IKA - APAT NA KABANATA

1827 Words
Dahil sa nangyaring pagharang ng ilang kaklase ni Agatha ay naglakas-loob si Carlito na kausapin ang principal ng paaral kung saan nag-aaral ang anak. "Mas mabuti na iyang nagsumbong ka rito sa opisina, Carlito, para mabigyan ng leksyun ang mga iyan. Hindi lang ang panghaharang nila kay Agatha ang reklamo ng ibang parents sa kanila kaso wala naman kasing ebidensiya upang madiin sila," sagot ng punong-guro. Kaso ang hindi nila alam ay nagtungo rin doon ang taong kumuha ng video imbes na humingi ng saklolo. Hawak ang cellphone na ginamit sa pagkuha ng video, nagtungo ito sa opisina ng prinsipal. "Mayroon, Sir. Mayroon ng ebidensiya ngayon sa ginawa nila kay, Agatha." Itinaas pa nito ang hawak na cellphone kaya naman napatingin ang dalawa o sina Carlito at Prinsipal sa pintuan. "Oh, Mr Salvacion, anong ibig mong sabihin?" agad na tanong ng huli sa isang estudyante. Kaklase din ito ni Agatha pero dahil kagaya rin nitong hindi pala-imik kapag hindi kinakausap ay parang outcast lang ito. Hindi sumagot ang estudyante pero pumasok ito sabay abot sa video kung saan hinarang ng anim na binatilyo ang kaklase. Dahil video with audio naman ito ay dinig na dinig nila ang kabastusan ng mga ito laban kay Agatha kaya naman napakuyom si Carlito. Hindi niya pinalaki ang batang hindi niya kaano-ano para lang bastusin ng mga walang-hiyang mag-aaral. "Huwag kang mag-alala, Carlito. Dahil ngayon din ay ipapatawag ko ang mga magulang nila kaya't huwag ka munang aalis dahil kailangang mabigyan ito ng linaw. Hindi na maganda ang ganyang gawain." Binalingan ng Prinsipal ang mga panauhin upang pigilan sa napipintong pag-alis. "Ikaw din, Mr Salvacion, alam kong may klase kayo kay, Ma'am Amador, pero huwag kang mag-alala dahil kakausapin ko siya na excuse muna kayo ni Agatha lalo at mga kaklase n'yo ang mga saklaw. Or maybe I'll order to ma'am Amador na suspend muna ang subject ninyo ngayon. Just sit there and let's wait to the parents of those students. This is acceptable anymore," anito. Tumango na lamang ang dalawa bilang pagsang-ayun sa tinuran ng Principal. Alam naman kasi nilang tama ang huwag na nilang hayaang mangyari pa muli ang akdenting kinasangkutan ng mga kapwa estudyante. Hindi nga nagtagal ay nagsidatingan ang mga magulang ng mga mag-aaral. Mga may kaya sa lugar nila ang anim kaya't malakas ang loob na gumawa ng kalokohan sa pag-aakalang sasang-ayunan at kukunsintihin ng mga magulang. "Wala ka na talagang ginawang tama sa buhay mo! Ora mismo'y ipapadala na kita sa America sa Lola at Lolo mo roon!" Ama ng student 1. "Talaga bang iyan ang gusto mong tahaking buhay, anak? Kung tamad ka ng mag-aral malaya kang tumigil huwag ang ipinapahiya mo ang buong pamilya. Nagtratrabaho kami ng mama mo para sa maganda mong kinabukasan pero anong ginagawa mo? Puro kapalpakan kaya't mamili ka ang lilipat sa ibang paaralan o tuluyan ka ng titigil sa pag-aaral?" Ama naman ng student 2. "Hindi totoo 'yan! Edited lang iyan kaya't huwag n'yo siyang paniwalaan!" ayaw pang patalong ani ng isang estudyante. Pero agad ding sinupalpal ng ina. "Ikaw ang manahimik, Ronnie! Ilang beses ka na naming kinausap ng Papa mong pagbutihin mo ang iyong pag-aaral para makapasa ka. Pero ano na naman itong kinasangkutan mo? Nakakahiya ka na Ronnie kaya't oras na para ibalik kita kina Mommy at Daddy sa Mindanao. Doon na magpatuloy sa pag-aaral," sabi naman ng ina ng isang estudyante. Tuloy ay hindi nakaimik si Carlito. Base na lamang sa pananalita ng mga magulang ay hindi lamg iyon ang nagawang kasalanan ng mga ito. Hindi man siya ang tunay na magulang ni Agatha pero ramdam niya ang mga sinasabi ng mga magulang ng mga kaklase ng anak-anakan. Kaso... Hindi nila napaghandaan ang pagsugod ng isang estudyante kay Agatha. Lumapit ito sa dalagita at padadapuan na sana ng suntok ang mukha nito pero naagapan ni Carlito na nasa tabi ng anak. "Kailan man ay hindi ako nanalangin ng masama para sa ibang tao bata. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ko pero disiplinado ako bagay na wala kayo. Nandito kayo sa loob ng paaralan upang madagdagan ang inyong kaalaman hindi ang dagdagan ito ng kalokohan. Pasensiya ka na bata pero oras na idapo mo iyan sa pisngi ng anak ko'y makakatikim ka talaga sa akin," wika ni Carlito. "Oh, really? Bakit kapag ginawa mo ba iyon ay hahayaan ko na lamang? Tsk! Baka naman kasi bastos ang anak mo kaya't napag-isipan nila ng masama? Hoy, hampas lupa huwag na huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko!" Napataas ang kilay ng ina ng binatilyong mananampal sana kay Agatha. "Shut up! Emilia! Shut up! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang anak natin dahil kinukunsenti mo kahit na mali siya! Now get up and go to the car or else you both can recieve my anger!" malakas namang sigaw ng asawa nito bago bumaling may Carlito. "Ah, Mr Bonifacio, ako na ang humihingi ng pasensiya sa inasal ng anak at asawa ko. Huwag kang mag-alala dahil oras mismo'y aalis na kami. Babalikan ko na lang ang school papers niya sa ibang araw. Pasensiya ka na talaga." Binalingan nito ang mag-ama saka humingi ng paumanhin. "Alam kong kalabisan na ito, Hija, lalo at ang anak ko ang may kamalian pero sa susunod huwag kang mag-atubling magsumbong kahit kanino rito sa paaralan para mabigyang leksyun ang gumagawa ng labag sa kagandahang asal. Ipagpatuloy mo ang pagkamakumbaba mo at sigurado akong malayo ang iyong mararating," sabi nito saka tumalikod na halos hilain ang asawa na parang nais sugurin ang mag-ama. Kaya naman bumaling ang prinsipal sa dalawa pang mag-aaral na halatang nag-iisip. Pero bago pa man ito makapagsalita ay inunahan na ng ina ng isa sa mga ito. "Dito sa mismong harapan ng Principal at mga kaklase mo, Rexel, isang tanong isang sagot. Gusto mo bang mag-aral o hindi?" kalmado nitong tanong pero halatang nagpipigil din. "Mag-aaral po, Mama." Napatungo ito, halatang may takot sa ina. "Very good! Kung ganoon kailangang humingi ka ng paumanhin sa kaklase mo dahil natakot n'yo siya," muli ay sabi nito. Walang pag-aalinlangang lumapit ang estudyante kay Agatha at hinarap ito. "I'm sorry, Agatha, sa nangyari. Alam kong kamalian namin iyon kaya't ako na ang humihingi ng paumanhin. Alam kong gusto mong magtapos ng pag-aaral mo as well as I am kaya't sorry na, Agatha. Hayaan mo at hindi na iyun mauulit." Tumitig ito sa kaklase. Gusto nitong iparamdam ang sensiridad sa paghingi ng paumanhin. Sabi nga nila ang Diyos ay nagpapatawad tayong mga tao pa kaya? Dahil kitang-kita naman niya ang kaseryusuhan ng kaklase kaya't hindi na rin siya nagmatigas. "Sige, Rexel. Kalimutan mo na iyon basta huwag mo ng ulitin kahit kanino dahil pare-parehas lang naman tayo ng hangarin kung bakit nandito tayo sa paaralan," tugon niya rito. "Salamat, Agatha Pearl." Bumalik na ito sa kinauupuan matapos makapagpasalamat. May ibinulong ito sa mga kaklase kaso hindi nila naunawaan ang bulungan ng mga ito pero agad din napukaw ang agam-agam nila ng tumayo ito at lumapit may Agatha. "Alam kong natakot ka namin, Agatha, kaya't ako na ang kusang humihingi ng paumanhin sa kapangahasan namin. Huwag kang mag-alala dahil simula ngayon ay 'di na namin gagawin iyon sa iyo o kahit kanino. Nais pa naming makapagtapos ng pag-aaral kaya't tulungan mo din sana kaming kumbinsihin ang Principal natin na bigyan pa kami ng isang pagkakataon at huwag ma-expell dito sa school natin. I'm so sorry, Agatha," seryoso rin nitong wika kahit na hindi inutusan ng magulang. Lihim namang napapangiti ang mga magulang ng nandoon. Alam nila ang pagkakamali ng kanilang mga anak ang nangyari. Patunay lamang na may ebidensiya ang mag-ama o ang video ng isa pang kaklase nila. Hindi nila naisip na may gano'n din pa lang pag-iisip ang mga kulang sa atensiyun na studyante. "Kung ako ang masusunod, My Dear, students, ay may karampatang parusa talaga ang nagawa ninyo. Ngunit dahil humingi naman kayo ng paumanhin ay nasa kamay ng mag-amang Carlito at Agatha Pearl kung papatawan ba niya kayo ng parusa dahil karapatan nila iyon." Napapangiti sabay tango ng prinsipal na lihim ding nananalangin na huwag ng magbigay ng parusa ang dalagita. Hindi agad nagsalita ang dalagita bagkus ay tumingin sa nakalakhang ama. Wala siyang maramdamang iba sa mag-amang kumopkop sa kanya dahil mas higit pa sa pagmamahal ng ama at ina ang ipinaramdam nila sa kanya. Kung minalas siya sa mismong magulang na wala na siyang balak alamin kung sino, biniyayaan siya ng langit sa katauhan ng tatay Carlito at lolo Pedro niya. Pinalaki siyang may takot sa Diyos, magpatawad sa mga nagkasala. Kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na ibigay iyun sa mga kaklase niya lalo at pumayag naman sng kanyang ama at higit sa lahat ay kitang-kita naman nila ang kaseryusuhan ng lima nilang kaklase. "Ang, Diyos, ay nagpapatawad ako pa kayang tao lamang na nilalang NIYA? Hindi naman ako masamang tao dahil pinalaki ako ng maayos ng Tatay at Lolo ko. Kaya lang naman kami dumulog dito sa paaralan dahil sa takot na baka maulit na naman ang tagpong iyon. Pero dahil alam ko namang hindi n'yo na gagawin pang muli ay sige kalimutan na natin ang tagpong iyun at sana panindigan ninyo na hindi na iyun mauulit. Sa inyo ay hindi ninyo problema ang perang ginagamit n'yo sa pag-aaral ninyo pero ako? Alam n'yo naman siguro ang buhay mayroon kami ng lolo at tatay ko kaya't hindi n'yo masisi ang tatay ko kung dumulog siya rito sa opisina ni Sir. Mag-aral tayong mabuti dahil iyan lamang ang maisusukli natin sa pagpapaaral ng mga magulang natin. Pahaayag ni Agatha. Kaya naman ay labis-labis ang pasasalamat ng mga magulang ng lima at mga kaklase nila. "Saludo ako sa pagpapalaki mo, Carlito, sa dalaga mo. Sana lahat mg estudyante ay kagaya ng pag-iisip niya. Napakasuwerte mo sa kanya." Tuloy ay komento ng ama ni student 1. "Kagaya nang sinabi niya iyan lamang ang maipapamana ko sa kanya, Sir. Kaya't pinakaiingatan ko siya dahil sila lang din mayroon kami ni Tatay. Ipagpaumanhin n'yo na rin Sir kung nadisturbo kayo dahil dito pero gaya ng sabi niya na kaligtasan lang din niya ang iniisip ko." Sinabayan niya(Carlito) ng pagtango ang pagsang-ayun sa tinuran ng Ginoo. "Wala kang dapat ipagpaumanhin, Carlito, dahil mga anak namin ang may kasalanan. Kaya't magsimula na ulit tayo na parang walang nangyari total nagkapatawaran naman na ang mga magkakamag-aral. Kapag gusto ninyong mag-ama ng tulong malaya kang puntahan ako sa bayan para matulungan ko kayo," sabad naman ng Ginang o ang ina ng student 2. "Salamat, Ma'am" sagot naman ni Carlito. Dahil nadaan naman sa magandang usapan ang lahat ay hindi na rin sila nagtagal sa opisina ng prinsipal. Nagsiuwian ang mga magulang ng lima pero naiwan si Carlito dahil ilang oras na lang ay uwian na ng mga mag-aaral kaya't napagdesisyunang hihintayin na lamang niya ang anak kaysa maulit na naman ang dahilan kung bakit nasa eskuwelahan siya kahit pa sabihing nangako ang mga ito na hindi ns mauulit ay hindi pa rin niya maiwasang matakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD