"Kailangan kong magpaganda ng mabuti dahil darating ang mahal ko. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula noong huli kaming nagkita. I miss you, Honey," parang kiti-kiti na hindi mapakaling sambit ni Silvia. Katatapos lang nilang nag-usap ng kasintahan na nasa Baguio. Ayun dito ay ito na ang papalit sa amang namamahala sa negosyo nila sa siyudad ng Manila. Pabor na pabor ito sa kaniya dahil mas madalas na ang pagkikita nila. "Where are you going, Hijaa? Gabi na ah," may pagtatakang tanong ng kaniyang ama. "Diyan lang sa mall, Daddy. Babalik din po ako agad, may bibilhin lang ako." Lumingon siya sa kinaroroonan ng ama. Nauunawaan naman niya kung bakit nito tinanong kung saan siya pupunta. Nag-aalala lamang ito sa kaniya. "Okay, Hija. But take care of yourself lalo at gabi na. Kung