Habang naglalakad ay panay ang bilang ni Vernice sa kanyang mga daliri bago tiningnan ang calendar mula sa kan’yang cellphone. Bigla siyang kinabahan ng maalala na katatapos lang ng tatlong linggo ay hanggang ngayon hindi pa rin siya dinadatnan ng kan’yang buwanang dalaw. Para makasigurado kung tama ang kanyang hinala ay bumili siya ng pregnancy test. Pagdating sa kanilang bahay ay kaagad niya itong ginamit at ganun na lang ang panlulumo niya ng makita ang dalawang pulang linya mula sa maliit na device. “Ang tanga mo Vernice! Bakit ko ba nakalimutan ang posibilidad na maaari akong mabuntis? Ano ng gagawin ko ngayon? Paano kung babae ang magiging anak ko? Ano na ang mangyayari sa aming mag-ina? Siguradong tuluyan na akong itatakwil ng aking angkan sa oras na malaman nila ang tungkol sa ip