Chapter 5

1966 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------------   “Shittttt! Bakit ba ako nagkakaganito!” Sigaw ko sa sarili sa hindi maipaliwanag na matinding lungkot at pagseselos. Ewan ko ba, hindi ko talaga lubos na maintindihan ang nararamdaman. Nalilito, nagagalit, naaawa sa sarili… maraming katanungan ang bumabagabag sa isip, “Bakit ako nalulungkot na hindi ko nakasama sa pagtulog si Kuya Rom? Bakit ako nagsiselos na kasama niya ang girlfriend niya? Bakit ko siya hinahanap-hanap? Bakit hindi siya mawaglit sa isip ko sa mga sandaling iyon?” Itinakip ko na lang ang kumot sa buo kong katawan upang hindi mahalata ng mga kasamahan ang aking pag-iyak. “Hoy, Jason! Anong ginagawa mo d’yan!” Nagulat na lang ako noong may tumampal sa may bandang tiyan ko. Dali-daling ipinahid ko ang kumot sa mga luha ko at nagkunyaring nagising sa pambubulabog na iyon. “Arrggggh! Natutulog ang tao eh!” ang pagmamaktol ko sabay hawi sa kumot na nakatakip sa aking ulo. “Ano ba???” dugtong ko pa. Nang tiningnan ko kung sino, si Paul Jake pala; nakaupo sa tabi ko at binitiwan ang isang ngiting nakakaloko. Si Paul Jake ay kasama namin sa team. Isa rin siya sa pinakamagaling na spiker na hinahangaan ko sa team. Syempre matangkad sa height niyang 5’11’’. In fairness, guwapo rin si Paul Jake. Bagamat medyo maitim ang balat ngunit makinis naman, lalo na ang mukha. Makapal at kulot ang buhok, may moustache pero inaahit, matangos ang ilong at ang mga mata ay mistulang nangungusap kapag tinitingnan ka. Malakas din ang kanyang appeal. Iyon bang lalaking-lalaki kung maglakad, pumorma, magsalita, kumilos. Sa boses pa lang ay masasabi mong confident na confident sya sa sarili. Barako, astig. At dahil ako nga ang bunso at pinakamaliit sa team “Kuya” rin ang tawag ko sa kanya. “Natutulog ka? E, wala pang alas-otso ng gabi? Bangag ka no?” ang biro niya. “Bangag ka d’yan! Napagod ako sa laro natin!” Ang padabog ko pa rin. Nainis pa rin kasi ako sa pang-iistorbo niya. Nag-eemote pa naman ako. Pinutol ba naman. “Owwwwsss?” ang sagot naman niya, hindi naniniwala sa sinabi ko. “Oo nga… Alis na, matutulog na ako!” Ngunit hindi siya umalis. Bagkus may pakanta-kanta pa ito. “May alam ako, ngunit di ko sasabihin…” Habang pilyong nakangiti at ang hintuturong daliri ay inilagay sa kanyang labi, pagmuwuestrang hindi nga niya sasabihin ang alam niyang sikreto. “Ahhh! Alis na d’yan kuya...” Pagdadabog ko na parang batang nagmamaktol. “H’wag ka na malungkot bunso. Kahit wala ang Kuya Rom mo, may Kuya Paul Jake ka naman. Lika, sama ka sa amin.” “Ha? Saan?” ang gulat kong tanong. “Huling gabi na natin dito ngayon, di ba? Nagpaalam kami kay coach na gumala. Unang beses pa lang nating makarating sa lugar na ito kaya i-enjoy natin ang opportunity” Ang pagpapaliwanag niya. “Tara na, tayo ka na d’yan!” “Tinatamad ako, Kuya…” Ang pag-alibi ko naman. “Uyyy… alam kong hindi ka tinatamad. Tara, sama ka. H’wag kang magmukmok at huwag na huwag kang malungkot. Alam ko kung bakit ka nalungkot. Alam ko ang tunay na dahilan. OK lang iyan. Mag enjoy ka, nandito naman ako, e.” Medyo naintriga naman ako sa narinig na alam niya kung bakit ako nalulungkot. Feeling ko, naintindihan niya ang naramdaman ko. kaya sumama na lang ako. Nag-bar kami. Syempre, di nawawala ang beer at babae. Ako naman, feeling bahala na. Kung ano ang kahinatnan sa lakad naming iyon, que sera, sera kumbaga. Ramdam ko ang saya at sobrang enjoyment ng grupo sa paglabas naming iyon. Ang lakas ng tawanan, ng kantyawan. Sobrang ingay. Ako naman, tahimik lang sa isang sulok, sa tabi ni Kuya Paul Jake. Kahit papaano, natuwa rin ako dahil sobrang thoughtful ni Kuya Jake at hindi ako iniiwan. Maya-maya, noong medyo nalalasing na, isa-isang nagkawalaan ang mga kasama namin, may kanya-kanyang dalang babae. Syempre, mga dayo kami roon at ang mga kateammates ko ay mga matatangkad at karamihan ay may hitsura rin. Dagdagan pa na alam nilang mga players. Kaya kinikilig din ang mga babaeng tagaroon. “Kuya, baka gusto mo ring maghanap ng makapartner mo, OK lang ako rito…” ang mungkahi ko. “Bakit ikaw, ayaw mo? Hayun, may isang babaeng tingin nang tingin sa iyo, o?” ang sabi ni Kuya habang iniungos sa akin ang babae. “A-ayaw ko Kuya. Solved na ako sa pag-inom.” Ang matamlay kong sagot. “Baka ikaw, hayun o, iyong babae na iyon, tingin din nang tingin sa iyo, ang ganda pa naman, mahaba pa ang buhok, matangkad din. Baka type mo rin siya.” “Huwag na… Kung ayaw mo, ayaw ko na rin. Ang babae, madali lang yan. Ang kaibigan, kapag nagtampo, mahirap suyuin” sabay kindat naman sa akin. Napangiti na lang ako. Touched ba. “Ang sweet din pala ni Kuya Paul Jake!” ang bulong ko sa sarili. “Ako kaya ang nagdala sa iyo rito kaya di kita puwedeng iiwanan.” Ang dugtong pa niya. Kaya nanatili na lang kami sa bar. Kuwentuhan, inuman. At noong maramdaman kong nalasing na ako, nawala na rin ang hiya kong magtanong. “Kuya, bakit mo pala nasabi kanina na may alam ka ngunit di mo sasabihin? Anong ibig sabihin mo noon?” Napangiti naman siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na tinablan na rin siya ng kalasingan. “A… Wala iyon, biro ko lang sa iyo.” “Di ako naniniwala. May laman iyong kanta mong iyon eh.” Ang pangungulit ko pa. Bahagyang nahinto siya at tiningnan ako. “Promise... hindi ka magagalit?” “Promise! Ano nga ba iyon?” “Alam kong may ginawa kayong dalawa ni Romwel noong unang gabi natin dito, sa ilalim ng inyong kumot” at binitiwan ang nakakalokong ngiti. Pakiwari ko naman ay binuhusan ako ng malamig na tubig at biglang nawala ang kalasingan. “Wala ah! At kung mayroon man, ano naman iyon, aber?” “Hahaha! Kailangan pa bang i-memorize yan?” Biro niya. “Hindi pa kaya ako tulog nang gabing iyon. At noong pinagmasdan ko ang kumot ninyo, gumagalaw ito at naririnig ko ang mga pigil ninyong ungol” Hindi ako nakasagot. Parang hindi ako makakilos o makapagsalita sa sobrang hiya. “Pero naintindihan ko iyon, don’t worry. Hindi naman ako tsismoso, at wala akong pakialam sa ginagawa ng tao, kung saan ka o kayo maligaya, buhay ninyo iyan e. Minsan sa mga lalaki, nangyayari ang ganyang parang laro lang at parte ng pag-eeksperimento. Pero, huwag na huwag kang padadala kung sakaling may emosyon na papasok sa puso mo at huwag hayaang darating ka sa puntong ang pakiramdam mo ay naaalipin ka na…” pag explain niya. “Kasi, kapag feeling mo ay hinahanap-hanap mo na iyan, iba na yan, tol… Mahirap iyan.” dugtong niya. “Anong ibig mong sabihin?” “Lalaki ka. Lalaki rin si Romwel. Babae ang hinahanap noon. At ang pangarap noon ay ang magkaroon ng pamilya, ng mga supling. At sigurado ako, ganoon din ang pangarap mo, di ba?” “O-oo naman.” Ang sagot ko. “Kaya huwag mong payagan na magkakaroon ka ng ‘emotional attachment’ sa kanya.” “Anong ibig mong sabihin?” “Iyon bang papasok na ang emosyon kung saan ay nasasaktan ka kapag hindi mo siya nakikita, magsiselos ka kapag may iba siyang mahal o kasama, magalit o maawa sa sarili dahil sa kanya, hahanap-hanapin ang mga ginagawa ninyong dalawa… ‘Yang mga ganyan. Dahil kapag darating ka sa puntong ganyan, ang ibig sabihin niyan ay... you have fallen into the trap.” “G-ganon ba Kuya?” “Oo. Kaya i-trato mo na lang ang nangyari na parang naglalaro lang kayo ng volleyball. May excitement, may saya, may pagod, may tawanan, may bonding, may sarap... Iyan lang. Pagkatapos niyan, wala na, tuloy ang buhay, ang mga targets, ang mga pangarap, ang mga priorities…” “Tama si Kuya Paul Jake” ang sabi ko sa sarili. At pakiramdam ko ay nahimasmasan naman ako sa sinabi niya. Lalo akong bumilib sa talino niya. Ang sarap niyang maka-kuwentuhan at napakalawak ng kanyang pag-iisip. “Pero kuya, ibig mong sabihin ay normal lang ang ginawa naming iyon?” “Hindi ako eksperto para magsabing normal o hindi normal iyan. Sabi nga ng isang batikang psychologist, wala daw pure 100% na lalaki. Gaano man ka sanggano ang isang tao, may soft spot din siya, iyon bang feminine part na humahanga, tumitingala sa kapwa lalaki, although sa iba’t-ibang degree nga lang. At alam mo bang halos 80% ng mga kalalakihan ay nakaranas ng ganyang experience, sa kapwa lalaki in one time or another sa buhay nila? At alam mo rin bang sa history ng ibang mga societies, naging parte ang relasyong lalaki sa lalaki sa kanilang mga kultura?” Napaisip ako. “Ganoon ba kuya? Kagaya ng aling kultura?” “Ancient Greece, Rome, ang mga Celtics, sa Persia, at marami pang ibang ancient countries. Tawag nila d’yan ay pederasty. Bagamat ang status ng pederasty ay nagbago over the course of history, minsan ay kinukunsidera rin itong ideal, at sa ibang panahon naman at lugar nagiging ay krimen o taboo. Sa mga kultura namang may practice na pederasty, ito ay bahagi ng kanilang tinatawag na ‘coming of age’ ritual. Ngunit kahit na taboo o naging krimen na ito sa ibang panahon at kultura, patuloy pa ring ginagawa ito nang patago. Kahit saan ay nand’yan ang lalaki sa lalaki na encounter. Kahit anong propesyon, name it. Sa Middle East halimbawa, bawal ito ngayon, pero maraming nangyayaring patago, lalo na dahil may s*x segregation sila o iyong bawal ang pakikihalubilo sa opposite gender. Sa mga Western countries naman naopen na sa ganyan, nariyan ang mga gay rights at same-s*x marriages.” “Talaga, Kuya? Ang galing naman ng mga nalalaman mo.” “Ang sabi pa sa nabasa ko, ang pederasty ay typically isang pangmadalian lang na parte sa buhay ng isang lalaki bilang ‘passing stage’ kung saan ang isang adolescent ay nagiging ‘beloved’ ng isang mas nakatatandang lalaki, who acts as a mentor. Mananatili siyang ganyan hanggang marating na rin niya ang tamang edad o ‘developmental threshold’ kung saan ay siya naman ang magkaroon ng isang mas batang ‘beloved’ para sa kanya. At alam mo bang naging common practice ito at a certain time o panahon sa mga sundalong Roman and Greek?” Napa-“wow” talaga ako sa galing ng explanation ni Kuya Paul Jake. “Bakit pala alam mo ang mga bagay na iyan kuya?” ang bigla kong naitanong. “Naging research ko iyan sa Sociology. Bunutan kasi ang topic at sa akin napunta iyan. Tawa nang tawa nga ang mga ka-klase ko sa akin eh. Pero, hindi naman ako nagsisi dahil marami akong nalalaman.” “N-naniwala ka rin bang lahat ng lalaki ay may soft spot na sinasabi mo?” “Oo naman. In fact may mga pag-aaral din dito at napatunayan na lahat ng tao ay may soft spot sa kanilang puso.” Natuwa naman ako sa sagot na iyon ni Kuya Paul Jake. Kasi, ibig sabihin, mayroon pala talagang nakaintindi sa nangyari sa akin. At normal lang pala ang lahat. Marami pa akong ibang bagay na nalaman mula kay Kuya Paul Jake sa gabing iyon. Nasabi ko tuloy na ang galing pala talagang kausap niya. Palibhasa, napakatalino niya. Academic scholar at palaging nasa top three ang pangalan sa honors’ list. Hanggang sa mag-aala-una na ng madaling araw at isa-isa na ring nag-aalisan ang iba pang mga customers. “Kuya, lasing na ako.” Ang sambit ko. “Ako rin eh. Magcheck-in na lang tayo d’yan sa hotel, sa kabilang kanto lang nitong bar.” “S-sige kuya. Parang di ko na yata kayang maglakad pa pabalik sa accommodation eh.” Nag-check in nga kami ni Kuya Paul Jake. Pagkabukas pa lang ng pintuan, kinarga na ako ni Kuya Paul Jake papasok sa kuwarto at marahang inihiga sa kama. Nakatihaya ako at kaagad kong itinakip ang kumot sa katawan gawa nang malamig na aircon. Napansin ko naman na matrimonial bed pala ang nakuha naming kuwarto pero wala na akong pakialam dahil sa naramdamang hilo at pagod. Si Kuya Paul Jake naman ay sandaling pumasok sa CR. Paglabas niya, nakatapis na ng tuwalya at dali-daling humiga sa tabi ko, hinila ang nag-iisang kumot na siya ring ginamit ko. Itinakip niya iyon sa kanyang katawan. Naidlip na ako ng bahagya noong naramdaman ko ang kamay ni Kuya Paul Jake sa mukha ko. Hinaplos-haplos ito. Dahil sa pagod at hilo hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. “Jason... gusto mo, g-gawin din natin ang ginawa ninyo ni Romwel?” ang narinig kong ibinulong ni Kuya Paul Jake sa aking tainga. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD