"Nabili mo na ba lahat ang kailangan mo, anak?" tanong ni Mang Carlito sa dalaga ng tumigil ito na para bang may naalala. "Dito ka muna sa tabi ng elevator, 'Tay. Malaking band aid ang nakalimutan ko." Nakangiting iginaya ng dalaga ang ama sa paanan ng elevator. Hindi naman sa nahihiya siyang kasama niya ito sa pamimili ng underpads niya. Dahil sa katunayan ay ito pa ang nagpapaalala sa tuwing lumalabas sila. Noong nag-aaral pa nga siya ay ito ang bumibili. Pero ayaw niyang masyado itong napapagod. Ilang oras na rin silang paikot-ikot sa loob ng bagong bukas na mall kaya't alam niyang napagod na ito. Iyon ang mismong dahilan kung bakit nais niyang hintayin na lamang siya sa paanan ng elevator. Total hindi naman nasasagi ng dumaraan. And besides, dalawang kanto lang ang pagitan. "Sige,