UNANG KABANATA

2117 Words
"Ano ba 'yang dala-dala mo ha? Mapapakain ka ba niyan?" dumadagundong na tanong ng lasing na ama sa binatilyong anak. "Eh, 'tay, ikaw nga po hindi mo ako mapakain eh. Ayan lasing ka na naman. Walang-wala na nga po tayo, e. Inom ka pa nang inom," sagot ng binatilyo. "Aba! Abah! Hoy, Carlito! Kung hindi lang sana tayo iniwan ng malandi mong ina, malayong magkagaganito ang buhay natin! Kaya't huwag na huwag mo akong sinisermunan!" galit na sabi ni Mang Pedro. Akmang hahablutin nito ang anak upang saktan na naman ay maagap itong nakailag. Hindi hinayaan ni Carlito na mangyari iyon, lalo at may bagong silang siyang dala-dala. "Ahh! Hayop kang, Carlito! Nasaan ka ba!" sigaw pa ng ama niya dahil umiwas siya na naging dahilan na masadsad ito sa lapag. Ang senaryong iyon sa buhay nilang mag-ama ay hindi na bago. Silang mag-ama na lang ang namumuhay o magkapamilya dahil iniwan sila ng kanyang ina noong sanggol pa lamang siya at sumama sa boyfriend na ibang lahi. Nakamulatan na rin niya ang lasenggong ama, mabait naman ito kapag walang alak sa katawan. Pero sa tuwing nakainom ito'y nakatitikim siya ng bubgog mula rito. Siya ang sinisisi sa pag-iwan ‘di umano sa kanila ng inang hindi pa nakita sa buong buhay niya. Inilapag muna niya ang hawak-hawak bago muling nilapitan ang ama. "Alam mo bang mahal na mahal ko ang iyong ina, Carlito? Pero dahil sa lintik na ambisyun niya'y iniwan tayo. Nag-asawa ng ibang lahi para lang masustentuhan ang pansariling kapakanan. Kaya't ikaw huwag na huwag mo akong masumbat-sumbatan dahil wala ka rito sa mundo kung wala ako! Nauunawaan mo ba?" anito. Kapag ganoon na ang tono ng kanyang ama ay hindi na siya sumasagot. Kahit naiinis at nagagalit siya sa kanyang ama lalo na sa tuwing binubogbog siya. Kapag ganoon ang tono ng boses nito'y parang natutunaw lahat ang galit niya. "Mahiga ka na po, 'tay. Ikukuha kita ng makakain mo," sabi na lamang ni Carlito saka tinulungang makahiga nang maayos ang ama. "Lasing man ako araw-araw anak hindi ibig sabihin niyan ay wala ka ng halaga sa akin. Oo, binubogbog kita minsan. Pero alam mo bang wala ng mas masakit pa sa damdamin bilang magulang ang wala ka man lang magawa upang mapabuti ang kalagayan ng anak? At iyan ako, Carlito. Kaya ako laging naglalasing upang tuluyan ko nang hindi makita ang paghihirap mo. Dahil mas nahihirapan ako sa tuwing nakikita kita sa kalsada na namumulot ng basura para may pambili lang ng pagkain natin. Minsan nakikita pa kitang nakikipagpambuno sa tubig ulan para lang makaipon ng basura. Kaya't huwag na huwag mo akong sinusumbatan dahil ano sa akala mo sa akin walang pakiramdam? Masakit! Masakit! Kung alam mo lang kung gaano kasakit! Masakit!" paulit-ulit nitong sabi hanggang sa napagod marahil idagdag pa ang pagkalasing nito, iyon pala'y nakatulugan na nito ang panenermon sana sa kanya. "Sorry po, Tatay. Dahil nasagot na naman kita pero sana magbago ka na dahil wala ng mararating ang buhay natin kapag lagi kang ganyan. Mahal na mahal kita, 'tay, kahit binubogbog mo ako. Huwag kang mag-alala, 'tay, dahil kahit sinasaktan mo ako'y hindi nita iiwanan," bulong ni Carlito habang iniaayos sa higaan. Mauupo na sana siya pero gumalaw naman ang kani-kanina'y napulot niya sa tabi ng basurahan. Isang sanggol na sa tantiya niya'y sampung araw o mahigit pa. Sa paggalaw nito'y natauhan siya kaya't bahagya siyang lumayo sa ama at ito ang nilapitan. "Ano kaya ang gagawin ko sa iyo, baby? Diyos ko naman po kung sino ang gumawa niyan sa iyo. Alam mo bang basta na lang kami iniwan ng nanay ko? Kaya't galit na galit sa akin si tatay pero hindi ko siya kayang kamuhian dahil siya lang ang pamilya mayroon ako," sabi niya sa walang kamuwang-muwang na sanggol. Pero agad siyang napakislot ng umiyak ito. "Sino ba 'yang umiiyak, Carlito! Patahimikin mo nga kung sino 'yan!" sigaw ng ama niya kaya't agad niyang inilabas sa kinaroroonan ng ama ang sanggol. Nagsisigaw ang ama niya pero hindi na niya ito sinagot dahil nag-aalala sa batang dala-dala lalo at bigla itong umiyak. "Boy, baka naman gutom ang aso mo kaya't pakainin mo na iyan bago lamuning buhay ng lasenggo mong tatay," sabi ng napadaang kapitbahay nila. Dahil dito'y nagkaisip siya, na baka gutom ang sanggol kaya't umiyak ito. "Diyos ko ituro mo po sa akin kung ano ang gagawin sa batang 'to," piping dasal ni Carlito. "Huwag ka ng umiyak baby, saglit lang at bibili tayo ng gatas mo. Alam kong gutom ka na kaya't sandali lang ha," sabi niyang muli. Laking pasasalamat niya na hindi naghingi ng pera ang Tatay niya kahit sinalubong siya ng bulyaw. Sa mga kaedad niya'y nasa galaan, nasa paaralan samantalang siya'y kakaiba dahil kung ano-anong trabaho ang pinapasok niya para lang may pantustos siya sa pang-araw araw nilang mag-ama. Nagtatabi din siya kahit papaano dahil gusto niyang mag-aral pero ng oras na iyun ay naisip niyang malabo na lalo at may bago siyang alagain. Ang sanggol na basta na lamang iniwan ng walang pusong magulang. "Ayan dahan-dahan lang baby hindi ko aagawin ang gatas mo. Hayaan mo't kasama ka na namin ni itay sa pang-araw araw naming buhay. Kaso ano kaya ang pangalan mo?" pabulong na tanong ni Carlito sa sanggol ba halatang gutom na gutom. Nag-iisa siyang anak na kailan man ay walang ibang nakitang kamag-anak kundi ang ama, walang kaalam-alam sa buhay gaya ng madalas sabihin ng mga nangungutya sa kanya. Pero ng oras na iyon ay pinatunayan niyang may alam siya. Lumaki man siyang salat sa lahat ng bagay ay hindi naman siya lumaking barumbado kahit na lasenggo ang Tatay niya pero lagi pa rin siyang ibinubuyo papuntang simbahan sa tuwing linggo. Sa edad niyang labing-lima ay tumatak na sa isipan niyang aampunin niya ang sanggol na napulot niya sa basurahan. AS the days goes on, naitago ni Carlito ang sanggol na pinangalanan niyang Agatha Pearl Bonifacio. Isinunod niya ito sa apelyedo nila ng tatay niya dahil wala siyang balak ihiwalay sa kanya. Agatha ang napili niya dahil ayun sa nabasa niya sa isang Spanish section ay may ibig sabihin ito. One who has a good heart and mind, pure, kind, gentle and a nature lover. Idinugtong niya ang Pearl dahil para itong perlas na na nagdala ng suwerte sa kanya. Ilang buwan na ito sa kanya at unti-unti na rin itong lumalaki, pero kasabay noon ang pagdating ng suwerte sa kanyang buhay. Mula sa basurero, naging janitor siya sa paaralan ng kanilang lugar pero sa tuwing sabado at linggo na walang pasok ang mga batang hindi nalalayo sa kanyang edad ay nasa restaurant naman siya bilang waiter, at washer. Kahit saan man siya magpunta ay dala-dala niya ang sanggol pero kailanman ay walang nagtatanong kung sino at kanino ito na labis naman niyang ipinagpapasalamat. Legal din naman kasi itong nakapangalan sa kanya kaya't tiwala siyang hindi ito basta-basta makukuha ng ibang tao dahil tinanggap ito ng registrar sa munisipyo nila. Pero sabi nga nila'y walang sekretong hindi nabubunyag. Dahil ang pinakaiingatang lihim ni Carlito ay nalaman ng ama. Marahil dulot ng pagod niya sa maghapon sa trabaho, puyat sa gabi sa tuwing may hindi natutulog ang sanggol ay hindi na niya namalayang umiiyak na pala ang batang ampon niya sa kabila ng kabataan niya. Napalalim ang tulog niya ng umagang iyun lalo at alam niyang wala siyang pasok ng araw na iyun dahil linggo, hapon pa ang pasok niya. "Saan ba nagmumula ang palahaw ng batang iyan?" tanong ni Mang Pedro. Kaya naman imbes na matulog pa lalo at alam niyang linggo, wala namang pupuntahan ang anak niya kapag gano'ng araw kundi sa simbahan kaya't hinahayaan niya itong matulog. "Ay anak ng diyablong iyak na iyan eh! Kaninong anak ba iyan at mukhang pinabayaan na ng magulang! Nakakarindi na sa taenga! Imbes na makatulog pa ang tao'y hindi na," ngitngit nito. Lasenggo siya oo pero kailan man ay hindi hinayaang umiyak ng gano'n ang anak niya noon. Kaya't dahil naririndi na ang taenga niya'y lumabas siya ng kuwarto. Kahit naman simple lang ang bahay nilang mag-ama'y may tig isa pa naman sila ng kuwarto. Ang maliit na kusina ay halos karugtong lang ng maliit nilang sala kung saan siya tumatambay sa tuwing nakainum siya. Doon niya hinihintay ang anak. Pero sa kanyang paglabas ay mas lumalakas ang iyak na naririnig niya. "Teka lang bakit mukhang sa loob ng kuwarto ni Carlito nanggagaling ang palahaw ng bata ah. Ang batang ito mukhang iba na ang tinatahak na landas ah. Makakatikim ka sa aking gago ka. Kahit lasenggo ako'y hindi kita tinuruang gumawa ng labag sa batas!" ngitngit niya. At may pagmamadaling tinungo ang kuwarto ng anak. Pero kung ano ang galit niya bago siya pumasok sa kuwarto ni Carlito ay gano'n din kabilis natunaw ng makita ang anak na mahimbing ang tulog sa tabi ng sa tantiya niya'y nasa limang buwan na sanggol. Doon niya napagtanto na may mga gamit ng bata na nakasampay sa mismong kuwarto ng anak. Mga ilang pirasong bote na nagamit at hindi, mga diapers. Tuloy ay para siyang naestatwa dahil sa nasaksihan. Pero dahil patuloy ang pag-iyak ng sanggol ay wala na rin siyang nagawa kundi ang gisingin ito. Sa isang tapik niya'y halos mahulog ito marahil sa takot na magalit siya at sa gulat na pag-iiyak ng sanggol. "Sorry na, baby Agatha Pearl napahimbing ang tulog ng Papa mo. Heto na ang gatas mo, hssshh tahan na." Pagpapatahan nito sa sanggol habang inilalagay ang bote ng gatas sa bibig nito na agad namang tumigil. Hinayaan lamang niya ito. Pero nais niyang alamin kung paano ito nagkaroon ng anak samantalang kinse pa lang ito na wala man lang nobya kahit pa sabihing puppy love. Siguro nga ay napapabayaan niya ito pero hindi naman siguro siya gano'n kasama upang hayaang mapariwa ang sariling laman at dugo. Kahit pa sabihing iniwan sila basta ng nanay nito. "Sorry po, Tatay. Alam ko po ang iniisip mo, 'Tay. Pero hindi ko po siya kinidnap. Ang totoo po niyan ay napulot ko po siya sa basurahan limang buwan na ang nakakaraan. Kung naaalala mo po ang hapong nakainum ka at sinisigawan ako at halos hablutin na. Dala-dala ko na po siya noong hapong iyun dahil hindi maatim ng kunsensiya ko na iwanan siya na walang kasiguraduhan kung mabubuhay o hindi. Sa takot ko po na baka idamay mo siya sa tuwing nagagalit ka sa akin ay itinago ko po siya sa iyo, 'Tay. Sorry po, Tatay, pero paraan na rin siguro ito ng Diyos na napahimbing ang tulog ko para malaman mo ang katutuhanang may legal akong ampon. Siya si Agatha Pearl Bonifacio. Sana ay ako na lang ang saktan mo. Huwag mo lang siyang idamay." Paliwanag binatilyo na nakayuko habang kalong-kalong ang sanggol na nagutom yata. Dahil tahimik itong dumidede sa bote. Sa hinaba-haba ng paliwanag ng anak ay hindi nakapagsalita si Mang Pedro. Nakakalaki man pero napahagulhol ito sa mismong harapan ng anak at ang batang payapang dumidede sa bote. "Sorry, anak. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa iyo pero maraming salamat at lumaki ka pa ring may takot sa Diyos. Pagpasensiyahan mo na ang Tatay mo anak at sana hayaan mong makabawi ako sa iyo at sa batang iyan. Ikaw ang sinisi ko buong buhay ko simula iniwan tayo ng nanay mo. Hindi ko man lang naisip na mas marami pa ang magagandang pangyayari sa buhay natin na mas pagtuunan ng pansin. Huwag kang mag-alala anak dahil hindi ako galit sa pag-ampon mo sa kaniya. Bagkus ay proud pa ako sa iyo dahil kahit nagpabulag ako galit at nagawa pang ibinunton sa iyo'y ginawa mo pa rin ang tama anak. Patawarin mo ang tatay anak." Humahagulhol niyang sabi. Walang labis at mas walang kulang sa kaniyang pahayag sa anak. Nasa huli man ang pagsisi subalit masasabi niyang malaki ang iginaan ng pakiramdam niya. Ang anak ay anak. Kahit gaano man kalupit ang magulang ay magulang pa rin na dapat respetuhin. Dahil kung wala sila'y wala din tayo sa mundo. Alam niya (Carlito) na magsasalita pa sana ang ama pero hindi na niya ito hinayaan. Anak lang siya, at ito ang kanyang ama. Kaya't hindi niya hinayaang manikluhod ito sa kanya. Ang maamin nito ang pagkakamali ay sapat na sa kanya. Pero ang luluhod pa ito ay kawalanghiyaan na bilang anak. "Magsimula po tayong muli, 'Tay. Ikaw, ako at ang apo mong si Agatha Pearl. Susuungin nating tatlo ang mundo. Patawarin mo na rin po ako dahil sinasagot-sagot kita. Mahal na mahal po kita, 'Tay," naiiyak na ring wika ng kinse anyos na si Carlito. Para namang nakikiayon ang sanggol na si Agatha dahil humahagikhik ito habang natutulog bagay na mas ikinatuwa ng mag-ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD