"What the hell you're doing?!" malakas niyang tanong sa mga kapatid. Sino ang hindi mapapalakas ang boses kung bigla na nga lang binuksan ang pintuan niya, ay sabay pa silang yumakap sa kaniya. Kaso ang mga sutil ay sabay ding tinakpan ang labi niya. Kaya naman hindi niya malaman kung maiinis o matutuwa siya sa mga ito. "Hssshh, huwag kang maingay, Kuya. Tulog na ang mga tao." Tinakpan ni Cassandra ang bingo niya upang patahimikin siya. "Ang harsh mow talaga kay, Kuya." Humahagikhik namang idinantay ni Mariz Kaye ang dalawang daliri sa bibig ng Kuya nila. Tuloy, ang labas ay dalawang palad ang nakatakip sa bibig niya(BN). Kung ano na naman ang pakulo nila ay kailangang ihanda niya ang sarili. Hindi pa naman siya makatanggi kapag sila ang mangulit. "Kung may binabalak kayong hatakin n