"Buhay pa kaya siya, Hon?" wala sa loob na tanong ni Princess Ann sa asawa. Kaso marahil ay hindi nito inaasahan ang pagtanong niya kaya't sinagot din niya ng tanong. "Ha? Sino ang tinutukoy mo, Hon?" balik-tanong nito. "Maaring karamihan sa inyo ay nakalimutan n'yo na siya. Pero bilang ina na nagsilang sa kaniya ay hinding-hindi ko siya makakalimutan. I'm referring to our last born child, Hon." Lumingon siya sa rito. Nakatanga pa rin ito habang nakatitig sa kaniya. Halatang nabigla sa tanong niya. Alam naman niyang hindi nito inaasahan na muli niyang alalahanin ang sampung araw nilang anak. Kung kailan pauwi na sila ng araw na iyon ay saka pa ito nawala. Hindi nga lang nila maunawaan kung paano ito nadukot sa loob mismo ng pagamutan samantalang mahigpit naman ang seguridad sa buong ho