“Three thirty na ng hapon at kasalukuyan kaming nakatambay sa tindahan ni aling Chona. Bakit ganun? Maingay naman ang buong paligid dahil sa mga tunog ng sasakyan at sigawan ng mga tao. Ngunit, bakit pakiramdam ko’y napakatahimik pa rin parang walang buhay ang maghapon ko. “Huh!” muli ko na namang narinig ang malalim na buntong hininga ni Josh kasalukuyan itong nakaupo sa aking tabi na tila wala sa kanyang sarili. Well, pareho lang kami dahil halos nagpa-paligsahan kaming dalawa sa pagpapakawala ng mabigat na buntong hininga habang nakatingin sa kawalan. Tulad ko ay may kinakaharap din siyang problema dahil iniwan na siya ng kanyang ka live in partner. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng trabaho habang ako naman ay namomroblema kung ano ang kailangan kong gawin para tuluyang mawala sa bu