"Hsssh!" Pagpapatahimik ng kambal sa sekretarya ng Mondragon Shipping Company nang tumayo ito upang batiin sana sila. Nakagawa naman kasi sila ng plano habang nasa galaan. Bihira man itong nasa kapuluan gawa ng ito ang namamahala sa MARGARITA na pag-aari ng pamilya nila. Mabuti na kung dumadaong ito ng isang beses sa isang taon. Maliban na nga lang kung may gathering ang grupo nito. Kahit saang lulalop sila ng mundo kung may importanting okasyon ang bawat isa sa magkakaibigan ay susulpot ito upang daluhan ang mga kaibigan. Gusto nila itong gulatin kaysa surpresahin upang hindi makatanggi sa kanilang paglalambing. Kaya sila nakaisip ng kalokohan. Patihaya silang pumasok sa opisina nito saka ganoon din sa paglapit sa lamesa nito. "Hala, si Kuya, dinaig pa ang pulubi sa pagtratrabaho. Namu