Kabanata 3

1326 Words
"Boss, nasaan ka ba? Kahapon ka pa namin hinahanap! Ano na ang nangyayari sa iyo? Wala na ang mga kalaban natin nang madatnan ko sila sa kuta nila. Kumusta ang lagay mo?" tanong sa akin Chris sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim bago ng salita. "I'm okay now. 'Yong tama ng bala sa akin ay isa lang sa tagiliran. Tinahi ko na." I heard him chuckle. "Ha? Tinahi mo? Mag-isa? Sanay ka na talaga sa ganiyan. Hindi ka ba mapaano diyan?" "It's something I'm used to. Please don't say things like that to me. You sound gay. You know I'm not easy to kill. Masamang damo ako." "Ay oo nga pala boss. Pasensya na nakalimutan ko. Kahit siguro paulanan ka pa ng bala buhay ka pa rin dahil may masama kang tao." "F*ck you, Chris!" Malakas siyang tumawa mula sa kabilang linya. "Sorry naman boss! Huwag kang magagalit dahil natataranta ako kapag nagagalit ka. Nasaan ka na ba nang masundo na kita?" "Hindi na kailangan. May naisip akong plano. Dito na muna ako for the meantime." "Plano? Anong plano boss? Isama mo naman ako diyan sa plano mo. Alam mo naman kung gaano ako nag-aalala sa iyo, boss eh. Nasaan ka na ba? Kailangang magamot ng maayos ang sugat mo dahil baka mamaya magka-infection ka!" "Shut the f*ck m*ron! You're so gross! Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. I will text you once na maisipan ko ng umalis dito." "Boss---" Ibinaba ko na kaagad ang tawag. Kahit kailan talaga ay walang magandang nasasabi ang lalaking 'yon. He's my best friend since we were young. Dati ako ang mahina at siya ang nagtatanggol sa akin pero ngayon hindi na dahil mas malakas na ako sa kahit na sino. Kailangan kong makapaghiganti sa ginawa nila sa pamilya ko. Papatayin ko silang lahat. Ang mga taong kasali at kasabwat sa pagpatay sa pamilya ko ay hindi ko palalampasin. Bumuntong-hininga ako at ikinuyom ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Pinalibot ko ang paningin ko sa kuwartong ito. Ang pangit. Halatang mahirap lang ang nakatira. Bulok na ang pader at halos tanggal na rin ang pintura. May mga ipis din sa sahig. F*ck! What a dirty place. Kaya siguro noodles lang ang pinakain niya sa akin dahil wala siyang pera kawawang nilalang. "Bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong niya. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Umupo siya sa harapan ko. Napalunok ako. What an ugly face she has. I mean, she's not all that bad. Her pimples are what makes her look unattractive. There are a lot of pimples. Parang halos wala ng space ang mukha niya kung tutubuan pa siya ng tigyawat sa mukha. Matangos naman ang ilong, maganda ang kilay at mata pero marami lang talaga siyang tigyawat. But her body is damn sexy. Ang hugis ng katawan niya ay parang pang porn star. She a big booty and big melons. I'm curious how it feels if I squeeze it. "Bakit ganiyan ka naman kung makatingin sa akin? Gusto mo na ba akong kainin? Ready na ako. Now na ba?" Ngumisi ako. Baliw na yata ang babaeng ito. Masyadong hayok sa lalaki. Hindi ba siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya? Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong klaseng babae. Kung ano-ano ang salitang lumalabas sa bibig dahil sa kagustuhan niyang magalaw. "Alam mo, kung hindi mo lang ako tinulungan, baka sumabog na ang utak mo sa sahig." Lumawak ang ngiti niya. "Ah ganoon ba? Akala ko pa naman sasabugan mo ako ng puting katas mo." Humagikhik pa siya matapos niyang sabihin 'yon. What's the matter with her? Is she delusional? She's not sure how to be shy. I really want to shoot her right now, but I suppose I can put her to use for now. Malapit lang dito ang pugad ng kalaban ko kung saan puwede akong magtago nang hindi nila nahahalata. "You're a f*cking crazy." Tumawa siya. "Baliw na kung baliw pero ayos lang naman sa akin. Kung isang kagaya mo lang naman ang kababaliwan ko ay ayos lang sa akin. Ano bang puwede kong gawin para madiligan mo na ako? Tuyong-tuyo na ako at nanlalanta. Hindi ka ba naaawa sa akin?" "Hindi," mabilis na sagot ko. Ngumisi siya. I bit my lower lip. Manipis at mapula ang labi niya. Parang ang sarap niyang halikan pero sa tuwing napapatingin ako sa mukha niya ay bigla akong nandidiri. May nana pa yata ang mga tigyawat niya sa mukha. T*ng inang mukha 'yan, kadiri talaga. "Grabe ka naman sa akin. Ikaw na nga itong makikinabang eh. Hindi ka ba masaya na ikaw ang makauuna sa akin?" "Hindi." Inirapan niya ako sabay tayo. "Gagahasain na lang kita kapag natulog ka na." Ngumisi ako. "Subukan mo. Nang mapatay kita." Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ba may tama ka ng baril? At bakit may baril ka? Ano ka ba? Pulis ka ba o kriminal ka ba?" "Bakit gusto mong malaman?" Tumawa siya sabay palakpak. "At bakit naman hindi? Sa bahay kita nakikituloy tapos magtatanong ka sa akin ng ganiyan? Syempre kailangan kong malaman baka mamaya mamamatay tao pala ang kasama ko ngayon. Pero ayos lang kung ganiyan ba naman kaguwapo ay ayos lang talaga. Kaya kung maaari sana ay diligan mo na ako nang sa ganoon ay puwede na akong mamatay." May panginig-nginig pa siya. Mariin akong napapikit. Hindi ko yata alam kung makakayanan kong makasama ang katulad niya. Siguro ay dati siyang baliw. "Hindi ka ba nahihiya sa itsura mo? Ang pangit mo. Sinong lalaki naman ang magkakaroon ng interes na galawin ka? You're so ugly like a witch." Lumungkot ang mukha niya ilang saglit pero ngumiti rin siya kaagad. "Puwede mo namang takpan na lang ang mukha ko habang binabayo mo ako ng sobra. Gusto ko lang talagang maranasan kung paano madiligan ng isang kagaya mo. Kahit takpan mo na lang ng unan ang mukha mo ay ayos na ayos lang sa akin. Nagmamakaawa na ako sa iyo Mister. Galawin mo na ako please lang. Please po." Sa inis ko ay napamura na lang ako. Baliw na talaga ang babaeng 'to. "Bakit ba puro na lang diyan napupunta ang usapan natin? Wala ka bang kahihiyan?" Tumaas ang boses ko kaya nanlaki ang mata niya. "Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng taong kulang sa dilig. Wala kang alam lalaki dahil panigurado kung kani-kaninong kuweba ang pinapasukan mo." "Wala kang pakialam." Matapos kong sabihin 'yon ay nanahimik na siya at hindi na nagsalita pa. Tumahimik na rin ako at saka humiga sa maliit niyang kama. What the f*ck? Ang tigas ng kama niya. Hindi ko man lang naramdaman na may foam! She must dispose this kind of bed! "Oh bakit? May reklamo ka sa higaan ko? Matigas talaga 'yan. Manipis na kasi ang foam wala pa akong pambili. Kung gusto mo bigyan mo ako ng pera ako na ang bibili ngayon na." Kaagad akong bumangon at kumuha ng ilang libo sa wallet ko. Fortunately I have cash right now. Inilapag ko 'yon sa maliit na mesa at saka muling nahiga. "Magandang kama ang bilhin mo. Kawawa ka naman kasi." "Okay boss bibili na ako. Susundin ko ang lahat ng utos mo. Basta 'yong sinasabi ko sa iyo, kailangan mo akong diligan. Masaya na ako doon." Tumayo na siya at saka lumabas ng kuwarto. Narinig ko na lang ang tunog ng gate. Sinilip ko siya sa bintana at nakita ko siyang umalis na talaga. Mabuti naman at sumunod kaagad ang pangit na 'yon. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan si Chris. "Hey boss! Bakit? Uuwi ka na ba?" Bungad niya sa akin mula sa kabilang linya. "Hindi. Dalhan mo ako dito ng maraming baril dito. Ngayon na bilisan mo. Ime-message ko sa iyo ang address." Kaagad kong pinindot ang end call. Huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko na kaunting panahon na lang ay matatapos ko na kung ano ang nasimulan ko. Humanda kayo sa aking lahat. "Be ready, Black Dragon. I will kill you all."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD