Brave “KAYA ko na. Ayos na ako, salamat at p-pasensya ka na sa abala,” halos walang boses kong anas kay Alas nang ibaba niya ako sa kawayan naming upuan. “Nasaan ang first aid kit nyo?” Umiling ako at napayuko. “Ako nang bahala dito,” tinutukoy ko ang magkabila kong tuhod at mga kamay na puro gasgas. “Hugasan mo muna ‘yan, tapos gagamutin kita.” “Doktor ka ba?” inis kong pagtingala sa kanya at nakagat ko ang labi nang matantong napakawalang utang na loob ko na nagagawa ko pang magtaray sa kanya. Malalim akong napabuntonghininga. “S-sorry.” “No, ako dapat ang mag-apologize sa ‘yo. I was busy picking up your things na hindi ko napansin na itutulak ka niya.” Lumuhod siya at hinawakan ang mga kamay ko. Napalunok ako nang makita ang awa sa mga mata niya. Hindi ko iyon kailanman ginusto