Two weeks later... "Saan ang lakad ninyo mga anak?" tanong ni MaCon sa dalawang dalaga o ang kambal nilang anak. "Maghahanap ng mapapangasawa, Mommy," pabirong tugon ni Cassandra kaso siniko ito ng kambal. "Ikaw, Twin Sister. Umayos ka nga. Aba'y mamaya niyan eh hindi na tayo papayagang aalis," anito. Malaya silang gumagalaw ng naaayon sa kagustuhan. Ang mahalaga lamang sa mga magulang ay magpaalam sila. Nasa tamang gulang na silang magkakapatid pero nakasubaybay pa rin ang mga ito. Iyon nga lang ay hindi mawala-wala sa sistema nila ang pagiging pasaway. "Alam ko namang hindi iyan gagawin ni Mommy. Matagal na silang umaasang may maipapakilala tayong mamanugangin. Kaya't halika na bago pa magbago ang isip niya." Abot hanggang taenga ang ngiti nito sabay hila palad niya. Kaso hindi pa