Sa paglipas ng mga araw, kapansin-pansin ang pagbabago ng limang magkakaibigan. Kinakausap na rin nila ng maayos ang kumuha ng video na si Salvacion, gano'n din si Agatha Pearl. Bagay na hindi nalingid sa ibang mag-aaral. Sari-sari ang mga feedback na naririnig nila pero both parties ay hindi na pinatulan iyon bagkus ay ipinagpatuloy ang magandang relasyon na nasimulan.
"Huwag n'yo ng patulan ang issue na iyan mga classmate dahil muli na naman kayong babalik sa dating kayo kapag hahayaan n'yong talunin kayo ng usap-usapan," wika nga ni Agatha nang nagkataon na magkakasama sila sa canteen.
"Ang bait mo talaga, Sister. Kaya ka nga inaabuso dahil sa kabaitan mong iyan eh." Napatawa tuloy siya dahil sa tinuran na iyon ng kaklase niya.
"Alam mo, kapatid, hindi nakakalutas ng problema ang pagpapadalos-dalos saka ganyan ako pinalaki ng Tatay at Lolo ko. Kailangang matuto kang magpatawad, saka kunting bagay lang iyan kaya't hayaan n'yo na kaysa magulo na naman ang pananahimik ninyo."
Kibit-balikat ni Agatha na naging bestfriend na ni Victor Salvacion. Naging malapit na rin naman sila sa lima pero mas madalas silang magkasama ni Victor dahil ilang dipa lang ang layo ng bahay nito sa kanila.
Pero sabi nga nila, ang buhay ay weather-weather lang. Ang buhay ay hiram lamang sa Diyos. Kung may kasiyahan, may lumbay. Dahil sa paglipas ng mga panahon, nasa ikalawang taon na sila ng kolehiyo sa kursong marine engineering. Halos gumuho ang mundo ni Agatha Pearl sa sumalubong na balita sa kanya isang weekend na umuwi siya upang makasama ang ama at abuelo.
Pumanaw na ang isa pinagkakautangan niya ng buhay. Wala na ang kanyang abuelo. Ang Lolo niya na kagaya ng kanyang ama na laging nakasuporta sa kanya kahit anumang bagay at oras. Ang masakit ay namatay ito dahil sa karahasan, may ilang saksak ang katawan nito bagay na hindi nila maunawaan kung paano nangyari iyon.
"Huwag kang mag-alala, anak. Dahil kahit wala na ang Lolo mo'y magpapatuloy ka sa pag-aaral mo. Pero mas mabuting huwag mong dalasan ang pag-uwi rito sa baryo natin. Lalo at hindi pa natin alam kong ano ang dahilan ng gumawa nito kay tatay," sabi naman ni Carlito.
Pero hindi pumayag si Agatha, fully scholarship naman mayroon siya. Kaya't kahit allowance ay sagot ng gobyerno na nagpapaaral sa kanya. Umuuwi pa rin siya dahil mas gusto niyang makasama ang ama kaysa ang manirahan sa dormitory. Ang perang ibinibigay ng ama ay siya ring ginamit na pamasahe dahil may allowance naman siya galing sa scholarship niya. Ang masaklap nga lamang dahil mahirap lang sila'y naibasura o mas tamang sabihin na hindi pinansin ang petisyun nila sa pagkamatay ni mang Pedro.
Finally!!!
After few years spending in college!
She graduated with flying colours!
"Matagal ko ng pangarap ito, Tatay. Kaya't pagbigyan mo na ako 'Tay. Aayusin na po natin ang lahat dito sa Aurora para makaluwas na tayo ng Maynila. May trabaho na po akong naghihintay roon dahil nagtapos naman po akong may karangalan kaya't trabaho na po ang lumapit sa akin. Oras na po 'Tay para ako naman po ang magtrabaho para sa iyo."
Yumakap si Agatha sa ama matapos ipasuot dito ang toga at cap(diko sure ano tawag sa suot ng mga graduates). Ang rason niya'y hindi siya nakapag-aral kung wala ang taong nasa harapan niya ngayon na kumalinga, nagpalaki, nagbihis, sa kanya.
Kaya naman!
Wala na ring nagawa si Carlito kundi ang pumayag sa kagustuhan ng anak. Pinatirhan na lamang nila ang kanilang bahay ng libre basta may maglinis at mag-alaga sa welding shop ni Carlito. Tiwala naman silang hindi pababayaan ng bagong tenant ang kanilang bahay dahil kagaya nilang laking Aurora din at kakilala nila.
Few years later...
"Kumusta ang trabaho mo, anak? Hindi ka ba nahihirapan?" Sinalubong ni Carlito ang anak ng natanawan ito na parating.
Kaso imbes na sagutin ito ng dalaga ay iba ang isinagot.
"Kailan man ay hindi ako pumalpak sa sapantaha ko, Itay. Ilang araw pa lamang ako sa Montereal pero damang-dama ko na mababait silang tao," anito.
Kaya naman nakaisip din ng kalokohan si Mang Carlito. Naisipan niyang biruin ito.
"Mukhang iba ang dulot ng Montereal kaysa kumpanyang pinagmulan mo ah. May apple of the eyes ka na bang nakita?" pabiro niyang tanong.
Kaso kagaya ng dati ay napasimangot lang ang dalaga. Hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng love life pero hindi rin niya maunawaan ang sarili na wala man lang naninindig sa mga balahibo niya kapag nadidikit sa mga kalalakihan.
"Hindi ko na kailangan ang maghanap ng Apple of my eyes, Itay. Alam mo namang ikaw ang lahat sa akin kaya't huwag mo nang abalahin ang sarili mo sa kakaisip sa bagay na iyan." Nakasimangot siyang yumakap sa ama.
Ganoon naman talaga siya. Malambing sa ama at sa yumaong abuelo.
"Ayan ka na naman, anak. Nakasimangot ka na naman. Aba'y huwag mong kalimutang babae ka. Isa ang pagngiti sa katangian ng tulad mong dalaga ang magugustuhan ng mga lalaki. Tama ka, nandito ako pero alam mo namang iba ang ibig kong sabihin. Kahit gusto kong samahan kita habang-buhay pero hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa mga sumusunod na araw. Kaya kako, anak, baguhin mo na iyang ugali mong iyan." Napailing na payo ni Mang Carlito sa anak.
"Hay naku, Itay. Hayan ka na naman sa Apple of the eye na iyan. Sabi mo nga po eh, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Malay natin, bukas o makalawa ay makabanggaan ko na ang hinahanap mong manugang. Pero bago pa magkarambula ang mga alaga ko sa tiyan ay mas mabuting kakain na po tayo---pero teka lang 'Tay."
Napatigil siya (Agatha) sa naudlot na pagpasok sa loob ng bahay nila ng masulyapan sa lamesa ang iniwan na pera sa ama. Kaso bago pa siya makapagsalitang muli ay inunahan na siya nito.
"Alam ko ang sasabihin mo anak. Pero sinadya kong iniwan diyan iyan. Kumpleto pa ang gamit natin dito kaya't hindi ko pa iyan ginalaw. Sabay naman tayong namimili ng gamit kaya't itinabi ko na lamang muna iyan para sa susunod," maagap nitong sabi.
"Ikaw ang bahala, Itay. Pero kagaya ng lagi kong sinasabi na huwag mong gutumin ang sarili mo 'Tay. Saka aba'y walang problema sa atin mag-ama kaso huwag mong iharang-harang ang pera riyan 'Tay nasa siyudad tayo. Alam mo naman ang ibig kong sabihin." Baling niya rito.
Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga kapitbahay nila. Pero sa magulong siyudad na kinaroroonan nila ay wala siyang tiwala. Dahil sa katunayaan ay masuwerte sila sa mga kapitbahay nila. Simula nang napadpad sila sa siyudad hanggang sa kasalukuyan ay maganda pa rin ang pakikitungo nila sa kanilang mag-ama. Ilang taon din siya sa unang kumpanya na napasukan nang lumipat sila sa siyudad makalipas ang pagtatapos niya sa kolehiyo. Kaso inilipat siya mismo ng dati niyang Boss sa Montereal Engineering Company dahil nag-migrates ito kasama ang pamilya sa America.
"Masusunod, anak. Kaso mukhang nakabalik na sa Aurora ang imahinasyon mo." Nakangiting pangangantiyaw ni Mang Carlito.
Sa narinig ay bigla siyang(Agatha) nakaisip ng hakbang na alam niyang hindi masasalungat ng ama. Hindi naman siya nagulat dahil nakikinig siya kaso sa sinabi nito'y nagka-ideya siya.
"Hmmm... Ilang taon na simula noong iniwan natin ang Aurora, Itay. Ano kaya kung magpapaalam ako kay Sir Ralph Angelo na magbabakasyon tayo? Sigurado namang papayagan at pagbibigyan niya ako dahil simula't sapol ay hindi pa ako lumiban sa trabaho. Anong masasabi mo, Itay?" tanong niya.
"Ikaw ang masusunod, anak. Kung saan ka masaya ay susupurtahan kita. Siya sige na anak, iinitin ko muna ang pagkain natin kaya't pumasok ka na sa kuwarto mo nang sa ganoon ay makapagbihis ka na," sang-ayun ni Mang Carlito.
Simula pagkabata o mas tamang sabihing simula noong napulot niya ito sa tabi ng basurahan hanggang sa kasalukuyan ay sunod-sunod na ang biyayang natanggap niya. Wala siyang hihilingin pa sa Poong Maykapal maliban sa sana ay mabibiyayaan din sana ito ng lalaking makapagbibigay ng wagas na pagmamahal.
Itinuring at inako niya itong tunay na kadugo, tunay na anak pero wala siyang ibang inisip kundi ang nakakabuti rito. Pero sa lahat ng kasiyahan na idinulot nito simula pa noong dumating ito sa buhay niya, idagdag pa ang materyal na bagay simula noong sumasahod na ito ay lubos-lubos na bilang sukli sa pagpapalaki niya.
Kaso...
Napalalim yata ang pag-iisip niya dahil iwinagayway pa nito ang palad sa harapan niya habang ang kaliwang palad ay nakapamaywang.
"Okay ka lang ba, Itay? Aba'y nabanggit ko lang ang Aurora, nagkaganyan ka na? Huwag na lang kaya tayong magbakasyon doon?" anito. Banaag sa mukha at tinig ang pag-aalala.
Kaya't napangiti siya ( Mang Carlito). Labis siyang natutuwa dahil nagbunga ang magandang pagpapalaki, paggabay niya rito. Wala siyang masasabi kung sa ugali ang pag-uusapan.
"Ibaba muna iyang kilay at palad mo, anak. Baka may makakita eh iba pa ang isipin nila sa iyo. Masaya lang ako sa kaisipang muli tayong makakaapak sa pinanggalingan natin. Masaya ako para sa iyo anak kaya't alagaan mo rin lagi ang sarili. Pero hindi ba mas maganda kung saka na lang natin planuhin ang pag-uwi sa probinsiya kapag nakapaalam ka na sa Boss mo. Aba'y mahirap na anak, excited ka eh baka hindi ka naman papayagan." Nakangiti niyang tapik sa balikat nito.
"Huwag kang mag-alala, Itay. Sabi ko naman kanina, mababait sila Sir. Siya, sige po Itay, bukas na bukas magsasabi ako kay, Sir Ralph Angelo," tugon ng dalaga saka itinuloy ang naudlot na pagpasok.
Deep inside of her, she's getting excited. Ilang taon na rin simula noong sinuwerte siyang nakapasok sa prestihiyusong engineering company. Sumasahod na siya ng higit pa sa pangangailangan nila kaya't gusto rin niyang ibalik ang lahat ng kabaitan ng nakalakhan niyan ama isa na roon ang muli nilang pag-apak sa lugar kung saan siya nito napulot noong siya ay sanggol pa lamang.
"Sana ay hahaba pa ang buhay mo, Itay. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kapag ikaw ang mawala. Habang-buhay kong tatanawin ang lahat sa iyo, Itay kaya't sana ay maging malusog ka lagi," pipi niyang sambit habang nakasandal sa likuran ng pintuan sa kuwarto niya.
Samantalang hinintay niyang nawala sa paningin niya ang anak bago nagtungo sa kusina. Magkadugtong lang naman ang kusina at sala nila pero dahil may nakapagitnang aparador ay mukhang pinaghiwalay.
"Ama, wala na akong ibang hihilingin sa Iyo kundi ang biyayaan mo sana ng tapat na lalaking magmamahal sa anak ko. Isang lalaking hindi siya paluluhain," bulong niya.
Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy na niya ang pag-iinit sa pagkain nilang mag-ama.
Kinabukasan...
"Hindi ka ba napapagod diyan, Hijo? Aba'y bumaba ka mula sa barko upang magpahinga pero mukhang papasok ka na naman sa opisina." Hinarang ni MaCon ang panganay na anak mula sa napipinto nitong paglabas ng bahay.
"Ah, nandiyan ka po pala, Mommy. Masaya ako sa ginagawa ko, Mommy. Saka ikaw na rin po ang nagsabing bumaba ako sa barko pero hindi rin naman kalabisan ang pagdalaw paminsan-minsan sa opisina. And besides sa engineering company naman po ako pupunta, Mommy," magalang na tugon ni Brian Niel sa ina.
"Sige anak, ikaw ang bahala. Basta huwag mong abusuhin ang sarili mo ha. Daanan mo na rin ang mga kaibigan mo." Tumatangong pagsang-ayun ng Ginang.
Sa pagkakabanggit ng ina sa salitang kaibigan ay napangiti siya. Bihira man silang magkikita-kita pero wala silang pagtitipong magkakaibigan na walang harutan. Iyon ang hindi mawawala sa grupo nila. Binansagan nga silang "pinakbet" dahil sa kumpleto ang grupo nila.
"I, guess mas mabuting kay Oliver Carl ka na lang magtungo anak. Sa ngiti mong iyan ay gusto mo siyang makasama. Alam ko namang nasa Baguio si Allick Francisco as Franklin Craig does. He is in Cagayan Valley." Nakangiting lumapit sa kanila ang padre de-famila.
Kaya naman ay napalingon silang mag-ina. Hindi nila namalayang nakalapit ito sa kinaroroonan nila.
"Tama ang Daddy mo, anak. May ibang araw pa naman na bibisita ka kumpanya," aniya naman ng Ginang.
Pero dahil nakaplano ang lakad niya ( Brian Niel) ng araw na iyon ay magalang niya ring tinanggihan ang suhestiyon ng mga magulang.
"Sa ibang pagkakataon na lamang po, Mommy, Daddy. Alam n'yo naman po na kapag kaming magkakaibigan ang nagkikita-kita ay kulang ang maghapon upang magkulitan. Mauunawaan iyan ng bawat isa sa amin. So, mauna na po ako sa inyo." Hinagkan niya ang mga magulang sa noo bago tuluyang lumabas ng kabahayan.
Samantalang hinintay ng mag-asawa na makaalis ng tuluyan ang panganay nilang anak bago pinakawalan ng Ginang ang malalim na hininga.
"Ako ang nababahala sa kanya, Honey. Baka mapabayaan na niya ang sarili dahil sinusubsob ang panahon sa trabaho," anito.
"Huwag kang mag-alala, Hon. Dahil kita mo namang iba ang kinang ng mga mata niya sa pagkakabanggit natin sa mga kaibigan niya. Let's get going too, Honey." Umakbay si Clarence sa nag-aalalang asawa saka inakay palabas.
Well, they're going somewhere too. All their children has a work already and they'll treat themselves too.