Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 14: Ang Taga pagmana ni Neptune Natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa pampang ng karagatan habang dinidilaan ng isang usa sa aking sugatang mukha. Pinilit kong bumangon ngunit wala akong lakas kaya naman halos humilahod na aking mukha sa pinong buhangin ng dagat. "Tulungan niyo ko!" ang sigaw ko sa aking isip habang naka sadsad ang katawan sa lupa. Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa may dumating na isang lalaki at agad na ipinasan nito ang aking katawan papasok sa kagubatan. Ginamot ng lalaking iyon ang aking mga sugat sa katawan gamit ang mga lumot na kinuha nya sa ilalim ng dagat. Ang iba namang inilagay niya sa aking katawan ay mag halamang gamot sa galing sa kagubatan. "Huwag ka munang gumalaw dahil maga pa