho Alastaire Gallego. I’m twenty-eight years old. I’m currently on a vacation after resigning from my stressful job. I love pasta and seafoods. I’m fascinated with mystery books. I’m good at surfing but I suck at singing. But I can dance a little bit.” Huminto siya at uminom ng tubig tila hiningal sa mahaba niyang sinabi. “May gusto ka pa bang malaman sa akin?” Hindi ako nakapagsalita at napakamot na lang sa pisngi. “B-bilisan mo na diyan kumain para makainom ka na ng gamot.” “Ipinakilala ko ang sarili ko, how about you?” “Wala namang interesante sa buhay ko.” “But I find you interesting.” Kumunot ang noo ko at napatigil sa paglagay ng kanin sa kutsara ko. Pagtingin ko kay Alas ay nasa pagkain na ang atensyon niya kaya ikipinagkibit-balikat ko na lang ang sinabi niya. Halos isang oras pa kaming nagtagal sa kainan nang sabihin niyang kaya niya na ang magmaneho. Ipinabalot niya ang mga hindi man lang nagalaw na pagkain at naunawaan ko ang ibig sabihin niyang hindi iyon masasayang nang ibigay niya iyon sa namamalimos na lalaki sa labas. Pagpasok sa kotse niya ay nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya dali-dali kong kinuha iyon. Napangiwi ako nang makitang ang Nanay ang tumatawag. “Nay?” “Nasaan ka na, Constancia? Lalamig na ang hapunan. Kanina ka pa tinatanong ng lolo mo.” “Seatbelt please.” Namilog ang mga mata ko sa pagsasalita ni Alas na humilig pa sa akin para kunin ang seatbelt at ilagay sa akin. Nahigit ko ang hininga ko sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. “Constancia? May kasama kang lalaki? Si Thomas ba ‘yan?” Tumikhim ako at umiling kahit hindi nakikita ni Nanay. “Hindi nay. Pabalik na po ako, diyan na lang po tayo mag-usap.” Agad ko nang ibinaba ang cellphone bago pa magtuloy-tuloy ang sasabihin ng Nanay ko. “Thomas?” anas niya mukhang naringgan ang boses ni nanay sa kabilang linya. Napatingin ako kay Alas. “Huh?” “Sino si Thomas? Iyon ba iyong humalik sa ‘yo kanina?” seryoso niyang tanong. “Humalik? Ahhhh, oo si Thomas. Kababata ko siya.” “Nanligaw din sa ‘yo?” Natawa ako sa naging tanong niya at umiling-iling. “Hindi. Hindi ako type no’n.” “Oh, so kung type ka niya at niligawan ka niya may pag-asa ba siya?” muli niyang tanong at nagsimula nang magmaneho. “Wala. Parang kapatid ko na ‘yon si Thomas.” Natatawa kong sagot sa kanya. Hindi siya nagsalita at pagtingin ko sa kanya ay nakangiti na naman siya. “Let’s play some music,” aniya at binuksan na ang stereo ng sasakyan niya. “...I need right here in the passenger seatttt!” Natawa ako sa sintunado niyang pagkanta. Tunay ngang hindi lahat nakukuha ng isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD