Kabanata 1

1321 Words
Nakasimangot akong humiga sa aking kama. Pasimple kong hinawakan ang aking mukha. Mahirap talagang maging pangit. Walang magtatangkang manligaw. Kunot ang noo ni Karen nang tumingin siya sa akin sabay lapit. "Bakit? Block ka na naman agad?" tanong niya kaya tumango kaagad ako. "Hirap maging pangit. Kung may pera lang talaga ako, matagal na akong nagparetoke." Tinapik niya ako sa balikat. "Para ka namang tanga. Hindi ka naman talaga pangit. Ang tangos nga ng ilong mo eh. Tapos ang haba pa ng pilikmata mo." Ngumuso ako. "Ayan lang naman ang maganda sa akin pero overall, wala ng maganda sa mukha ko. Halos wala na ngang space ang mukha ko dahil sa dami kong pimples. Punyetang mga 'to! Hindi man lang umalis sa mukha ko! Fifteen years ko na silang kasama at padami pa sila nang padami." Napairap na lang ako dahil sa pagkairita. Bumuntong-hininga ako sabay tingin sa kisame. Napakalungkot ng buhay ko. Mag-isa na lang ako sa buhay. Wala na akong mga magulang. Maaaga akong naulila dahil namatay sila mula sa isang malubhang sakit. Ang nag-iisang kapatid kong lalaki naman ay pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin. Hanggang ngayon ay nananawagan pa rin ako para sa hustisya. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko at mahatulan rin ng kamatayan ang taonh gumawa noon. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin sa akin ang lahat kahit limang taon na ang nakalilipas. Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng sagot kung bakit pinatay ang kapatid ko gayong wala naman siyang ginagawang masama. Mabuting bata ang kapatid ko pero sa isang iglap ay winakasan ang buhay niya. Ngayong mag-isa na lang ako, sa totoo lang ay wala na talaga akong balak na mabuhay pa kaso kailangan kong magpatuloy. Hindi naman kasi puwedeng magpakamatay ako dahil panigurado sa impyerno ang bagsak ko. Ang bahay na tinitirahan ko ngayon ang tanging nagpapadama sa akin na kasama ko pa ang pamilya ko. Malungkot man pero kinakaya ko na lang. "Alam mo Veronica, maghintay ka lang kasi. Darating din ang taong mamahalin ka ng tunay. 'Yong tipong mas mamahalin ka bilang ikaw hindi 'yong mga lalaking tumitingin lang sa panlabas na anyo. May lalaki pa ring natitira dito sa mundo na mas tumitingin sa ugali kaysa sa itsura ng isang babae." Mabilis akong umiling. "Hay naku, Karen. Hindi ko lang alam kung darating pa 'yang sinasabi mong lalaki. Hindi ko lang talaga alam. Grabe na kasi ang paghihintay ko. Umabot na ako sa edad na trenta pero wala pa ring sumubok sa akin na ako ay galawin. Kahit gahasain nga ako ay wala eh. Bakit ba kasi ganito pa ang itsura ko? Napakapangit ko. Kaya siguro ayaw nila sa akin ay dahil baka natatakot sila na mahawaan ko sila ng pimples sa mukha at maging katulad ko ang mukha nila." Tumawa siya bigla. "Alam mo? Kakaiba ka sa lahat ng nakilala ko. Ikaw lang ang babaeng gustong magpagalaw. 'Yong iba nga ay iniingatan pa 'yan." Inirapan ko siya. "Eh iba naman ako sa kanila. May mga itsura sila samantalang ako ang pangit ko. At isa pa, may mga naging nobyo sila samantalang ako simula nabuhay sa mundong ito, wala man lang akong naging boyfriend! Kahit sana peke lang pero wala talaga. Alam kong nandidiri sila sa itsura ko dahil sa pimple ko na napakarami. Katawan lang naman ang maganda sa akin, wala ng iba. Kaya nga sana kahit katawan ko lang ang mahalin nila ay ayos na sa akin." Oo wala na akong pakialam kung katawan lang ang mamahalin sa akin ng lalaking magtatangkang pasukin ang buhay ko. Desperada na kung desperada basta kailangan ko ng mabinyagan. Baka kasi mamaya ay mamatay na lang ako na virgin pa rin. Kawawa naman ako kung ganoon. Hindi ko man lang nalasap ang mapasukan ng isang malaking kargada. Sawa na ako sa pagsundot ng kuweba ko. Hindi naman ako nasisiyahan. Iba pa rin daw talaga ang kargada. Sabi nila, masakit daw sa una pero habang tumatagal ay masarap naman sa pakiramdam. "Uuwi na ako sa amin, Veronica." Tumayo na si Karen mula sa kaniyang pagkakaupo kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Ha? Akala ko ba dito ka matutulog at sasamahan mo ako dito?" Napakamot siya ng ulo sabay tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sorry, Veronica. Sabi kasi ng nobyo ko ay sa apartment ko raw siya matutulog ngayon. So alam mo na? Bakbakan kaming malala mamaya! Nakalimutan ko na day-off niya pala bukas so puwede siyang magpuyat. Puwede kaming magbakbakan hanggang madaling araw." Kumisay-kisay pa siya dahil sa sobrang kilig niya. Napairap na lang ako. "Letse kayo. Ang libog niyong dalawa." Tinalikuran ko siya. "Ganoon talaga, Veronica kapag may boyfriend. Sagana sa dilig. Eh alam mo naman na maganda talaga sa isang lalaki ang malibog. 'Yon talaga ang hanap ko kaya nga mahal na mahal ko ang boyfriend ko dahil lagi niyang kinakain ang kepyas ko! Sa tuwing nagbabakbakan kami ay palagi akong napapatirik sa sarap. Grabe talaga." "Tumigil ka na nga!" sigaw ko sa kaniya kaya nanlaki ang mata niya. "Nang-aasar ka ba? Kita mong wala akong nobyo kaya hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo! Hindi ko pa nararanasan 'yan! Umalis ka na nga! Iniinggit mo lang ako!" singhal ko sa kaniya. Humagalpak siya ng tawa. "Hayaan mo, Veronica. Darating din ang lalaking wawasak sa masikip mong butas. Maghintay ka lang kasi at huwag kang maiinip. Sige na, bye na aking kaibigan!" Nakangisi siyang lumabas ng pinto. Sinilip ko pa siya sa bintana. Kumaway pa siya sa akin bago siya lumabas ng gate. Pabagsak akong humiga sa kama. Nakakainis naman! Lagi na lang akong mag-isa! Kung mayaman lang siguro ako, marami na sigurong lalaki ang magtitiis na galawin ako. Pero hindi kasi. Napakababa ng sahod ko bilang staff sa isang bakeshop hindi kalayuan dito sa amin. Napatingin na lang ako sa salamin. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga babaeng makinis ang mukha. Kung ano-ano ng mga produkto pampaganda ang ginamit ko pero walang tumalab sa mukha ko. Mawawala lang sila saglit tapos babalik na naman. Sa totoo nga lang ay nahihiya na akong ibalandra ang pagmumukha ko. Pero anong magagawa ko? Kahit masakit sa dibdib ko ay tinatanggap ko na lang kahit papaano na pangit talaga ako. Bumangon ako dahil bibili na ako ng ulam ko. Kumuha ako ng sumbrero at facemask at saka lumabas na ng bahay. Bahala na kung anong maisipan kong ulam dahil nakatatamad naman kasing magluto. Nang makapili ako ng uulamin ko ay umuwi na ako kaagad. Habang naglalakad ako ay may napansin akong lalaki sa may gilid ng pader. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Madilim kasi sa parte kung saan siya nakasandal. Infairness, matangkad ang lalaking ito at base sa naaninag ko, malaki amg katawan kaso bakit parang may mali? Nilapitan ko siya at napasigaw pa ako nang bigla siyang matumba. Nagmamadali akong napatakbo sa kinaroroonan niya. "Hoy Kuya! Gising!"sigaw ko sa kaniya sabay tapik sa kaniyang mukha. Luminga-linga pa ako sa paligid ngunit walang ibang tao. Bale kasi palayan ang nasa harapan ng bahay namin. Medyo magkakalayo pa ang bahay na nandito at kaya lang may mga dumadaang sasakyan dito ay para lang mag-short cut. Kinuha ko ang cellphone ko at saka binuksan ang flashlight. Nanlaki ang mata ko nang makita kong may dugo sa kaniyang tagiliran. "Jusmiyo marimar! Anong nangyari sa iyo, Kuya!" Nanghihina siyang napatingin sa akin sabay pikit. Nanginginig ang kamay ko dahil takot ako sa dugo. "Punyemas! Anong gagawin ko!" Natataranta kong sabi. Dahil walang tao sa paligid ay wala na akong nagawa kun'di ang piliting buhatin ang lalaking 'to. Mabuti na lang talaga ay sanay ako sa buhatan at nabanat ng maigi ang buto ko. Hindi naman na ganoon kalayo ang bahay ko mula dito sa puwesto namin kaya naman kinaya ko na lang buhatin si Kuya. "Jusmiyo ka Kuya gumising ka! Hindi ka pa puwedeng mamatay dahil magpapawasak pa ako sa iyo!" sigaw ko sa tainga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD