"Honey, nasaan si Brian Niel? Aba'y tumawag ang sekretarya doon, hinahanap ang anak natin." Sinalubong ni MaCon ang asawa na kapapanaog mula sa kuwarto nila a ikalawang palapag. "Ha? Hindi ba't kaninang umaga pa siya pumasok sa opisina? Aba'y saan siya nagpunta kung wala siya roon?" balik-tanong ni Clarence dahil buong akala niya ay nasa Mondragon Shipping Company ang anak nilang panganay. "Ikaw Hon, umayos ka nga. Tinatanong kita kaya't sagutin mo ako ng maayos huwag 'yong sagutin mo rin ng tanong. Ayon sa kalihim niya ay nagmadaling umalis pagpasok niya kaninang umaga. Aba'y baka naman may kalokohang ginagawa ang anak natin?" nag-aalalang wika ni MaCon. Hindi naman sa wala silang tiwala sa binata pero wala naman itong sinabi kung saan ito pupunta kaya't labis din silang nag-aalala. Sa