CHAPTER 1: NEW MORNING

1121 Words
NANAMI'S POV   “Nanami.”   “Nanami.”   “Pakiusap.”   “Kailangan ka namin.”   “Bumalik kana.”   “Pakiusap.”   “MAMAMATAY KA!!!”   **************   Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Shocks. Another bad dream again. Napahilamos ako ng mukha ko dahil sa sikat ng araw. Isang panibagong umaga na naman. Paniguradong pagkakaguluhan na naman nila ako sa school.   Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Gagawin ko na ang morning ritwals ko para makapasok na ako ng makapag-review ako ng kaunti. Hindi ako naka-review kagabi dahil sa pesteng lakas ng ulan. Kasabay pa no'n ang kulog at kidlat kaya mas pinili kong magtalukbong kesa mag-review.   After a few minute. Bumaba na ako. Binati ako ng mga maids and butlers. Ewan ko ba sa laki ng mansion na 'to ako lang ata ang tao. Pagbaba ko deretsyo sa hapag. And the asuswal ako na naman mag-isa ang kakain.   “May sulat po ang mommy mo, Miss Nanami.” Binigay ni butler Aris ang sulat.   Binuklat ko iyon saka ko binasa.   “Sorry my dear. 'Di ako makakasabay sa 'yo ng breakfast. May meeting kasi kami ngayon at flight ko mamayang 10 kailangan kong magmadali dahil baka ma-late ako. Always remember that I love you. Eat well baby mwua.”   Bakit ba ganito nalang lagi? Nilukot ko ang papel. Ang daming nakahain sa lamesa tapos ako lang mag-isa ang kakain? Kung nandito lang sana si unnie paniguradong ang saya nitong bahay. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.   “Kuya Aris hindi po ako magpapahatid. Kaya ko pong maglakad mag-isa,” sabi ko sa butler ko.   Sya si kuya Aris. He's 40 years old. Sa tagal na nya na naglilikod kay mommy. Para ko na syang tatay. He always do what I want. Sa kanya ko iniiyak ang mga hinanakit ko. Sya ang nagsisilbing kaibigan ko. Wala, e. Sino ba naman ang makikipagkaibigan sa tulad ko?   “Yes po, Miss Nanami.” Yumuko ito at saka ako hinatid hanggang gate.   Ay wait. Nakalimutan ko. Si Kira. Si Kira ang nag-iisa kong bestfriend. Ang kaso wala sya dito. Nasa Japan sya kaya naman lonely ako. Tsss. Kaya si kuya Aris nalang ang sinasabihan ko ng problema.   Nang makalabas ako ng mansion ay agad akong tumingin sa paligid. Baka mamaya may nakakita sa 'kin na isa sa mga classmates ko. They didn't know that I'm rich. Dahil ayaw kong maging popular sa school. Ayaw ko din maging sikat. Ayaw kong kaibiganin nila ako dahil sa mayaman ako. Ayaw kong tinitingala nila ako.   Nang makasigurado akong walang nakakita sa 'kin ay agad akong tumakbo. Medyo malayo ang sakayan dito dahil sa laki ng mansion ang hirap lumabas at gubat pa ang dadaanan mo bago ka makalabas sa kalsada.   “New morning,” banggit ko sa sarili ko.   I open my palm. Saka lumabas dito ang isang bola. Kulay puti ito na may dots. Nilalaro ko ito habang naglalakad dahil paghinagis ko iyon ay kusang bumabalik.   I have a secret. Pero hindi ko maaring sabihin sa kahit na sino. Pero alam nila mommy pati narin ang mga tao sa bahay kaya naman wala na sa kanila ang makakita ng mga magic. Pati kasi sila mommy meron. I don't know how. Pero, sana malaman ko rin bandang huli. Ang mga classmates ko. They didn't know. Oh, let me introduce my self first. My name is Nanami Lyme Deondole.   After a thousand years. Nakalabas na ako ng gubat. Ngayon ay kailangan kong sumakay ng jeep. Nagpara na ako saka sumakay. Patago kasi ang mansion namin kaya walang sino 'man ang nakakaalam. Walang sino 'man ang nakakaalam sa bahay namin. Walang sino man ang nakakapunta.   “Bayad po. Vilalia University.” Saka ko inabot ang bayad.   Then after minute here I am. Infront of my school. Pagmamay-ari ng mga DIONDOLE. Ang pagmamay-ari ko. Pumasok na ako sa loob. Pero kailangan kong maging handa. Tumingin ako sa paligid. Walang nakaabang na mga estudyante.   “Nakakapagtaka naman?” sambit ko sa sarili ko.   Binale wala ko nalang. Saka ako lumakad papuntang room. Naka wig ako kaya naman hindi nila malalaman na white ang hair ko. No'ng kinukayan ko ang buhok ko para maging itim walang nangyare dahil bigla itong nagliwanag at bumalik sa dati. Kaya naman mas pinili kong mag wig nalang. Naka contact din ako kasi kulay ash ang mga mata ko. Huminto ako sa pinto ng classroom. Tinignan ko ito.   “Kaya mo 'yan, Nanami,” sambit ko sa sarili ko.   Pero nanatili lang akong nakatayo. Walang ginawang kilos. Maghihintay ako hanggang sa pagdating ng prof namin. Ayaw ko kasing madumihan ngayong araw at wala ako sa mood makipag-away sa kanila.   “Miss Nanami? Why are you still there?” takang tanong ni ma'am Kaila.   Ngumiti ako sa kanya saka ko inayos ang bag ko. “Hinintay ko po talaga kayo ma'am.” Ngumiti sya sa 'kin.   “Hmmm. Gano'n ba? Oh, sya pasok na.” Papaunahin na nya sana ako.   "Prof. First," I said.   Walang ano-ano'y binuksan nya ang pinto. Agad ko syang tinulak papasok sa loob dahil sa nakaabang na pintura sa itaas ng pinto. Buti nalang at hindi ako nabahidan dahil agad din naman akong tumabi ng maitulak ko papasok si ma'am Kaila.   “Woooow.” They all gasped dahil sa nangyare. Yari kayo ngayon.   “GGGGRRRRR. ALL OF YOU. GO TO THE OFFICE NOW!!!” Galit na sigaw ni ma'am Kaila.   Agad akong pumasok sa loob at inalalayan syang tumayo. “Sorry po ma'am. Naitulak ko po kayo,” paghihingi ko ng paumanhin.   “Ayos lang. Salamat. Pa'no mo nalaman na meron no'n doon?” takang tanong nya.   “They always do that to me,” bulong ko.   “Huh?” Umayos ako ng tayo at umiling.   “Hindi ko po alam ma'am. Basta nakita ko nalang po ng binuksan nyo na po 'yong door,” sabi ko nalang.   “Ok, Ok. Kailangan ko munang pumuntang office.” Tumango ako at nag bow.   Hasyt. Sayang walang klase ngayon si ma'am Kaila. Lumabas na ako ng clasroom saka ako bumaba. Pupunta nalang ako sa canteen. Naglakad na ako papunta sa canteen. Sana lang walang masamang mangyare ngayong araw na 'to.   “Hasyt.” Bumuntong hininga ako saka pinagpatuloy ang paglalakad.   Nang makarating akong canteen agad akong bumili ng pagkain. Dahil hindi ako nag-agahan kanina ay lalamon muna ako ngayon.   “Isang spagetty, limang hot cake, isang fruit soda, isang tubig, at saka isang order ng kanin at isang order ng pakbet.” Napakunot ang noo no'ng tindera. "Magkano po lahat?" tanong ko ng nakangiti.   “88 po,” sagot naman nito sabay abot ko ng bayad ko.   Nang nakuha ko na ang pagkain ko agad ko itong nilantakan. Grabe nagutom ako.                                                                                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD