Kabanata 2

1418 Words
Nang maihiga ko sa kama ang isang napakaguwapong nilalang ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Puro dugo na ang katawan ko. Nilapitan ko kaagad ang lalaking mabilis ang paghinga. Akma ko na sanang titingnan ang sugat niya nang bigla niya akong itulak. "Ay gag*!" malakas na sigaw ko. Iminulat niya ang mata niya at saka matalim akong tiningnan. Napalunok ako dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Para bang kakainin niya kasi ako ng buhay. Pero sa kabilang banda ay ayos na ayos lang 'yon sa akin dahil matagal ko na rin kasing gustong maranasang makain. Sana nga talaga ay kainin niya ako ng buhay. "Kumuha ka ng gunting, sinulid na may karayom at malinis na tela. Bilisan mo!" sigaw niya sa akin. Sa taranta ko ay napatayo kaagad ako at humanap ng sinulid at karayom. Sumunod ay kumuha ako ng malinis na puting bimpo sa damitan ko at nagmamadali akong nagtungo sa kusina para kunin ang gunting. Matapos kong gawin 'yon ay ibinigay ko na ito sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hinubad niya ang kaniyang pang-itaas at nanlaki ang mata ko dahil sa ganda ng katawan niya. Kitang-kita ang walong pirasong pandesal niya at sa tingin ko ay napakatigas no'n. Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil bigla akong nakaramdam ng panggigigil. Pinalibot ko pa ang paningin ko sa mapipintog niyang braso na talaga namang tingin pa lang, parang gusto ko ng himasin ang braso niya at sa tingin ko ay matigas din 'yon. Halos tumulo ang laway ko nang madako ang paningin ko sa umbok sa pagitan ng kaniyang hita. 'Yon na ba ang kargada niya? Hindi pa ito nabubuhay pero mukhang malaki na agad! Parang ang sarap dakmain at ipasok kaagad sa akin. "Ay gag* ka!" bulaslas ko nang bigla niyang guntingin ang tagiliran niya. Bakas sa pagmumukha niya ang labis na sakit na kaniyang nadarama. Gamit ang gunting ay kinuha niya mula sa kaniyang tagiliran ang isang bala ng baril. Nanginginig ang kalamnan ko habang nakatingin sa kaniya. Mukhang sanay na sanay siya sa ganitong sitwasyon. Parang laruan lang ang katawan niya na kinuhaan niya ng bala ng baril. "Put*ng ina!" hiyaw niya nang maalis niya ang bala sa tagiliran niya. Pinunasan niya ng bimpo ang dugo na umaagos sa butas niyang tagiliran. Mariin siyang napapikit. Nilibot ko ang paningin ko sa katawan niya. Marami siyang peklat. May mga malalaki na para bang hiniwa siya ng kung anong matalas na bagay. Pero hindi 'yon nagdulot ng kapangitan sa katawan kun'di mas lalo pang nagbigay ng angas. Mas lalo siyang naging maangas na lalaki sa paningin ko. Para siyang isang action star na napanuod ko na puro peklat ang katawan. Mayamaya pa ay tinahi na niya ang sugat niya. Hindi ko na kinaya pang tingnan ito kaya nag-iwas na ako ng tingin. Nagtungo na ako sa banyo at nagbihis. Ibinabad ko muna ang damit kong may mga dugo. Patakbo akong nagtungo sa kabilang kuwarto at nagbihis. Nang matapos ako ay lumabas ako ng kuwarto. Ang daming nagkalat na dugo niya sa sahig. Kumuha na ako ng pang-mop at sinimulan itong linisin. "Kumuha ka ng tubig. Nauuhaw ako. Hindi malamig." Utos niya sa akin. Kaagad naman akong sumunod. Nilagok niya ang basong puno ng tubig at saka huminga ng malalim. Napangiwi na lang ako sa itsura ng bed sheet ko. Puro dugo na. Katamad naman na labhan pa ito kaya itatapon ko na lang ito at bibili na lang ng bago. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-mop ko sa sahig dahil baka mamaya mahirapan na akong maglinis. Nang matapos ako ay pumunta ako sa kuwarto ko kung saan siya naroroon. Tumingin siya sa akin. "Salamat." 'Yon lang ang sinabi niya sa akin sabay iwas na ng tingin. Napakamot ako ng ulo. Salamat lang? Wala man lang kapalit? Kagaya ng pagwasak niya sa kepyas ko? Kahit iyon lang ay malaking bagay na sa akin. Hindi na ako lugi doon kung ganiyan naman kaguwapo at kakisig ang wawasak sa akin. "K-kumusta ang pakiramdam m-mo? A-ayos ka lang ba? A-anong nangyari sa iyo?" Nauutal kong tanong sabay kamot sa aking ulo. "Ayos lang ako." Napangiwi ako. Napakatipid namang magsalita ng lalaking 'to! Gusto ko 'yong mahaba! Kasing haba ng kargada niya. "N-nagugutom ka ba? Ipagluluto kita. Ano bang gusto mong kainin?" Nilingon niya ako. "Kahit ano. Basta may sabaw." Napakamot ako ng ulo. Bigla tuloy akong nagsisi. Naalala ko bigla na hindi pa pala ako nakapamili ng stock ko dito. Wala pa lang imbak na karne sa refrigerator. Balak ko sanang lutuan siya ng tinola. Hindi pa kasi ako nakasasahod. Bukas pa siguro ibibigay ng amo ko ang sahod ko. Tumingin ako sa kaniya sabay ngiti. "Sorry pala, wala pala ako ngayong stock ng pagkain dito. Ayos lang ba sa iyo kahit ano? Basta pagkain naman. Maarte ka ba sa pagkain?" Tinaasan niya ako ng kilay. Grabe ang kilay niya. Ang kapal. Bumagay sa guwapo niyang mukha. Tinitigan ko siya ng maigi. Makapal na kilay, malalim at may pagkasingkit na mata, mahaba at makapal na pilikmata, matangos na ilong, makinis na balat at mapupulang labi na kaysarap laplapin. Sana talaga malaplap ko ang labi niya. "Kahit ano basta hindi lason." Natawa ako bigla. "Bakit naman kita lalasunin? Tapos kitang dalhin dito ay ganoon ang naisip mong gagawin ko sa iyo? Hindi puwedeng mamatay ang isang kagaya mo dahil may misyon ka pang gagawin sa akin." Kumunot ang noo niya. "Anong misyon?" Malawak akong ngumisi. Pakapalan na ng mukha ito. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Kailangan na niyang malaman kung ano ang dapat niyang gawin sa akin. "Wawasakin mo ang kuweba ko." Matapang kong sabi sa kaniya. "Ano?" "Ang sabi ko, wawasakin mo ang kuweba ko bilang kapalit ng pagtulong ko sa iyo." Ngumisi siya sabay iling. Kitang-kita ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Grabe itong lalaki na 'to. Over na ang kaguwapuhan! Para akong may kasamang action star sa bahay na 'to! Ito na ba ang blessings ko for today? Over naman! Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging blessing ko. Isang lalaking makisig, guwapo at malaki pa ang kargada! "Baliw ka na." "Hindi ako nagbibiro at seryoso ako sa sinasabi ko. Kailangan mong bayaran ang ginawa kong pagtulong sa iyo. Kailangan mong akong binyagan. Bago pa mahuli ang lahat." "Mahuli ang lahat?" "Oo. Umabot na ako sa edad na trenta pero nananatili pa rin akong virgin. Hindi na magandang sign ito. Baka mamaya mamatay na lang ako ng virgin. Kawawa naman ako. Hindi man lang ako nakaranas madiligan. Kulang na kulang ako sa dilig. Tuyong-tuyo na ang halaman ko. Kailangan ko ng dilig mo. Please lang, Kuya. Pagbigyan mo na ako. Diligan mo ako." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Kaagad niyang iniwas ang tingin niya habang nakikita ko na nagpipigil siya ng tawa. Bumuntong-hininga ako. Mukhang mahihirapan akong kumbinsihin siya na diligan ako. "Gutom na ako." Napakamot na lang ako ng ulo at saka naghanap ng puwedeng mailuto sa kusina. Habang naghihintay akong maluto ang isinalang ko, pasimple ko siyang sinisilip sa kuwarto. Ang guwapo talaga ng nilalang na 'to! Sinisilip ko rin ang umbok niya. Grabe kaumbok! As in umbok talaga. Ibig sabihin ay may malaki siyang kargada. Kailangan ko na talaga 'yong matikman. Kahit pa magkandaduwal-duwal ako ay ayos lang. Gagawin ko na lang 'yong lollipop. "Ito na. Kumain ka na." Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang niluto kong may sabaw sa kaniya. "Ano 'to? Noodles? Ginagag* mo ba ako?" galit niyang sabi. Napangiwi ako. "Sorry na. Wala na kasi akong ibang pagkain dito. Poor woman lang kasi ako eh." Napakamot ako ng ulo sabay ngisi. "Pasalamat ka gutom ako." Nagsimula na siyang humigop ng sabaw. Grabe ang higop niya. Ang galing at may tunog pa. Naiisip ko tuloy bigla paano na lang kung ang katas ko na ang hihigupin niya. Ganoon din kaya? May tunog pa? "Huwag mo akong titigan." Napapitlag ako. "Sorry na. Nagutom tuloy ako bigla. Para kasing ang sarap mong kainin. Kung ayaw mo akong kainin, ako na lang ang kakain sa iyo. Okay lang ba?" Tumigil siya sa paghigop ng sabaw matalim akong tiningnan. "Gag* ka ba? Gusto mo bang putukan kita?" Nanlaki ang mata ko nang may hinugot siyang baril mula sa hinubad niyang damit sabay tutok sa akin. Napaatras ako sabay lunok. Saan galing 'yon? Bakit hindi ko napansin na may hawak siyang baril? Bobo ko talaga! Masyado ko yata siyang pinagnasaan! "Sige! Putukan mo ako ayos lang. Basta ba sa loob mo ako puputukan," sigaw ko sa kaniya. "F*ck you!" Galit niyang sigaw pabalik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD