Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 19: Si Neptune at ang kasal Marahang bumukas ang pinto ng templo at doon ay nakita ko ang isang mahabang bulwagan na aking lalakarin upang makarating sa altar kung saan nandoon si Malik. Kabado ako ngunit pinilit kong iwaksi ang mga negatibong bagay na gumugulo sa aking isipan. Maigi kong pinag masdan ang paligid at doon ay patuloy pa rin sa pag palakpak ang lahat kasama na rito ang lahat ng mga matatandang taga payo na nasa loob ng templo. "Master Miguel, narito po ang lumang kasulatan na iyong babasahin mamaya, dalhin mo ito patungo sa altar." ang bulong ni Esmael sabay lahad ng isang binilit na lumang papel sa aking kamay na animo diploma. Nasa ganoong pag tayo ako noong huminga ako ng malalim at marahang inihakbang a