IKA-LABING ANIM NA KABANATA

3009 Words

"Nana, nandito na po tayo sa lugar na hinahanap mo," wika ng lalaking naghatid sa kanila. "Salamat, Iho. Pasensiya ka na talaga. Walang-wala ako kahit isang kusing," tugon ni Aling Berta. "Okay lang po, Nana. Ito po ang bahay ni Mang Carlito. Sige po, maiwan ko na po kayo rito ng apo mo," sagot ng lalaki bago umalis. Hinintay nila itong nakaalis bago muling humarap sa bungalow house. Urong-sulong siya, hindi mawari kung tutuloy o hindi. "Lola, hindi po ba tayo kakatok?" Napatingin siya sa apo dahil sa paghila nito sa kamay niya. Dito siya natauhan, pero kung kailan nasa harapan na sila ng bahay ay saka naman siya nag-alangan kung kakatok ba o hindi. Hindi na bali sa kaniya pero naaawa na rin siya sa apo. Halatang gutom na gutom, idagdag pa ang mabangong aroma galing sa loob ng bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD