NANAMI'S POV
Maaga akong nagising. Bumangon ako saka ako pumunta sa banyo. Nakakainis 'yong nangyare kahapon. Akala ko matapos pumunta ng office ang mga classmates ko ay titigilan na nila ako. Aba? Walang kadala-dala ang mga hayop? Hindi na ata nila akong kayang tantanan.
****************
Matapos kong kumain mag-isa sa canteen ay umakyat na ako para sa next subject. Siguro naman hindi na nila ako guguluhin dahil sa nangyare kanina. Nang makarating na ako sa room ay binuksan ko na 'yong pinto.
Pero 'di ko inaasahan ang bubungad sa 'kin.
“WAHAHAHAHA.” Tawanan nila.
Isang planganang puno ng harina ang bumuhos sa 'kin. May kasamang tubig kaya naman mukha na akong ewan ngayon. Napakuyom ako ng palad ko. Naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko. I need to calm myself, baka kung anong magawa ko.
“Masyado ka kasing epal. Bakit ba hindi ka nalang umalis sa paaralang ito? O kaya naman ba't hindi ka nalang MAMATAY?” sabi ng classmate ko.
Iyong mga luha kong masaganang pumapatak sa aking pisngi. Tumalikod ako sa kanila. Hindi talaga nila ako kayang bigyan ng katahimikan. Tumakbo ako papunta sa locker ko.
“Kira nasan ka na ba kasi.” Iyak kong sabi.
********************
I don't know what I'm gonna do para magustuhan naman nila ako. Matapos kong maligo. Eto na naman mag-isa na naman akong kakain dahil bukas pa ang uwi ni mommy. Si ate 'di ko alam kung kailan sya uuwi. I've missed her. Also oppa. Tsss. Nakakainis bakit kasi sa korea pa nag-aral ang mokong na 'yon?
“Miss Nanami. Magpapahatid po ba kayo?” tanong ni butler Aris.
I rolled my eyes on him. Wala akong balak magpahatid. Never and ever. Hindi ko alam bakit nya pa tinatanong kahit na alam nyang hindi naman talaga ako nagpapahatid.
“Sabing ayaw kong magpahatid 'di ba?” inis kong sabi.
Nag-bow sya sa 'kin saka umalis sa harap ko. Nawalan na naman akong ganang kumain. Nakakainis naman oh! Kinuha ko na ang bag ko saka umalis ng bahay. Wala naman akong gagawin tsaka wala din naman akong kasabay kumain kaya nakakawalang gana.
Naglalakad na ako sa gubat. 'Di ko alam kung bakit ganito ang tema ng bahay. Bakit kailangan tago? Pero maganda na rin 'yon dahil we need to hide our identity
“Kelan ka ba matututong ngumiti?” Napahinto ako sa pag-lalakad at napatingin sa babaeng nagsalita.
“K-kira?” banggit ko ng pangalan nya. Syems.
Na-miss ko 'tong babaitang 'to. She's Kira Takari Yamamoto. Isang half Japanese and half Pilipino.
“Miss me?” she said.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya saka ko sya dinamba ng yakap. Walang nagbago sa kanya. Chicky face like siopao. Red lips and soft white skin.
“So much!” Then she hug me back.
“Hasyt. Tara na, 'wag kang madrama. Hindi bagay sa 'yo,” sabi nito at naglakad na kami.
She know what my secret is. All about who I am. Kaya naman hindi nya ako kayang iwan. Syempre bestfriend ko 'yan e, and she never left me whatever happen.
“Nawala lang ako ng ilang araw na bully ka na naman.” Nakasimangot nyang sabi.
“Hasyt. Yaan mo na. Tsaka ayaw kong mag-aksaya ng laway o lakas sa kanila.” Nag-para na kami ng jeep.
“Bakit ba kasi ayaw mong mag-pahatid sa mga men in black?” Sumakay na kami.
Tungkol doon. Si mommy ang gusto akong ipahatid sa mga men in black namin to make me safe na nakarating sa school. But I don't like.
“Alam mo naman na ayaw kong may malaman sila tungkol sa 'kin. Dahil ang alam nila isa lang akong mahirap na babae,” sabi ko at saka nagbayad.
“Tsss. Bessy naman---” I pointed my first finger on her mouth.
“Zip your mouth. 'Wag kang ano d'yan.” Tumango nalang sya.
Naramdaman kong napabuntong hiniga sya. She's always protecting me from those people who want to hurt me. Actually kapag nand'yan sya ay walang nangbu-bully sa 'kin. Pero pagwala. D'yan sila titirada. Takot kasi sila kay Kira at ang alam nila ay sya ang may ari ng school ko.Nang makarating kami ng school agad nyang hinawakan ang kamay ko. Papasok sa gate naka tingin silang lahat.
“Nand'yan na naman 'yong bestfriend nyang amazona.”
Bulong ba ginagawa nila?
“Yea. Dapat sa babaeng 'yan pinapatahimik. Paniguradong na-sumbong na naman 'yan,” hindi ko talaga sila maintindihan.
“Don't mind them.” Napatingin ako sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya. I'm thankful because she's here. Walang manggugulo sa 'kin. Samin maybe it's just today. Baka wala na naman si Kira bukas o sa susunod na bukas. Nakakainis naman.
“I need to go to the office right now. I need to give a report to Mr. Adan.” Tumango ako sa kanya.
Umalis na sya. Maglalakad na sana ako ulit papunta sa room kaso may tatlong clown an humarang sa harap ko.
“Paniguradong nagsumbong ka na naman d'yan sa amazona mong best friend.” Mataray na sabi ni Timmy.
“Yea. And worst mali-mali ang sinumbong n'yan at may dagdag,” sawsaw naman ni Finny.
“Bakit ba hindi ka nalang mamatay?” Taas kilay na sabi ni Fiera.
Kinuyom ko ang palad ko saka ako pumikit at huminga ng malalim.
“Kalma Lyme. Kalma,” ani ko sa sarili ko saka ko dinilat ang mata ko at umayos ng tayo.
“Wala ako sa mood maki pagtalo sa mga katulad nyong clown.” Napatawa sila ng pagak.
“Sinong tinawag mong clown?” inis na sabi ni Fiera.
“Ikaw,” sagot ko naman at nainis sya kaya sinubukan nya akong sugurin.
“If you do to hit her. I swear I'll kill you.” Nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Kira.
“Kira,” tawag ko sabay lapit nito sa 'kin.
“Hmp!” Sabay alis ng tatlo.
“Daijoobu desu ka?” (Are you ok?) tanong nya.
“Hai,” (Yes) sagot ko.
“Honto?” (Really?) paninigurado nya at tumango ako.
“Hasyt! Tara na nga.” Sabay hila at pumasok na kami ng room.
Wala akong ibang ginawa kundi ang paglaruan ang ballphen ko. After an hour. Break time na.
“Baegopa.” (I'm hungry) Sabay himas sa t'yan nya.
“Tsss. Tara na sa canteen 'wag kang mag-reklamo d'yan.” Sabay hila sa kanya.
Gutumin talaga 'tong babaeng 'to. Tumatakbo kami papuntang canteen kaso may nabanga ako. Syete naman. Agad akong tumayo. Hindi ko naman ugaling mag-pakatanga para may mabangga pero hindi ko din akalain na meron palang pader--- este tao.
“Mianhaeyo.” (Sorry) sabi ko sabay yuko.
Nasabi ko bang half Korean and half Japanese ako? Hasyt. Sana sa Korea o sa Japan nalang kami tumira ng hindi ako nahihirapan. Si Kira ay nakapag-aral din ng Korean language.
“Shit.” Napatingin ako sa kanya. “YOU DON'T KNOW HOW TO LOOK AT YOUR WAY!!” sigaw nito sa 'kin na syang ikinagulat ko.
Maski si Kira ay hindi makapagsalita. We're both shocked. Pa'no ba naman. Ang nakabangga ko pala ay isang sikat, heartthrob at handsome. Umayos ako ng tayo. Saka ko sya hinarap. Ang kapal nyang sabihan akong s**t hindi naman ako mukhang tae ah!
“Sillyehobnida?” Taas kilay kong sabi at saka nagpamewang.
“Wala kang karapatang sabihan akong s**t! Sira ulo ka nag-sorry na nga, e!” bulyaw ko.
Nagulat si Kira sa inasta ko at nanlaki ang mata ng mga estudyante. I don't even care if he's one of the popular in this school. Kahit pa sikat sya. Pagmamay-ari ko kaya 'to! Kaya bawal ang siga. Ang kaso ako ang naaapi. Panibagong sabak na naman ako sa pangbu-bully nila. Hasyt.
“Tssss. And who you are to say that things to me?” Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
“Tama na 'yan, Lyme,” sabi ni Kira Sabay hila sa 'kin.
“We're not yet finish,” habol nitong sabi.
Talagang 'di pa tayo tapos Mr. YABANG!