"Congratulations, Honey." Sinalubong niya ng mainit na yakap at halik. Hindi siya nakapunta sa mismong turnover ng pamamahala nito sa branch ng kumpanya nila sa Maynila kaya't pinaghandaan niya ito husto. May mas mahalaga siyang pinagtuunan ng pansin sa mismong araw ng turned over kaya't babawi sa sa mahal niya. "Thank you, Honey. Mukhang pinaghandaan mo ito ng husto. I love you," masuyong sagot ng binata saka gumanti ng yakap. "Yes of course, Hon. Talagang pinaghandaan ko ito dahil para sa iyo. Hindi ako nakapunta sa turn over n'yo kaya babawi ako ngayon, Hon." Inakay niya papasok ng apartment kung saan sila laging nagkikita. Kung hindi man sila namamasyal sa labas ay mag-movie marathon sila, magpadeliver ng pagkain. Ang kasintahan din niya ang nagbabayad sa upa ng apartment. Gusto ka