Part 2: Ang Lumang Kahon

2567 Words
Ang Alamat Ni Prinsipe Malik AiTenshi                         Part 2: Ang Lumang Kahon   Isang malakas na kalmot ang iginawad ng kung anong bagay sa aking leeg dahilan upang matuklap ang balat dito. Muli nya akong hinila papasok sa larawan na noon ay nag sisimulang mabuhay. Malakas ito at tila wala akong kalaban laban hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sarili na inilulubog ng kagaratan sa kanyang pinaka ilalim. Ramdam na ramdam ko ang lamig dulot ng pag hampas ng tubig sa aking katawan. Napapatid na rin aking pag hinga at batid kong ano mang oras ay ikamamatay ko na ito. Nasa ganoong pag lubog ako ng bigla na lamang may kung anong bagay ang lumingkis sa aking katawan. Isang malaking buntot ito na parang ganoon sa dragon. Pahigpit ng pahigpit ang kanyang ginagawang pag sakal sa akin katawan hanggang sa maramdaman kong nahahati ang aking kalamnan. "Wagggg!!! Tamaaa naaaa! Saklolo!!!" ang malakas kong sigaw sabay balikwas ng bangon sa aking higaan.   Isang panaginip lang pala ang lahat..   Agad kong hinipo ang aking leeg at tiningnan kung may sugat nga ito. Bumalikwas din ako ng bangon upang icheck ang larawan na aking ginawa at doon nga nakita kong normal naman ang lahat. Isang nakaka kilabot na bangungot ang nangyari sa akin at ang akala ko ay totoo na ang lahat. Ramdam na ramdam ko ang lamig at pag hampas ng tubig dagat sa aking buong katawan, pati na rin ang hapdi ng aking leeg noong malagyan ito ng tubig alat.   tahimik sa loob ng aking silid..   Tanging kamay lamang ng orasan ang iyong maririnig..   Alas 3 na pala ng umaga at hindi na ako nagawa pang dalawin ng matinding antok kaya naman noong mga sandaling iyon ay nakahiga lamang ako ngunit dilat naman na parang isang kwago ang aking mga mata. Ang pakiwari ko ay nalulunod pa rin ako sa gitna ng karagatan at dama ko pa ring ang matinding pag habol sa aking hininga. Marahil ay nasosobrahan na ako tungkol sa pag sasaliksik ko sa alamat ni Malik kaya’t pati sa aking panaginip ay sumasama ito.  Halos ilang oras din akong dilat hanggang sa muling sumikat ang bagong araw at kasabay noon ang pag gayak ko patungo sa paaralan. Mukha akong sabog at naka high dahil sa laki ng aking eyebag, ramdam ko rin ang kaunting pag kahilo habang tinatahak ko ang daan papasok ng gate ng aming campus.   "Yuzon! Ano ba ang nangyayari sayo? Bumabagal ka yata sa pag langoy?!" ang sigaw ng aming coach habang hawak ng mahigpit ang kanyang stop watch. "Im sorry coach, nahihilo lamang ako." wika ko naman habang umaahon sa tubig. "Ayos naman ang mga combination ng strokes mo, nag kataon lamang na bumagal ka ng ilang segundo ngayon. Sige mag pahinga ka muna." sabi nito sabay hagis ng twalya sa akin kaya naman agad akong nag punas ng aking sarili at doon ay naupo habang pinag mamasdan ang iba pang member ng swimming team na nag eensayo.   "Pesteng Malik yan! Naapektuhan tuloy ang performance ko." pag mamaktol ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking katawan sa loob ng shower area. "Nakakahiya namang isipin na masyado kong dinadamdam ang tungkol sa kanya at parang hindi ito bagay sa laki ng aking katawan." bulong ko pa sa aking sarili habang pinag mamasdan ang aking hubot hubad na katawan sa whole body mirror. Kung tutuusin ay maganda na ang katawang ito, malaman at hindi puro taba. Ang aking braso ay bilugan at ang aking balat naman ay maputi at makinis. Binibiro nga ako ng aking mga kaklase na "mas makinis pa raw ako kaysa sa babae."   "Pare laki nyang kabute mo ah." ang biro ng aking kateam sabay hampas ng tuwalya sa aking matambok na pwet. Ang tinutukoy niyang kabute ay ang aking ari na namumula at nag sisimula nang magalit kaya naman agad ko itong tinakpan ng damit. "Tado!! Nabakla ka na naman!" tugon ko sabay balibag sa basang damit sa kanyang mukha.   "Tangna pare, kinis mo. Para kang babae. Kung wala iyang lawit na may buhok sa harapan mo, malamang napagkamalan na kita babaeng maskulado." ang biro pa ng mga ito. "Mga uto! Hindi ako kumakain ng ka uri!" sagot ko naman at ihinagis ko muli sa kanya ang aking basang swimming trunks at saka nag madali akong mag bihis.   Tawanan..   At dahil nga masama ang aking pakiramdam ay hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking pinaka huling subject kaya naman nag pasya akong umuwi na lang muna. Sakay ng taxi ay tinahak ko ang daan pabalik ng aming subdivision, tila nag hahalo na ang sakit ng aking ulo at ang pag kainis dahil sa hindi magandang performance ko kanina sa ensayo ng swimming team. At makalipas nga ang ilang minuto ay nakarating na ako sa aming bahay. Agad kong hinanap si mama at papa ngunit wala daw ito dahil may inasikaso sa bayan kaya naman umakyat na lamang ako sa kwarto upang mag pahinga.   Pag pasok sa loob, agad kong nakita ang larawan ni Malik na aking igihunin sa isang illustration board. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip para kunin ito at itapon sa basurahan sa tabi ng aking cabinet. May sa maligno yata ang guhit na ito dahil hanggang panaginip ay sinusundan ako. Habang nasa ganoong pag tatapon ako napatingin sa loob ng aking cabinet at doon ay nakita ko ang lumang kahon na nakuha ko bagaheng dala ni papa.  Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan upang kuhanin ito at suriin kung ano ang nasa loob. Ang kahon ay parang paliit na treasure chest na gawa sa baka at may desenyo ito na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan lupalop ba ito napulot ni papa ngunit batid kong isa ito sa mga lumang kagamitan sa barko na aksidenteng naisama nya sa mga pasulubong na dala.   Habang pinag mamasdan ko ang itsura ng kahon, bahagya ko itong inalog-alog ngunit wala naman akong marinig na kahit ano kaya naman inilapag ko ito sa aking study table upang suriing mabuti. Dito na pumasok ang ideya na buksan ito upang malaman ko kung ano ang nasa loob kaya naman agad akong kumuha ng screw driver upang sundutin ang susian sa lock nito. Buting-ting dito at kalikot doon ang aking ginawa ngunit bigo akong mabuksan ito. Sinubukan ko ring sirain ang kahon ngunit wala talaga dahil gawa ito sa isang makapal na bagay.   Walang nangyari sa effort kong buksan ito, nag karoon lamang ng tadtad na kalawang ang aking kamay kaya naman wala na akong nagawa kundi ibalik ito sa loob ng aking cabinet at sukuan ang tangkang pag bubukas ng naturang kahon. Muli na lamang akong nahiga sa aking kama at doon ay nag pahinga.   Tahimik nanaman ang paligid..   Lumalim ang pag tulog at pakiramdam ko ay hinihila ako ng kung bagay sa aking panaginip hanggang sa matagpuan ko na lamang ang aking sarili na lumulubog sa gitna kagaratan habang pilit na itinataas ang aking kamay sa para sa ano mang tulong na maaaring dumating para sa akin..   Ramdam ko pa rin ang malamig na tubig na damadampi sa aking katawan. Wala akong ingay na marinig kundi ang lagaslas ng tubig sa aking paligid.  Tila naulit nanaman ang aking panaginip kagabi at sa pag kakataong ito ay tila wala akong kalaban laban, wala rin akong lakas. Basta lumulubog na lamang aking katawan pababa sa ilalim ng karagatan hanggang sa wala na akong makitang liwanag. Alam ko sa aking sarili na marunong akong lumangoy ngunit tila tinatamad ang aking katawan na kumilos kaya naman halos mapatid na aking hininga habang nasa ganoong pag kakalubog..   Ilang minuto na rin akong nasa ganoong kalagayan at alam kong nasa pinaka ilalim na ako ng karagatan. Iba na ang lamig na nag mumula dito dahil parang may yelo na ito. Patuloy pa rin ako sa pag lubog sa kailaliman hanggang sa may makita akong isang nag liliwanag na bagay. Isang higanteng bula ito o parang bola na mayroong kung ano sa loob kaya naman maigi ko itong pinag masdan.   Palipit ako ng palapit hanggang malinaw ko nang nakikita kong ano ito. "Isang sibilisasyon sa loob ng isang higanteng bula." sigaw ko sa aking sarili. Maliwanag ito at kakaiba ang itsura. "Pupunta ako doon upang mang hingi ng tulong! Tulungan nyo ako!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang inaabot ng aking kamay ang liwanag na nag mumula sa higanteng bula. Nasa ganoong pag abot ako ng muli nanaman inagos ang aking katawan at sa pag kakataong ito ay paatras naman pabalik sa pinaka ibabaw ng karagatan. Mabilis ang pag hila sa akin palayo hanggang sa hindi ko na nakita pa ang sibilisasyon sa loob ng nag liliwanag na bagay na iyon.   tahimik ulit..   Muli akong bumalikwas ng bangon sa aking higaan at katulad ng dati ay ramdam ko na naman ang pagod at hingal. Hinahabol ko ang aking pag hinga at mabilis din ang t***k ng aking puso. Pakiramdam ko ay basa pa rin ng tubig ang aking buong katawan bagamat tuyo naman ang aking mga damit na suot. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa aking sarili kung ano ba ang nangyayari at napapadalas ang pananaginip ko ng mga bagay na may kinalaman sa karagatan. Ngunit sa lahat ng ito, hindi ko pa rin maiwaglit sa aking isipan ang magandang sibilisasyon na aking nakita sa pinaka ilalim na parte ng kagatan bagamat alam kong likha lamang ito ng aking malikot na pag iisip ay hindi ko pa rin makalimutan ang kakaibang itsura nito.   Halos ilang oras din akong nag mumuni muni sa aking silid hanggang sa maisipan kong kuhanin ang lumang kahon sa aking cabinet at ibalik ito kay papa. Wala rin namang kwenta dahil hindi ko mabuksan ito. "Papa, nga pala mayroon akong nakitang kahon doon sa bagahe ng mag pasalubong mo noong nakaraang gabi. Aksidente ko itong naisama sa aking mga gamit, hindi ko naman ito mabuksan kaya’t isang malaking palaisipan sa akin kung ano ang laman nito." wika ko kay papa habang inaabot ang kahon. Sinabi ko na lamang na nasama ito ito sa aking mga gamit bagamat ang totoo nun ay kinuha ko talaga ito. "Ganoon ba? Ang totoo nun ay hindi ko rin alam kung ano ba ito. Matagal tagal na panahon na rin kasi ang nakalilipas mag buhat noong ibigay sa akin ito ng isang kaibigan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito mabuksan. Ang alam ko ay iniwan ko ito sa akin cabin doon sa barko ngunit hindi ko napansin na naisama ko pala ito rito." tugon naman ni papa habang binabalik ang naturang kahon sa loob ng kanyang bagahe. "Ang totoo nun ay sinubukan ko po itong buksan ngunit kahit anong pilit ang aking gawin ay wala talaga." sabi ko naman habang tinutulungan siya sa pag sasalansan ng kanyang mga gamit.   Hanggang ngayon ay isang malaking pala isipan pa rin sa akin ang lamang ng kakaibang kahon na iyon. Inalog ko ito ngunit wala namang tunog, naka lock ngunit sadyang matibay ang pag kakagawa kaya bigo rin ako na mabuksan ito. Edi ayun nga, nag pasya nalang ako na kalimutan nalang ang lahat. Wala akong nakitang kahon at hindi ko ito pinag tangkaang bukas.   Makalipas ang ilang araw, muling bumalik sa normal ang takbo ng aking buhay. Hindi na rin ako nanaginip ng mga kung ano anong bagay na may kinalaman sa karagatan o sa tubig. Maayos na ulit ang aking performance sa swimming team at higit sa lahat ay halos nabubura ko na ang pangalan ni Malik sa aking sisipan. "Very Good Mr. Yuzon!Alam mo kung palaging ganyan ang performance mo. Malamang hindi na sa atin makakawala ang gintong medalya sa college olympics!" wika ng aking coach habang inaabot nya ang aking kamay paakyat mula sa pool.   "Salamat coach. Alam ko naman sa aking sarili na kayang kong higitan ang aking record noon, nag kataon lamang na wala ako sa kondisyon noong mga nakakalipas na araw." tugon ko naman habang nag pupunas ng aking katawan.   "Well, anyway sana ay mag tuloy tuloy na ang good condition mo. Iwasan mo ang mga bagay na makapag papa stress sa iyo upang mas maging magaan ang pakiramdam mo. Iyon lang muna sa ngayon, maaari na kana umuwi at mag pahinga."   Matapos ang halos isang oras na ensayo ko sa swimming team, agad akong sumakay ng taxi pauwi sa aming bahay. Tahimik sa loob ng sasakyan at mellow music lamang ang iyong maririnig kaya naman napaka sarap nitong pakinggan at talaga namang nakakarelax ng pakiramdam. Habang nasa ganoong pakikinig ako, bigla na lamang akong may nakapa sa loob ng aking bag na isang matigas na bagay at noong tiningnan ko ito, laki gulat ko ng makita doon ang lumang kahon na isinauli ko kay papa. Nakalagay ito sa loob ng aking knapsack kasama ng aking mga gamit.  "Aba’t paanong napunta ito rito?!" tanong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang makalawang na kahon.   "Boss, nandito na tayo. Ayos ka lang ba?" tanong ng taxi driver noong makita akong nakatulala. "Ah oo, salamat." gulat kong sagot sabay abot ng bayad at bumaba ako palabas ng kanyang sasakyan. Pag pasok ko pa lamang sa gate ay agad kong hinahanap si mama at papa upang itanong kung inilagay ba nila ang kahon sa aking knapsack ngunit hindi naman daw nila ito ginawa. Ang inisip tuloy ni papa ay pinag titripan ko lamang siya.   Noong hapon din iyon, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa tulay kung saan naroroon ang pinaka maluwang na ilog dito aming lugar. Naka upo ako sa gilid nito habang katabi ang lumang kahon at tinitignan ko ito habang itinatanong sa aking sarili kung paano napunta ito sa loob ng aking knapsack. "Eh kung itapon kaya kita dito sa ilalim ng tubig. Siguro naman hindi naka makaka ahon pa. Sa bigat mong iyan sigurong hindi kana makaka sunod pa sa akin." ang bulong ko at hinawakan ko ang kalawanging kahon sabay tapon sa pinaka mamalim na parte ng tubig. Wala akong paki alam kung magalit sa akin si papa. Ang sasabihin ko na lamang ay naiwaglit ko ito at hindi ko na makita pa. Isa pa ay ayoko sa mga bagay na nag bibigay ng ibayong stress sa aking pag iisip.   Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano ito inilubog ng tubig ilog sa pinaka malalim nitong parte. Noong makasiguradong wala na ito, agad akong tumayo upang umuwi sa aming bahay. Siguro naman ngayon ay hindi na ito mag lalakad, lilipad o mag teteleport sa loob ng aking bag.   Alas 7 ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Siyempre hindi ko sinabi kila mama kung saan ako nag punta at hndi ko rin binanggit ang tungkol sa kahon. Hahayaan ko na lang na kusa nila itong hanapin saka ko ipapaliwanag na naiwaglit ko ito kung saan. "Miguel, saan ka ba nag punta? Kumain kana ng hapunan. Ginagabi ka yata ng uwi?" tanong ni mama habang paakyat ako ng hagdan.   "Ma, nag lakad lakad lang ako sa labas ng subdivision. Mamaya na ako kakain." sagot ko naman sabay bukas ng pinto ng aking silid. Pag pasok ko sa loob nito ay kinapa ko agad ang switch ng ilaw at noong mag liwanag na ang buong silid, bumulaga sa aking paningin ang lumang kahon na naka patong sa aking study table. "Puta! Ano nanaman to?! Hindi na magandang biro! May sa demonyo yata ang kahong ito!!" sigaw ko sa aking sarili at doon ay kusang umangat ang takip ng naturang kahon, tila inaanyayahan akong silipin kung ano ang nasa kanyang loob.   itutuloy..        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD