Number “HUWAG mong kalimutan inumin sa tamang oras ang mga gamot na binigay sa ‘yo ni Ninong. Kahit din bumuti ang pakiramdam mo, maiging bumalik ka sa kanya,” habilin ko kay Alas nang malapit na kami sa bahay. “Yes Ma’am Cons!” Natawa ako sa sagot niya na animo estudyante ko siya. Natigilan ako at tumikhim. Napapaisip sa nagiging reaksyon ko sa kanya gayong bago ko lang siyang kakilala. Bakit tila ang bilis ko yatang naging komportable sa presensya niya? Nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng bahay ay muli ko siyang sinulyapan habang inaalis ang seatbelt. “Sigurado ka bang kaya mong magmaneho?” Hindi maiwasang mag-alala kong tanong sa kanya. Tumango siya at ngumiti. “I can manage.” “Huwag kang magmabilis ng takbo mo, medyo madilim ang daan pa-Casa.” Pababa na sana ako nang