"Anong ginagagawa natin dito?" maang na tanong ni Brian Niel. Iba na yata ang natatahak na landas ng mga kapatid niya. Aba'y sa eskinita na siya dinala ng dalawa. "Iyan ang napapala ng nagkukulong sa opisina kapag nandito sa kapuluan, Kuya. Hindi naman oras ng meryenda upang sasagutin ka namin ng snack time." Napahagikgik si Mariz Kate sabay hila sa kapatid. "My Dear brother, natural nandito tayo upang mananghalian. See those delicious foods? Dito mo lang iyan matitikman mas mura pa. Kaysa naman sa restaurant pa tayo kakain eh kapiranggot na nga lang ay napakamahal pa." Itinuro pa ni Cassandra ang mga nakahilirang pagkain. Doon niya (Brian Niel) napagtanto na hindi eskinita ang pinuntahan nila kundi food court. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil sa kainosentihan. Hindi naman ka