Kabanata 4

1414 Words
"Nandito na ba lahat? Nilagay mo ba dito ang mga paborito kong baril?" tanong ko nang ibigay sa akin ni Chris ang malaking bag na puno ng baril. Ngumisi ako. Actually ka bibili ko lang ng baril galing pa sa ibang bansa. It always makes me happy when I get new toys. Chris raised an eyebrow as he looked at me. Tiningnan ko rin siya. "Saya mo, boss ah." I grin. "Of course! Alam mo namang ito ang nagpapasaya sa akin. Once I touch it, bigla na lang akong binabalot ng kakaibang saya. Hindi na ako makapaghintay na pumatay ulit." Binuksan ko ang malaking bag at tumambad sa akin ang maraming baril. Halos magningning ang mata ko dahil sa dami ng laruan ko. Hindi na ako makapaghintay na iputok ang mga ito sa ulo ng mga Black Dragons na 'yon. They must be dead now kung hindi lang ako naawa sa isang tauhan nila. Palibhasa kasama nito ang asawa niya pati ang anak nila. Pasalamat siya dahil naalala ko bigla ang pamilya ko kaya hindi ko siya binaril. Pero kung hindi niya kasama ang pamilya niya, kasama na siya sa mga bulok na bangkay ngayon. "Rifles, Shotguns, Handguns, Revolvers and Pistols. Nandiyan na lahat ng kailangan mo." "Okay good," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Abala kasi ang mata ko sa pagtingin sa mga baril. "Zeus." "Bakit?" Nilingon ko siya. Sumeryoso ang mukha ni Chris. "Siguraduhin ka bang dito ka lang? Hindi safe ang bahay na 'to. Panigurado kapag nalaman nilang nandito ka, pauulanan ka nila ng bala. Nag-aalala lang ako sa iyo. Syempre ikaw ang boss ko. Hindi ka puwedeng mamatay." Tinawanan ko siya. He is always like this. Palagi niyang sinasabi na nag-aalala siya sa akin. Since we were young ay ganiyan na siya. Lagi niyang tinatanong kung ayos lang ako. Sa totoo lang, nag-aalala rin ako sa kaniya kapag nakikipagbakbakan siya sa Black Dragons na 'yon. I've always cared for him, but I never showed it. Chris is like family to me. I considered him to be my older brother. Siya ang kasama ko noong panahong mahina ako hanggang ngayon. "Nobody will ever know I'm here unless someone tells them otherwise." "Sinisigurado ko lang. Mahirap na." Umupo siya sa harapan ko at saka naglagay ng alak sa kaniyang baso. Agaran niyang nilagok 'yon at saka tumingin sa akin. "I have a plan, Chris. Huwag kang masyadong mag-alala. I can work on my own. Stand by ka lang. Tatawagan na lang kita kapag kailangan ko na ng back up." Mahina siyang natawa. "Paano ka pa makatatawag sa akin kung patay ka na? Minsan utak munggo ka, boss. Magpapadala na lang ako ng tauhan natin na uupa malapit lang dito. Para naman may bantay ka pa rin." Tinanguhan ko siya. "Okay sige. Salamat. You need to go now. Baka dumating na si pangit." Kumunot ang noo niya. "Pangit? Sinong pangit?" takang tanong niya sa akin habang nagpipigil ng tawa. "Yes. She is ugly. 'Yong babaeng tumulong sa akin. But her body is damn sexy." Humagalpak siya ng tawa. "So hipon siya, ganoon?" "Hipon? Shrimp?" Mabilis siyang tumango. "Oo. 'Yon ang tawag sa mga babaeng maganda ang katawan pero pangit. Tapon ulo. Pero kung sakaling makaramdam ka ng init ng katawan, puwede mo na siyang pagtiyagaan. Siguro huwag ka na lang titingin sa mukha para hindi ka mandiri." Mabilis akong umiling. "No f*cking way. She doesn't deserve my d*ck. Baka mamaya mahawa pa ako sa pimples niyang may nana. Siguro hindi naliligo ang babaeng 'yon kaya ganoon ang pagmumukha niya." Napailing na lang siya sabay tayo. "Sige na, boss. Alis na kami. Maiwan na kita dito. Mag-iingat ka." Tinanguhan ko lang siya at sinundan na lang ng tingin hanggang sa makaalis sila. Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang hawak kong pistol. Nakayom ko ang kamao ko dahil muli ko na namang naalala kung paano nila pinatay ang magulang ko. Si Mommy, si Daddy at ang kapatid kong babae. Namatay silang lahat sa harapan ko. Kitang-kita ko kung paano nila pinahirapan ang pamilya ko bago patayin. Nang araw na 'yon, gustong-gusto ko nang lumabas sa pinagtataguan ko pero hindi ko nagawa dahil takot ako. At alam ko rin na wala akong magagawa. Hindi ko rin naman sila maipagtatanggol. Siguro kung lumabas ako mula sa pinagtataguan ko malamang patay na ako. He rape my younger sister. She only thirteen years old. Halimaw talaga ang lalaking 'yon. Nang dahil lang sa hindi sila nakatanggap ng malaking pera mula kay Daddy ay nagawa niyang patayin ang pamilya ko. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya 'yon sa sarili niyang kapatid. Si Billy Montero ay kapatid ng Daddy ko. Dahil malaki ang inggit niya sa Daddy ko at dahil mas umaangat ang Daddy ko sa lahat ng bagay, nagawa niya itong patayin. Hindi niya matanggap na mas mahal ng mga magulang nila si Daddy. Palibhasa kasi wala siyang ginawang tama kaya ayaw sa kaniya ng mga magulang niya. Minahal siya ni Daddy at tinulungan pa pero iyon lang ang igaganti niya sa pamilya ko. Nang dahil sa kagustuhan niyang makuha ang puwesto ni Daddy ay pinatay niya ito. Hindi ko nagawang magsumbong noon dahil sa bata pa ako at sobrang takot na takot ako. Ilang taon din akong nanahimik at nagtiis. Halos araw-araw akong binabangungot dahil sa nangyari sa pamilya ko. Simula noon pinangako ko sa sarili ko na pagbabayaran niya ang lahat. Babawiin ko ang lahat ng ninakaw niya sa akin. Buhay sa buhay. Kung ano ang kinuha niya sa akin, 'yon din ang pagbabayaran niya. Uubusin ko ang lahi niya at sinisigurado ko 'yon. "Jusmiyo ka!" Nagulat ako dahil sa malakas na pagsigaw ni pangit. "Sige po Kuya salamat diyan na lang sa pinto ako na po ang bahalang magpasok sa loob." Kaagad ding umalis ang lalaking nagbuhat ng binili niyang kama. Isinara niya ang pinto at nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin. "Hoy! Mamamatay tao ka 'no? Bakit napakarami mong baril! Jusmiyo marimar nakatatakot ka!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin. "Yes. You must be scared. Once na mabuwisit ako sa iyo, isang bala ka lang patay ka na." Ngumiwi siya. "Ang taray mo naman. Parang nasa palabas ka lang ah. Artista ka ba dati?" Matalim ko siyang tinitigan. Iba talaga ang takbo ng utak niya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo." "Ibang klase ka rin. Feeling boss ang galawan mo. Eh ikaw na nga ang nakikitira sa bahay ko pero ganiyan ka pa kung umasta. Marami kang baril pero wala kang bahay?" Marahan siyang umiling. Ngumisi ako. "Pinagmamalaki mo ba sa akin ang bulok na bahay na 'to? Baka gusto mong bilhin ko 'to sa tripleng presyo. Ito na ba ang kaya mong ipagmalaki?" "Ano naman kung bulok? Ayos lang sa akin dahil sa bahay na 'to, pakiramdam ko kasama ko pa rin ang pamilya ko. Dahil sa bulok na bahay na 'to, kahit papaano naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing nami-miss ko ang pamilya ko. Iniisip ko na lang na magkakasama pa kami sa bahay nito. Nagdasal pa nga ako na sana kahit multo na sila ay magpakita sila sa akin. Hindi naman ako matatakot sa kanila basta ba magpakita lang sila sa akin." Habang sinasabi niya 'yon, lumungkot ang itsura niya. I can sense her anguish. So she's the same as me. She has already suffered the loss of her family. But how exactly? Paano kaya namatay ang pamilya niya? Bigla tuloy akong na-curious. "Ang drama mo. Hindi bagay sa iyo." Inabala ko na ang sarili ko sa pagsasalansan ng baril. "Alam mo, itago mo na 'yan sa ilalim ng kama ko. Patay tayo diyan kapag may nakakita sa iyo. Baka mamaya may kumakatok na pulis sa bahay ko. Bahala ka diyan mahuli labas ako diyan." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin. "Ang ganda pa lang pagmasdan ng baril 'no? Kaso nakamamatay eh. Kaya hindi siya maganda." Mahina pa siyang natawa. Tiningnan ko siya. "Huwag mong igaya ang laruan ko sa pangit mong pagmumukha. Lumayo ka nga sa akin dahil baka mahawa pa ako ng tigyawat mong may nana." Itinulak ko siya dahil nandidiri talaga ako sa kaniya. Pakiramdam ko kapag nadikitan niya ako ay mahahawaan ako ng nakadidiri niyang tigyawat. Hindi ko namalayan na naitulak ko siya ng malakas kaya natumba siya at umangat ang suot niyang bestida. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "What the f*ck? Umalis ka ng bahay nang walang suot na panty?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD