Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 18: Ang Pag iisang dibdib Matapos paipahayag sa buong kaharian ang nanalapit na kasal ni Prinsipe Malik, kumalat na ito sa buong Apresia kaya naman ang lahat ay diwang dahil ang pakikipag isang dib dib ng haligi ay mag bibigay ng bagong biyaya para sa mga naninirahan sa mundong ito. "Ano naman biyaya iyon? At bakit ganoon na lamang ang kasabikan ng lahat?" tanong ko sa taga payong si Esmael habang sinusuri nito ang aking sugat sa likuran. "Ah, maraming bibiya ang nag hihintay sa mundo ito pag kayo ay ikinasal na ni Prinsipe Malik. Una na rito ang tinatawag na biyaya ng karagatan dahil dalawa kayong magiging haligi ng Apresia. Ang ikalawa naman ay mas lalo pang lalakas ang kapanyarihang taglay ng kabibe dahil magiging isa ang dalawang pira