"ANAK, isa lang ang ibig sabihin niyan. At iyan ay dalaga ka na kaya't umayos ka na sa mga kilos mo. Para ka kasing tomboy eh," nakangiting sabi ni Carlito ng mapagtanto kung bakit nagsisigaw ang anak.
"Eh, dito po komportable, 'tay. Kaysa naman kagaya ng iba kong kaklase 'di man lang sila nahihiya halos lumilipad-lipad ang palda. Kulang na lang makita ang singit nila," napasimangot na sagot ni Agatha.
"Sige na, apo. Magbihis ka na riyan. Huwag kang matakot diyan sa dugo dahil sabi nila dumi daw iyan sa katawan kaya't okay lang iyan apo. Saka tama naman ang tatay mo kilos lalaki ka naman kasi samantalang ang ganda mo." Napailing na rin si Mang Pedro.
Naka-blouse pa naman ito ng uniform, tinanggal ang palda at doon nakita ang tagos. Marahil ay sinipat pa nito ang short at doon nakita na punong-puno ng dugo ang short kaya nagsisigaw na akala'y ano na ang nangyari.
"Kunin mo na iyang bihisan mo, anak. Maglinis ka na ng sarili mo sa banyo at bibili muna ako ng napkin mo diyan sa store. Saka na lang tayo bibili ng marami pagpunta natin sa bayan. Tama si Tatay maganda iyang lumabas iyan kaysa araw-araw mong problema ang tagihawat sa pisngi mo," muli ay sabi ni Carlito saka sila lumabas na mag-ama para mabigyang pagkakataon na linisin ang sarili.
Samantalang naiwang mag-isa si Agatha. Pabagsak siyang naupo sa higaan pero agad ding tumayo sa takot na dumikit dito ang dugo. Kaya naman sinunod ang payo ng ama at abuelo na maglinis na siya ng katawan. Hindi pa siya nagsisimula o kabubukas pa lang niya ang faucet sa banyo nila ng kinatok siya ng ama upang ibigay ang isang pack ng napkin.
AS the days goes on, kung gaano inalagaan ng mag-amang Carlito at Pedro ang kanilang ampon noong bata pa ito'y mas hinigitan pa nila ito lalo na ng nagdalaga na. Malaking bulas na ito sa murang edad pero hindi halata dahil nasanay nang mga lalaki ang kasama sa buhay. Mahirap man ang buhay nila pero ibinigay ang lahat ang lahat na alam nilang pangangailangan nito. Desiplinado itong tao kaya't hindi nila ito hinigpitan bagkos ay lagi nila itong pinapayuhan para sa ikabubuti nito.
"Baka naman ginugutom mo na ang sarili mo, anak? Aba'y nakita ko ang pera mo sa iyong kuwarto. Bakit hindi mo ginalaw," paninita nga minsan ni Mang Carlito.
"Tay, hindi naman sa ginugutom ko ang aking sarili. Kita n'yo naman po ni lolo malakas akong kumain pero hindi naman po ako tumataba. Saka, 'Tay, may baon naman po kasi ako araw-araw kaya't halos hindi ko ginagalaw ang pinapabaon mong pera," sagot nito.
Tama, isa pa iyon sa napansin nila sa dalagita. Hindi ito maluho, hindi bumibili ng hindi kailangan. Kung ano ang mayroon sila o ano ang kaya nilang ibigay ay kuntento na ito bagay na nagustuhan nilang mag-ama. Malambing din ito sa kanilang mag-ama, palabiro o mas tamang sabihin na may pagkakalog.
Kaso...
Isang araw, nakasimangot ito na may hawak na bulaklak. Galing ito sa paaralan kung saan nag-aaral patunay lamang na galing ito sa Physical Education na naka-bag pa ito.
"Hala, apo ko, bakit nakasimangot ka? Napagod ka na sa paaralan? Aba'y wala pa naman tayong saging ngayon?" Salubong na biro ni Mang Pedro pero paraan lamang niya iyon upang pukawin ang pagkasimangot nito.
Kaso nagbigay-galang lang ito sa saka lumapit sa ama na nasa ilalim pa ng inaayos na sasakyan. Isa rin ang talyer sa biyayang dumating sa buhay nilang tatlo simula pa ng nasa poder nila ang batang si Agatha na isa ng dalagita. Sa kasalukuyan, sunod-sunod ang suwerte nila. Kung dati'y namamasukan lang sa shop si Carlito'y iba na sa kasalukuyan. Nakapagpatayo na ito mg sariling shop sa tabi ng bahay nila. Kahit na maliit pero masaya sila dahil hindi ito nawawalan ng costumer.
"Tatay, bangun na riyan, may pinapabigay sa iyo ang manliligaw mo." Nakasimangot nitong pukaw sa amang nasa ilalim ng sasakyan o kinukumpuni.
Kaya naman agad na itinigil ni Carlito ang ginagawa total hapon na at maari na silang magsara ng shop. Sa tuwing hapon na dumaratimg galing sa paaralan si Agatha ay iyon ang gawain nila ang magsara ng puwesto.
"Manliligaw? Aba naman, anak, hindi pa naman alo bakla upang magkaroon ng manliligaw. Dahil ako ang manliligaw sa babae pero wala iyon sa plano ko," agad na niyang sagot saka pinunas ang pawis gamit ang palad.
Pero hindi agad sumagot ang dalagita bagkos ay nagmano ito sa nakalakhang ama saka hinagkan sa noo.
"Ahem apo smile na aba'y sayang lang ang ganda mo kung lagi kang nakasimangot. Saka sino ba kasi ang nagbigay sa bulaklak na iyan at nasisira na ang mukha mg apo ko?" sabad ni Mang Pedro pero ang isipan ay may nanliligaw sa apo pero halos masamid silang mag-ama ng magpaliwanag ito matapos ibinaba ang bag pack.
"Tatay, akala n'yo siguro tomboy ako pero hindi. Pusong babae po ako pero wala lang akong hilig sa kalorete sa mukha. Hindi rin ako mahilig sa pakikipaglandian diyan sa tabi-tabi kagaya ng mga iba kong kaklase. Pero hindi ibig sabihin noon na sang-ayun na ako sa babae ang manliligaw.
Aba'y hindi na magkaroon ng delikadesa ang manliligaw mo at sa akin pa dumaan. Gusto kong maging masaya ka, 'Tay. Kahit pa sabihing hindi ako nanggaling sa iyo. Pero kung kagaya lang din ng babaing iyon huwag na, 'Tay. Aba'y mas gugustuhin ko pang maging matandang binata ka na kaysa mag-asawa ng gano'ng uri ng tao. Hindi na nahiya at ako pang anak mo ang gawing tulay para makapanligaw sa iyo."
Paismid nitong sabi na halos ikasamid nilang mag-ama. May hint na si Carlito kung sino ang tinutukoy ng anak. Pero gusto niya itong kumpurmahin kaya't hinamig ang sarili para tanungin ito.
"Sino ba kasi ang tinutukoy mo, anak? Wala naman akong balak mag-asawa. Aba'y baka makahanap pa ako ng sakit sa ulo lalo na kung ayaw sa iyo ni Tatay," sabi niya.
"Eh, sino pa ba, 'Tay, kundi ang nasa kabilang kanto. Felicity daw ang pangalan noon at wala akong balak alamin kung tamang pangalan nga ba niya o hindi basta ayaw ko sa kanya, 'Tay. Abah, mukhang hindi katiwa-tiwala ang pagkatao," lukot ang mukha nitong sagot.
Kaya naman tuluyang napahalakhak ang matanda. Sa isipan ay tama siya sa tinutukoy ng apo. Ang babaing dayo sa lugar nila na halatang malaki ang gusto kay Carlito pero hindi naman kasi mahilig ang anak sa babae kaya't hindi nito pinapatulan ang babae.
"Agatha apo, tama ka Felicity ang pangalan niya. Nandito iyon kahapon habang nasa paaralan ka pero nagkataong wala ang tatay mo. May pinuntahan siya kaya't hindi rin sila nagpang-abot kaya naman ay nararapat na ngumiti-ngiti ka na riyan," pahayag na lamang ng matanda na agad namang sinundan ni Carlito.
"Huwag ka ng sumimangot, anak. Dahil kahit hindi mo sabihin ay wala akong balak patulan siya. Kapag magpang-abot kayong dalawa at magbigay siya ulit ng bulaklak, tanggapin mo. Upang hindi ka maging bastos sa paningin ng tao lalo na sa kanya.
Kapag hindi na siya nakatingin sa iyo ay maari mo ng ibasura o 'di kaya'y ibigay mo sa ibang tao. Maging magalang ka sa lahat ng tao, anak, kagaya ng paggalang mo sa amin ng iyong lolo. At para sa ikapapanatag ng loob mo'y wala akong balak mag-asawa dahil ikaw ang nag-iisang prinsesa namin ng lolo mo."
Mahaba-haha namang pahayag ni Carlito sabay gulo sa buhok ng dalagitang nakasimangot. Dahil na rin sa babaeng nagpabigay umano ng bulaklak para sa kaniya. Sa inasta niyang iyon ay unti-unti na ring bumalatay ang ngiti sa kabuuan ng mukha.
"Salamat, 'Tay. Ayaw na ayaw ko kasi sa taong walang delikadesa. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ka na puweding mag-asawa. Pero group hug na lang tayo nila lolo para happy." Abot hanggang taenga ang ngiti lalo sa paliwanag ng ama.
Kaya naman nagka-group hug silang tatlo bago naghanda sa kanilang hapunan.
SA paglipas ng mga araw, buwan, at taon. Kung paano pinalaki ng mag-amang Carlito at Pedro ang dalaga ay pinanindigan nila ito. Kahit na parehas silang lalaki na kung tutuusin ay pambabae na ang trabahong pag-aalaga rito lalo at dalagita na ito. Ngunit pinatunayan nila na kung kaya ng mga nanay ang magpalaki sa mga anak na walang tatay ay gano'n din silang mag-ama. Kaya din nilang magtatay na maging ama at ina, lola at lolo kay Agatha.
Kaso, sa kilos at tindig nito'y madalas tuksuhin ng mga kaklase na isa itong tomboy. Kung sa ibang kababaihan ay mga indoor games ang kinahuhumalingan ay iba ito. Bukod sa nangunguna ito academic, gano'n din ito sa extra-curricular kaso basketball, volleyball, track and field lalo na ang running event. Sumali rin ito sa badminton at lawn tennis pero nagkagipitan sa oras at ayaw maapektuhan ang academic.
ISANG araw, pauwi na si Agatha Pearl galing sa paaralan nila ng hinarang siya ng mga kalalalikihan.
"Alam mo bang ang ganda mo kaso kumikilos kang parang lalaki?" sabi ng isa sa mga ito.
"At alam mo, brod, wala ka ng pakialam kung paano ako kumilos dahil hindi naman kita pinapakialaman. Kaya't kung ako sa inyo ay bakantehin n'yo ang daan dahil nakakaabala kayo."
Natatakot man pero hindi siya nagpahalata. Dahil ayaw din naman niyang samantalahin nila ang pagkakataong mag-isa lamang siya.
"Brod, matapang siya. Aba'y lalaki nga yata talata," sabi ng isa na tumawa nang tawang parang demonyo.
"Ang bagay diyan mga brod ay pinapatikim ng abot hanggang langit na sarap. Malay ninyo kapag nakatikim ng sarap ay hahanap-hanapin pa baka siya pa ang lalapit sa ating lahat," ani naman ng isa na sinabayan pa ng nakakainsultong tawa.
"Umalis kayo sa dinaranan ko kung ayaw ninyong isumbong ko kayong lahat sa paaralan." Natatakot oo pero ayaw niyang ipakita dahil alam niyang mas tatakutin siya ng mga ito kapag mahalatang natatakot siya.
Ang hindi alam ng mga kapwa studyante sa pinapasukang paaralan ay mayroong nakakita sa tagpong iyon. Imbes na humingi ito ng tulong para sa kaklase ay iba ang ginawa. Kinuha ang cellphone at kinunan ng video ang kaganapan. Nasa aktong hahawakan na ng ilang binatilyo si Agatha Pearl ng may napadaang hindi nalalayo sa edad nila.
"Hey, guys, what's happening here?" tanong ng mas matangkad.
"Sus, 'pre, may mga bakasyonistang englesero ah. Mukhang gusto ang sakit sa katawan," nakangising wika ng isa sa kaklase ni Agatha.
Kaya naman nakasilip ng pag-asa ang dalagita. Agad siyang lumayo sa mga ito at lumapit sa mga dayo.
"Ay, mga boss, maari bang ilayo n'yo ako sa mga manyakis na iyan? Huwag kayong mag-alala dahil tatanawin kong utang na loob iyan kaysa naman pare-parehas tayong mapahamak sa kamay nila," agad niyang sabi na halos magtago sa likuran nila.
"Yeah, sure. Get in to our car and we'll drop you to your home," sagot ng may pagkamoreno.
Doon nila napansin ang sasakyang nakaparada sa tabi. Sa takot na baka may gawing masama ang mga kaklase niya sa kanya'y hindi na rin niya inisip na maari din siyang mapahamak. Basta na lamang siyang pumasok sa sasakyan ng mga hindi kilalang tao. Huh! Ano ba ang magagawa niya samantalang nasa kagipitan nga siya! Lintik kasing mga manyakis eh. Pero para sa taong natatakot ay hindi na naisip ang bagay na iyun bagkus ay pumasok siya sa sasakyan ng mga hindi kilalang lalaki.
"BRO, hindi ba't dito tayo nanggaling kanina?" tanong ng mas moreno.
"Yeah, bro but I guess she's the one Mang Pedro's saying as his granddaughter. Look---"
"Hi, mga pogi, maaring pakitabi na lang diyan sa may shop. Diyan ang bahay namin at lolo ko si lolo Pedro. Salamat pala sa pagligtas sa akin sa mga kamay ng mga manyakis na iyun and at the same time sa paghatid sa akin dito sa bahay," putol na wika ni Agatha sa mga nag-uusap dahil naiirita siya sa englesero.
Marunong din naman siya eh. Kaso pinoy siya kaya't nasanay sa salitang Filipino. Kaya't halos hindi pa nakatapat sa bahay nila ang sasakyan ay binuksan na ni Agatha ang sasakyan ng mga hindi nakikilalang dayo sa lugar nila.
"Tay! Tay! Ah, samahan mo na po ako bukas sa pagpasok! Lintik ang mga peste at mga sira-ulong iyun. Gusto pa yata akong gawan ng masama," malakas niyang sigaw kasabay nang paglapit sa napatangang ama lalo at bumalik ang mga maaring costumer nito.
Kahit puno ng grasa ang kamay at mukha ay hindi siya nandidiri. Nagmamano at humalik pa rin siya rito. Aba'y doon nagmumula ang ikinabubuhay nilang mag-anak. Kaya't walang dahilan upang pandirihan niya ito.
"Ha? Sinong sila, anak? Saglit lang at harapin ko sila ha mga dayo pa naman sila rito sa Aurora," sagot at pagpigil ni Carlito sa anak saka lumapit sa mga binatilyo kasama ang driver.
"Magandang hapon mga, Hijo. Anong nangyari? May deperensiya ba ang inayos kong sasakyan ninyo?" may pag-aalala niyang tanong sa mga ito. Dahil sa unang pagkakataon ay may bumalik na sinerbisyuhan niya.
Pero ngumiti lang ang mga ito bago nagsalita ang mas matangkad.
"No, Mang Carlito. Wala pong promlema on my car. Hinatid lang namin siya(sabay turo kay Agatha). Hindi namin alam na siya pala ang sinasabi ni Tata Pedro na apo niya. Well, tama ang anak mo, Mang Carlito lalo at dalaga siya mas mainam na hatid-sundo mo po siya. Dahil may ilang mga binatilyo na pumalibot sa kanya. Mabuti na lang po at napadaan din kami roon," sagot nito.
Sa narinig ay nakahinga ng maluwag si Carlito. Iyon din ang usapan nila ng tatay niya. Pero hindi nila akalain na nangyari na pala mabuti na lang at mas magandang kalooban ang mga naserbisyuhan niya.
"Salamat, Hijo, sa pagligtas at paghatid ninyo sa anak ko. Si Amang Maykapal ang gagabay sa inyo sa biyahe n'yo pabalik ng Maynila," aniya sa mga ito.
"Salamat din po, Mang Carlito. Alagaan n'yo po ang anak mo. Sige po mauna na po kami at malayo pa po ang biyahe namin," tugon ng moreno.
Ilang pa ang nakalipas.
"Kilala ko, 'Lo. Iyong mga humarang sa akin dahil kaklase ko sila. Ay basta, 'Lo, isusumbong ko ang mga iyonln kay Sir bukas."
Dinig pa nilang wika ng babaing tinulungan. Sasang-ayunan pa sana nila ito pero hindi na nila nagawa. Dahil bumusina na ang kasama nila na nasa manibela. Ngunit ang mas matangkad ay muli itong lumingon sa kinaroroonan ng halos kasing-edad nilang babae.
"SASAMAHAN ka ng tatay mo bukas, Apo. Upang may kasama kang magsabi sa prinsipal. At saka huwag na huwag kang lalabas hanggat wala ang tatay para maiwasan ang kapahamakan mo," ani Mang Pedro.
Samantalang hinintay muna ni Carlito na nawala sa paningin niya ang mga dayo sa lugar nila bago lumapit sa ama at anak niya.
"Tama ang lolo mo, anak. Para rin ito sa kaligtasan mo. Kaya't kailangang hatid-sundo na kita mahirap na. Aba'y pinalaki ka namin ng maayos hindi para lang bastusin ng mga hayop na iyan. Mag-double ingat ka anak alam mo namang ikaw lang ang kayamanan namin ng lolo mo," sabad niya sa mag-lolo.
"Opo, Itay. Dati-rati naman kasing mag-isa lang akong umuuwi. Subalit mukhang mga naka-droga yata mga iyun eh sinapian ng kasamaan," sagot ni Agatha na ang maamong mukha ay bumabangis dahil sa pagkabanggit sa mga humarang.
"Siya sige na, apo ko, magbihis ka na at maghahanda pa tayo ng hapunan natin," ani na lamang ni Maang Pedro sa apo.
Hindi na ito sumagot bagkus ay muling dinampot ang bag na inilapag saka tinungo ang kuwarto.
"Sino kaya sa mga kaklase niya ang humarang sa kanya, Itay? Kung kailan magtatapos na sila ng sekondarya saka pa nagkaroon ng ganyan. Paano na kapag kolehiyo na siya? Hindi ko siya kadugo pero baka makapatay ako kapag may masamang mangyari sa anak ko!" ani Carlito na napakuyom ang palad sa huling tinuran.
"Anak, nauunawaan kita dahil mas bata ka pa sa kanya noong iniuwi mo siya rito sa bahay. Labing-lima ka lang noon anak pero ngayon ay triyenta-dos ka na ibig sabihin niyan ay nasa kalinga na natin siya ng labing-walong taon kasi labing-pito na siya sa susunod na buwan. Tama naman ang plano nating ihatid sundo mo na siya. Dahil kagaya nang sinabi ng mga dayo ay malaking bulas ang apo ko. Kaya't iyan ang pinakamainam mong gawin, anak. Hindi na bale dahil kaya ko pa namang magbantay dito sa shop kapag ihahatid at susunduin mo siya," pahayag ni Mang Pedro.
Hindi na sumagot si Carlito. Pero sa isipan niya ay baka sa unang pagkakataon ay mapapaaway siya kapag may masamang mangyari sa anak niya. Ang taong nagdala sa buhay nilang mag-ama ng suwerte at higit sa lahat ay ang taong naging dahilan na nagbago ang ama niya pagiging lasenggo at pananakit sa kanya noong kabataan niya.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang tatlo na nangtungo sa kusina upang ihanda ang kanilang hapunan.