IKA-DALAWANG KABANATA

2763 Words
Simula ng nagkaayos ang mag-amang Pedro at Carlito ay naging masaya na ang buhay nila. Pinunan ng batang si Agatha Pearl ang kulang sa kanilang buhay. Kung noon ay laging dala-dala ng huli ang batang hindi kaano-ano pero dahil sa awa at malasakit ay kunupkop sa kasalukuyan ay hindi na. Kapag nasa trabaho ito ay ang ama ang nag-aalaga sa bata. Hindi na rin muling tumikim ng alak si Mang Pedro simula ng nagkasundo silang mag-ama. Six years later... "Yes! Tay mag-aaral na ako. Unang araw ng school ngayon 'tay dapat ihatid mo ako." Kumbaga sa isang lotto winner, bakas sa mukha ng anim na taong gulang na si Agatha Pearl ang kasiyahan. "Ayaw mo na ba kay lolo, apo? Aba'y may trabaho ang Tatay mo sa shop." Nakangiting namang singit ni Mang Pedro. Dahil dito'y agad lumipat si Agatha kay Mang Pedro saka nagpakanlong. "Ay si lolo talaga matampuhin. Eh, kawawa ka naman po kasi Lolo araw-araw mo na akong inaalagaan tapos ihahatid mo pa ako sa school? Si Tatay po kasi eh sa gabi lang natin nakakasama dahil araw-araw siyang nasa trabaho. Alam mo naman pong love na love ko kayo ni tatay eh," sabi nito habang nilalaro ang balbas ng matanda. "Binibiro lang naman kita apo ko. Alam ko namang love na love mo kami ng tatay mo. Kung sino ang gusto mong maghatid sa iyo'y walang problema basta ako ang susundo sa iyo kasi nasa trabaho pa ang tatay sa gano'ng oras," sagot naman ni Mang Pedro. Kaya naman napangiti ang biyente-uno anyos na binata na buong akala ng lahat ay binatang ama. Kung noon ay lagi siyang namumurublema kung ano ang gagawin sa ama pero simula ng dumatimg ang biyaya sa kanilang mag-ama sa katauhan ni Agatha ay napakalaki na ang ipinagbago nito. Sa isip niya'y hindi man niya mararanasang mag-asawa ay nararanasan naman niya ang maging ama. "Anak, hindi ka na baby. Sabi mo nga ay kawawa si lolo sa pag-aalaga niya sa iyo araw-araw. Pero nakapakanlong ka pa sa kanya. Hindi ba't mas kawawa siya sa ganyan?" Panunukso ni Carlito sa anak. "Ay oo nga po pala 'lo. Sorry naman po. Ikaw naman po kasi nagtatampu-tampuhan ka na naman po alam mo naman pong love na love kita eh," tuloy ay sabi ni Agtaha saka bumaba mula sa pagpapakanlong sa kinagisnang abuelo. "Okay lang apo ko. Dahil kaya pa naman kitang kargahin. Pero baka tuksuhin ka ng mga kalaro mong baby damulag. Hala, sige na apo kunin mo na ang bag mo para maihatid ka na ng tatay mo. Mag-ingat sa school apo ha," bilin pa ni Mang Pedro. "Ay wala akong pakialam sa kanila lolo. Kahit sabihin pa nilang baby damulag ako eh ano naman sa kanila kung baby damulag ako? Ako lang ang baby dito sa bahay kaya't wala silang magagawa dahil akin lang ang atensiyun n'yo ni Tatay," nakangiwi nitong sagot saka dinampot ang bag. Akala ng mag-ama ay tapos na ito pero muling hinarap ang matanda o si mang Pedro. "Mag-iingat po ako lolo dahil gusto kong makapag-aral. Pangarap ko pong maging kapitan ng barko at ililibot ko kayong dalawa ni tatay sa buong mundo. Love you po, Lolo. Aalis na po kami ni Tatay," sabi pa nito. Hindi na nito hinintay ang sagot ng nakagisnang abuelo. Nauna na itong lumabas sa bungalo nilang bahay kaya't hindi na narinig ang tinuran ng matanda sa ama. "Ang bilis ng panahon anak parang kailan lang nasa duyan pa lang siya pero ngayon mag-aaral na siya. Batang-bata pa siya pero marami na siyang alam sa buhay ay may pangarap na rin. Kaya't anak paghandaan mo na ang pagtatapat sa kanya sa tunay niyang katauhan. Dahil ayaw kong iyan ang maging mitsa ng samahan nating tatlo dito sa bahay balang araw. Alam mo naman ang mga tao may magagawa pa rin kahit na nakabaon na sa limot ang lahat," wika ni mang Pedro. "Salamat po, 'Tay sa pagpapaalala. Huwag ka pong mag-alala dahil gagawin ko po iyan. Matalinong bata si Agatha alam kong maunawaan niya ang lahat. Pero sa ngayon maiwan ka na po namin dito, ihahatid ko muna siya sa eskuwelahan at ikaw po ang susundo sa kanya mamayang tanghali ako na lang po sa hapon total malapit lang doon sa shop ni Mang Simon. Alis na po kami, 'Tay," sagot ni Carlito saka hinagkan sa noo ang ama. Ngumiti na lamang si Mang Pedro bilang tugon sa anak. Naging malupit siya dito mula pagkabata hanggang sa dumating si Agatha sa kanilang mag-ama. Doon niya napagtanto na mali siya upang kamuhian ito samantalang ang dati niyang asawa ang nang-iwan sa kanila noong musmos pa ito. Unti-unti din niyang binago sng lahat, sa tulong ng batang si Agatha na inaalagaan niya araw-araw ay tuluyan na niyang nakalimutan ang alak. "Sana humaba pa ang buhay ko anak upang kahit sa pamamagitan ng pag-aalaga ko sa anak mo'y makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa iyo. Napakabuti mong anak Carlito at sana bigyan ka pa ng Maykapal ng mas magandang kalusugan." Bulong nito habang nakatingin sa anak na nasa labas ng bahay nila. SAMANTALANG nadatnan ni Carlito ang anak na nakapapangalumbaba sa bike nilang mag-ama. Pinasadya niyang pinalagyan ng side car ang bike na bimili niya para may madala niya din ang anak kapag namamasyal sila. Hindi man niya ito tunay na kadugo pero lampas pa doon kung ituring niya ito. "Bakit ang tagal mo, 'Tay? Eh, dumaan na po yata lahat ang mga kagaya kong papasok sa eskuwela ah." Paninita nito sa kanya. "May oras pa tayo, anak. Alas-siyete pa lang samantalang ang pasukan ay alas-siyete medya. Kapit ka na anak at tara na," sagot na lamang niya dito. Hindi na rin sumagot ang bata na labis namang ikinatuwa ng binata. Malaking tulong ito sa kanya dahil sunod-sunod ang suwerte sa buhay niya simula ng dumating ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi man sila mayaman pero naigagapang niya ang ikinabubuhay nilang tatlo. Masaya siya bilang ama nito kahit hindi mismong galing sa kanya pero simula napulot niya ito sa tabi ng basurahan ay itinuring na niya itong sariling dugo. Kaso! "Tay, naman nakukuha mo pang mag-imagine diyan eh, ayan o lampas na tayo ng ilang padyak. Balik na 'tay kanina pa kasi kita kinakausap pero mukhang may iniinadyen ka diyan." Paninita nitong muli sa kanya. Tuloy ay natampal niya ang kanyang noo, pero agad ding nagmaniobra para makabalik sa mismong gate ng school sa lugar nila. Ipinarada muna niya ng maayos ang side car niya saka binitbit ang bag ng anak at hinawakan ito sa kamay. "OH, Lito may mag-aaral ka na pa lang anak?" salubong na tanong ng kasamahan niya sa mga nakaraang taon bilang janitor ng paaralan. "Si kuya naman oo, siya na si Agatha Pearl. Ang anak kong lagi kong dala-dala dati. Ikaw anong grade na ang anak mo?" sagot niya dito. "Nasa sekondarya na ang panganay ko, Lito. Iyong pangalawa ang nasa ikaapat na baitang at si bunso ang nasa unang baitang," paliwanag nito saka binalingan ang batang halatang excited sa unang araw ng pasukan dahil nagniningning ang mga mata habang pinapagala ang mga mata. "Hi, Agatha Hija, kumusta ka na? Excited ka na ba?" tanong niya dito. Lumingon naman ang bata sa kausap ng ama saka sumagot. "Opo, Uncle. Grade one na po ako. Maari ka na ba naming iwan ni Tatay dito, Uncle? Eh, papasok pa kasi si Tatay sa trabaho niya pagkahatid niya sa akin sa room namin," tugon nito. Halos masamid naman si Carlito dahil sa tinuran ng anak. Alam naman iyun ng janitor dahil dati na niya itong kasama kaso umandar na naman ang katabilan mg anak niya. Kaya't palihim na lang niyang kinindatan ang dating kasamahan na tinanguan nito. Halatang nagpipigil din na matawa o makagawa ng ikakasira ng mode ng batang excited. ILANG sandali pa ang nakalipas. "Ah, Ma'am Jenny, iiwan ko na ang anak ko. Nasa folder po ang kompletong papeles niya. Kung ano man po ang kulang diyan ay pakisabi na lang po kay Tatay mamayang uwian dahil siya ang susundo sa kanya. At pinapauna ko na, Ma'am, may katabilan ang anak ko ikaw na lang sana ang umunawa sa kanya." Bilin ni Carlito sa guro ng unang baitang. "Huwag kang mag-alala, Carlito. Dahil iyan ang trabaho naming mga guro. Saka ikaw ha parang hindi ka nagtrabaho rito dati. Pero masaya ako na kahit ikaw lang ang nagtataguyod sa kanya'y mas pinili mong pag-aralin siya anak. Sige na pasok ka na sa trabaho mo. Huwag ka ng mag-alala sa kanya," sagot ng butihing guro. "Salamat po, Ma'am Jenny. Sige po aalis na po ako," tugon ni Carlito at tumalikod na upang papasok na sa trabaho. Pero pinigilan siya ng kahit hindi niya lingunin upang alamin kung sino ay kilalang-kilala niya. Sa kamay pa lang nitong humawak sa braso niya'y alam niyang si Agatha iyun. "May nakalimutan ka, 'Tay," sabi nito na nakaturo sa pisngi ang maliit na daliri. Kaya naman yumuko siya upang hagkan ito sa pisngi na nakasanayan niya bago siya umaalis ng bahay kahit pa noong nasa day care at primary school ito. "Love ko po ikaw, 'Tay. Mag-ingat ka po sa pagwelding ha," tugon nito saka yumakap sa nakagisnang ama. "Mas love ka ni Tatay, Agatha anak. Sige na doon ka na sa upuan mo at papasok na ako. Huwag kang lalabas ng school habang wala pa si lolo Pedro ha," tugon niya dito saka muling hinagkan sa noo at hinintay na nakabalik sa upuan. Hindi na siya lumingon ng nagsimula siyang lumakad palayo sa silid aralan ng mga nasa unang baitang. Alam niyang may kaba ang anak niya pero alam din niyang normal lang iyun sa mga unang pagkakataon at unang araw sa paaralan. "Mag-aral kang mabuti, anak. Dahil iyan lang ang maipapamana ko sa iyo. Hindi ka man mismong nagmula sa akin ay gagawin ko ang lahat para marating mo ang ninanais mo sa buhay. Mahal na mahal ka ni Tatay," bulong niya bago siya tuluyang nagpadyak sa bisekleta niya patungo sa welding shop kung saan siya nagtatrabaho bilang welder at tumutulong sa pagmekaniko. Sa pagdating ng batang si Agatha Pearl sa buhay nilang mag-ama'y ibinuhos niya ang oras dito at sa trabaho. Kahit ang sariling kaligayahan ay hindi na niya naisip. Kahit pa sabihing may hitsura siyang lalaki pero ang isipan niya'y mapalaki niya ng maayos ang anak ay masaya na siya. Ibinuhos niya ang lahat ng atensiyun niya dito na hindi na rin niya namalayan ang paglipas ng mga taon. KAYA'T.... "Tayyyyy! Yes! Yes! Yahoooo! Where are you tatay pogi!" sigaw ng dose anyos na si Agatha. Nasa kalsada pa lang ito pero halatang masaya na dahil nagsisigaw upang ipaalam na dumating na. "Oh, anak. Anong nangyari at mukhang abot hanggang kabilang kanto ang boses mo?" Panunukso niya dito. Pero kagaya ng mga naunang taon nito mula grade one hanggang sa kasalukuyan na nasa huling baitang na ng elementarya, napangiwi lang ito sabay ismid bago magsalita. "Wala nga po akong pakialam, 'Tay. Basta masaya ako. Bakit sila ba ang binubulabog ko? Hindi naman ah. Kayo nga ni lolo ang dapat manita sa akin pero teka lang 'tay nasaan si lolo at may good news ako sa inyong dalawa?" nakangiti nitong sabi saka muling ibinalik ang sigla sa mukha. "Nandito ako, apo. Ano ang magandang balita, apo ko? Aba'y mukhang kailangan nating mag-celebrate dahil sa kasiyahan mo," sabi ng bagong dating na si Mang Pedro. Nadaan siya ng apo sa kapitbahay nila pero dala marahil ng excitement na ibalita ang good news nito'y hindi na nito napansin ang abuelo. Hindi ito sumagot pero dali-daling ibinaba ang bag pack saka kinuha ang white envelope. "Ano ito anak?" may pagtataka namang tanong ni Carlito. "Buksan mo kasi, 'Tay, para malaman ninyo ni lolo kung ano iyan," sagot nito na nandoon pa rin ang tuwa. Kaya naman dali-daling binuksan ni Carlito ang envelope at gano'n na lamang ang pamimilog ng mga mata ng mabasa ang nilalaman nito. "CONGRATULATIONS AGATHA PEARL BONIFACIO. YOU'VE SUCCESSFULLY PASSED THE ELEMENTARY LEVEL WITH THE AVERAGE OF 96.07. YOU'RE QUALIFIED FOR THE SCHOLARSHIP WITH THE FOLLOWING SECONDARY SCHOOLS." Ang nakasaad sa sulat na may ilang binanggit na paaralan. "Dapat pala talagang maghanda tayo, apo. Aba'y hindi lang pala ang pangunguna mo sa klase ninyo ang dahilan ng iyong pagsisigaw. Masaya ako para sa iyo, Agatha apo. Pagbutihin mo pa ang iyong pag-aaral sa sekondarya dahil iyan din ang magiging tulay mo sa kolehiyo," abot hanggang taenga ang ngiting sabi ni Mang Pedro saka niyakap ang apo. "Maraming salamat, 'lo. Talagang pagbubutihin ko pa lalo dahil sabi ko naman po sa inyo ni tatay ililibot ko kayo sa buong mundo kapag maging kapitan na ako ng barko. Salamat po, Lolo, kahit hindi ninyo ako kaano-ano'y mas higit pa roon ang turing ninyo sa akin. I love you po, lolo," malambing na sabi ni Agatha. Ipinagtapat naman kasi nilang mag-ama ang tungkol sa tunay nitong katauhan at hindi nila inaasahang mas mamahalin pa sila ng ampon nila kaysa noong bata pa ito at walang malay sa mundo. Madalas nga nitong sabihin na 'kayo ang pamilya ko wala ng iba. Wala akong pakialam kung may maghahanap man sa akin o wala basta nandiyan kayong dalawa lolo, Tatay.' "Tay, hindi ka ba masaya para sa anak mo?" tanong ni Agatha sa kaniyang pananahimik. "Anak, kung may pinakamasaya mang tao ngayon dito sa mundo ay walang iba kundi ako. Dahil dumating ka sa buhay namin ng lolo mo. Kung inaakala mong hindi ako masaya para sa iyo'y nagkakamali ka anak. Proud na proud ang tatay sa iyo at susuportahan kita hanggang sa abot ng makakaya ko basta makamit mo lang ang pangarap mo sa buhay," sagot ni Carlito saka pasimpleng pinunas ang butil ng luha sa mata. "Eh si Tatay naman eh nagpapaiyak ka na naman diyan. Buti pa si lolo hindi iyakin ikaw tatay ha," tuloy ay nakangusong sagot ni Agatha. "Huwag kang mag-alala, anak. Dahil kahit anuman ang mangyari ikaw pa rin ang baby namin ni tatay. Dose anyos ka na anak pero nakanguso ka pa rin." Napatawa na si Carlito dahil sa anak na kahit siya man ay hindi namalayan ang panahon. Ang sanggol na napulot niya labing-tatlong taon na ang nakakaraan ay dose anyos na pala. Ibig sabihin noon ay biyente siyete na rin siya. "Ay oo naman po, 'Tay. Dahil kayo lang ni lolo ang pamilya ko. Kaya't ako lang din ang baby ninyo saka ano ba ang pakialam nila kung baby n'yo ako eh kayo naman po nagpapakain sa akin hindi sila," sagot nito na kulang na lang ay magpakanlong pa sa nakagisnang ama. "Hala ka, Agatha apo. Kasasabi lang ng tatay mong dose anyos ka na pero nagpapabeybi ka na naman diyan," tukso naman ng abuelo. "Siyempre, 'Lo. Dahil ako lang naman ang baby ninyo. Pero bago tayo mapunta kung saan-saan eh nais ko pong sabihin sa inyo na wala akong balak lalayo dito sa lugar natin. Dito na po ako mag-aaral ng high school total pasado naman po ako sa scholarship at kabilang na dito sa Aurora. Sa national na po ako mag-aaral sa pasukan para uwian din ako eh ayaw ko pong iwan kayo dito ni tatay," sagot nito. "Kagaya ng sabi ko anak gawin mo ang alam mong tama. Matalino ka anak kaya't susuportahan ka namin ng lolo mo pero bago ka pa matuyuan ng pawis sa pagtatakbo mo eh magpalit ka na ng pambahay mo," ani Carlito. Hindi na ito sumagot bagkos ay patalon-talon pa itong nagtungo sa sariling kuwarto. Pinagawan na rin nila ito ng sariling kuwarto dahilan nila'y hindi na ito baby para katabi pa rin ang lolo at tatay. "ANG bilis ng panahon, 'Tay. Parang kailan lang noong iniuwi ko siya rito sa bahay pero tingnan mo siya, 'tay, magtatapos na siya sa elementarya," sabi ni Carlito habang nakatanaw sa daang tinahak ni Agatha kahit pa sabihing sa loob ng bahay. "Isa lang nag ibig sabihin niyan, anak. Naging mabuti kang anak. Kahit pa hindi mo nakagisnan ang iyong Nanay. Hindi mo ipinagkait sa batang nangangailangan ang tulong mo bagkus ay inangkin mo siya na tunay na kadugo. Naganpanan mo ang tungkulin ng ama't ina sa apo ko. Hindi mo na inisip ang sarili mong kaligayahan dahil ipinukos mo ang panahon sa trabaho at pag-aalaga sa kanya kaya't saludo ang tatay sa iyo anak," may ngiti din sa labi na sagot ni mang Pedro. Kaso.... Ang masayang pag-uusap ng mag-amang Pedro at Carlito ay binulabog ng matinis na tili ni Agatha kaya naman agad silang napasugod sa silid nito upang alamin kung ano ang dahilan kung bakit ito nagsisigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD