By Michael Juhagetmybox@hotmail.comfb: Michael Juha Full
--------------------------
Tuluyan na akong naalipin ng kamunduhan. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon si Kuya Rom at tila nawala ako sa tamang katinuan. Ipinaubaya ko ang sarili sa kanya habang sinisiil niya ng halik ang aking mga labi. Ramdam ko ang init na dumaloy sa aking buong katawan at ang naiibang kiliti na dulot noon. Langhap ko ang mabangong hininga ni Kuya Rom habang nilalaro ng kanyang dila ang aking dila at ang kaloob-looban ng bibig ko. “Ahhhh! Ahhhhhh!” ang pigil kong pag-ungol habang patuloy naman ang paghaplos ng kamay ko sa p*********i niya.
Maya-maya, ibinaba ni Kuya Rom ang shorts at brief niya upang malayang mahawakan ng aking kamay ang naghuhumindig niyang p*********i. Halos hindi ko mahawakan nang buo ito dahil sa sobrang taba. Patuloy ko itong hinihimas hanggang sa dumating sa punto na mabilisang ikinanyod-kanyod at idiniin-diin ito ni Kuya Rom sa mismong kamay ko. Naramdaman ko naman ang tila lalong paglaki nito. Nagulat ako noong niyakap niya ako nang mahigpit at kinagat ang aking labi.
“Arrgggggh!” Ang pigil na salitang lumabas sa bibig ko gawa ng sakit sa pagkagat niya. Ngunit hindi ito tinantanan ni Kuya Rom. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkagat niya sa labi ko at pagyakap niya nang mahigpit sa katawan ko na animo'y nawala siya sa tamang katinuan. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nabasa ang kamay ko na nakahawak sa ari niya, pati na ang t-shirt na suot ko. “Ahhhhhh! Ahhhhhh! Ahhhhhh!” Ang pigil niyang pag-ungol.
Hingal-kabayo si Kuya Rom nang nakaraos na. Maya-maya, inutusan niya akong tumihaya. Habang nakatagilid siya paharap sa akin, ibinaba naman niya ang shorts ko. Hinawakan niya sandali ang ari ko at mabilisang itinaas-baba ang kamay niya roon. “Magpalabas ka!” ang bulong niya sa akin.
Dahil naalipin na rin ako ng libog, dali-daling kinapa ko ang matigas ko na ring p*********i. Hinawi ko ang t-shirt ko na nabasang sa dagta ni Kuya. Itinaas ko ang tuhod ko upang hindi mapansin ang galaw ng kumot na nakatakip sa aming dalawa. At doon ko na nilaru-laro ang ari ko samantalang si Kuya Rom naman ay maingat na pumuwesto upang maabot ng bibig niya ang isa kong u***g at sinisipsip-sipsip at dinila-dilaan ito. Ibayong sarap at kiliti ang umalipin sa buo kong pagkatao. Hanggang sa naramdaman kong malapit na ako sa sukdulan. Noong napansin ni Kuya iyon, iginapang niya ang bibig niya sa bibig ko at siniil ako ng matinding halik. Dahil sa nakakadeliryong sarap, kinagat ko rin ang labi niya. “Uhmmmmp!” ang pigil na ungol niya.
“Ahhhhh! Ahhhhh! Ahhhhh!” Ang pigil kong pag-ungol. Hanggang sa naramdaman ang pagpulandit ng aking katas na tumama sa kumot, at ang iba ay sa tiyan ko.
Habol-habol ang paghinga ko pagkatapos noon. Nilingon ko si Kuya na naaninag ko pang ngumiti. Marahang sampal naman ang binitiwan niya na tumama sa aking pisngi. “Ang sakit mong kumagat ha!” ang pigil niyang pagsasalita.
“Eh, bakit? Ikaw naman ang unang nangagat ah!” ang sagot ko rin. Mistula kaming mga aso’t pusa.
Hanggang sa, “O sya, tulog na tayo, may laro pa tayo bukas nang maaga.”
“Night Kuya...”
“Night.”
Nakatulog kaming pareho, nakadantay ang isang paa ni Kuya Rom sa harapan ko at ang isang kamay niya sa dibdib ko. Hinayaan na lang namin ang mga dagtang nagkalat sa tiyan ko, sa t-shirt, at sa kumot. Wala kaming pakialam.
Kinabukasan, maaga kaming nagising. Nang magkasalubong ang aming mga mata, binitiwan niya ang isang nakakaengganyong ngiti. “Good morning bunso!” ang pag-greet niya sa akin. Parang wala lang nangyari. Pakiwari ko nga ay masayang-masaya si Kuya Rom. Dama ko pa rin ang sigla niya.
Nginiti-an ko rin siya, “Morning kuya!”
At iyon, bigla na lang niyang ginulo ang buhok ko, kiniliti ang tiyan sabay balikwas at takbo papunta sa sampayan ng mga tuwalya namin. “Ligo na tayo, may laro pa tayo!”
Ewan ko ba ngunit tila iba ang saya na naramdaman ko sa umagang iyon. Inspired, excited... di ko lubos maipaliwanag. Sa pagkakataong iyon, tila may kulay na ang mga kulitan at harutan namin.
Bumalikwas din ako at inayos ang hinigaan. Sandali lang iyon at pagkatapos, bumalik din siya, isinablay sa balikat ko ang aking tuwalya na sabay niyang kinuha sa kanya mula sa aming sampayan. Muli, ginulo niya ang aking buhok. “Tara!” ang pag-apura niya, dala-dala niya ang isang sabong pampaligo at isang bote ng shampoo. Iisa lang talaga ang gamit naming sabon at shampoo. Tila ganoon na kami ka close.
Nang marating na namin ang shower, marami nang nakapila. Kaya hinikayat niya akong sa ilog na lang kami maligo upang hindi mahuli sa kainan. Ibang pila na naman kasi ang pagkuha ng pagkain. At kailangan naming mauna dahil first game kami sa araw na iyon.
Unahan kami sa pagtakbo papuntang ilog. Pagdating doon, unahan din kami sa paghubad ng t-shirt at pantalon. Nauna akong lumusong sa tubig, hanggang sa maabot ko ang lalim na hanggang leeg. Huminto ako roon dahil hindi naman ako marunong lumangoy at natakot na baka may mangyari uli sa akin. Nilingon ko si Kuya Rom, nasa aplaya pa rin, mistulang nagdadalawang-isip na lumusong sa tubig, marahil sa lamig. Nakahubad na siya ng pantalon at t-shirt at tanging brief na lamang ang natira sa kanyang katawan. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa akin.
Sa pagkakita ko sa anyo niya, naramdaman ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko lubos maintindihan ang sarili. Tila may gumapang na magkahalong kiliti, excitement, at paghanga sa ganda ng porma ng katawan ni Kuya Rom na mistulang sa isang modelo o artista. Bigla ring sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin sa gabing nakaraan.
“Anong tinitingnan-tingan mo d’yan!” sigaw niya sa akin sabay pulot ng maliliit na mga bato at pabirong inihagis ang mga iyon sa akin.
Umiilang-ilang ako sabay sagot, “Takot sa tubig, kambing – nyahahahaha!” ang pang-aalaska ko rin.
“Kambing ka d’yan, pag nahuli kita, lagot ka sa akin!” Dali-dali siyang lumusong sa tubig at tinumbok ang kinatatayuan ko. Naghabulan kami. Ngunit dahil may takot na ako na baka mapunta sa malalim na bahagi ng ilog, nahuli rin niya ako.
“Huli ka!” sigaw iya. Hinawakan niya ang kamay ko habang pumipiglas ako. “Kuya, maligo na tayo, sige ka… mahuli tayo sa kainan, magagalit na naman si coach” ang pag-aalibi ko upang bitiwan niya.
Ngunit hindi pa rin niya ako binitawan. Naisipan kong huwag na lang pumiglas at humarap na lang sa kanya. Tinitigan ko siya.
Ewan ko ba, ngunit sa inasta niyang nakipagtitigan at iyong titig pa na mistulang nakakaloko, feeling ko ay kinalampag na naman ang dibdib ko habang hawak-hawak pa rin niya ang aking kamay.
“Sino ang sumagip sa iyo noong muntik ka nang malunod dito... dahil sa katangahan mo?” ang tanong niya.
Na siya namang ikinaiinis ko. Isiningit ba naman ang salitang “katangahan ko”. Kaya ang isinagot ko ay pabalang din. “Bakit? Wala naman akong pinakiusapang tao na sagipin ako ah!”
“Abat...! tarantadong ito ah! Kanino mo utang ang buhay mo?” ang tanong uli niya.
“Sa mga magulang ko!”
“Pilosopo ka rin, ah! Hinahamon mo talaga ako no? Gusto mo, ilulublob kita sa tubig? Sumagot ka ng maayos! Kanino mo utang ang buhay mo?” ang pag-ulit niya sa tanong.
“Sa taas!” sabay turo ko sa langit.
At doon na niya ako nilublob sa tubig. “Tado ka talaga. Lulunurin na kita...”
“Ok! Ok!!! Ikaw! Ikaw na!” ang sigaw ko na. Muntik na kasi akong makalulon ng tubig.
“Good! Ngayon, natandaan mo pa ba ang pangako mo na gagawin mo ang kung ano man ang ipagagawa ko sa iyo kapalit ng pagsagip ko sa buhay mo?”
Dahil nakikinita ko na ang sunod na mangyayari sa takbo ng tanong, ang naisagot ko ay, “Kuya ha… ayoko na! Alam ko na kung saan na naman hahantong iyan! Ayaw ko nang gawin iyon.”
Natawa siya ng malakas. “Bakit? Ano ba ang nasa isip mo? Malaswa, ano? Ang i-uutos ko lang naman sa iyo ay kunin mo ang sabon at shampoo na nasa aplaya upang matapos na tayo sa paliligo rito, tarantado ka,” ang pabiro niyang sabi.
Natameme naman ako sabay bulong ng, “Hpmpt! Iyon lang pala...” na ang tono ay may bahid malisya. Tinumbok ko kaagad ang kinaroroonan ng sabon at shampoo at dinala ang mga ito sa kanya.
Noong inabot ko na sa kanya ang mga ito, nabigla naman ako sa sinabi niya. “Iyong nasa isip mo na malaswa ay mamayang gabi ko na ipapagawa sa iyo! May laro pa kasi tayo eh.”
“Waaaahhhh! Ansama mo Kuya! Manyak ka talaga! Ayoko nga!” ang sagot ko habang tumatawa.
Tumawa na rin siya. “Tingnan natin mamaya kung makaka-ayaw ka.”
“Abababa! Assuming siya!” ang sigaw ng utak ko.
Pero sa totoo lang, may kilig din na dulot sa akin ang sinabi niyang iyon. Ewan, naguguluhan din ako. Pero sa sarili ko, alam kong hindi ako bakla. Basta, parang iniisip ko na lang na katuwaan lang iyong ginawa namin ni Kuya Rom dahil sa sobrang close namin sa isa’t-isa. At confident ako na hinding-hindi ko hahanap-hanapin ang ganoon. Alam ko rin namang hindi seryosohan ang ganoong klaseng gawain. Alam ko, babae ang hanap ni Kuya Rom. Siguro ay bahagi lang din iyon ng kabataan namin. Adventurism kumbaga, resulta ng libog, o paglalambing bilang kunyari ay mag-kuya… Ewan, hindi ko rin talaga alam. Iyon pa lang kasi ang nag-iisang karanasan ko sa s*x, at nangyari iyon sa kapwa ko lalaki - kay Kuya Rom.
Huling araw na iyon ng palaro at dahil sa inspired ako sa araw na iyon, inigihan ko talaga ang trabaho ko bilang tosser ng team. Kaya kahit mahihirap na bola ay nagawa ko pa ring ibigay ng maayos sa mga spikers. Kitang-kita ko rin ang mataas na level ng energy ni Kuya Rom. Kaya sa dalawang laban namin sa araw na iyon, parehong naipanalo namin. Sa sobrang tuwa ay kinarga ako ni Kuya Rom at ng ibang teammates sa court at iniikot-ikot. Ako raw ang kanilang hero.
Sa kabuuan ay naging second place kami ngunit laking tuwa pa rin ng team. Noon lang daw napasok sa top 3 ang team sa tagal ng panahon dahil malalakas daw ang kalaban. Syempre, abot-tainga ang ngiti ko, at abot-langit ang tuwa. “Sa sunod, tayo na ang mag-Champion nito!” biro ng mga ka-teammates ko.
Huling gabi namin ay nakaranas na ako ng kakaibang lungkot. May naramdaman akong saya dahil sa pagkapanalo namin ng second place ngunit hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit may dala itong lungkot. Lalo na kapag naiisip ko na iyon na ang huling pagtabi namin sa pagtulog ni Kuya Rom. Sa ilang araw naming pagsasama sa palarong iyon, sobrang saya at enjoy kami sa samahan, sa mga games, magkasama sa lungkot at saya, hirap, at pati na rin mga private moments namin ni Kuya. Pero may kabog din sa dibdib ko ang sinabi niya sa may ilog noong umagang iyon tungkol sa ipapagawa daw niya sa akin, iyong “malaswang” laman ng isip ko. Napapangiti rin ako sa sarili. “Loko talaga tong si Kuya!” Iyan ang isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa kanya. Mabait, maalalahanin, malambing, sweet... ngunit malaswa. Mahirap mang aminin, nagustuhan ko ang mga kalaswaan niya at inaasam-asam ko ito.
Ngunit hindi ipinagkaloob ng panahon na mangyari pa ang sinabi niya. Alas-5 ng hapon noong matanggap ni Kuya Rom ang text message ng girlfriend niyang si Kris. May bahay daw kasi ang nobya niya sa kabilang bayan na may mga 20 kilometro lang ang layo sa lugar kung saan ginanap ang palarong sinalihan namin. Susunduin daw niya si Kuya Rom at magmomotorsiklo lang. At doon sila matutulog sa bahay ng kasintahan niya. Babalik nalang daw si Kuya Rom kinabukasan para makahabol sa awarding ceremony. Pinayagan naman siya ng coach dahil wala na ngang laro.
Dahil ipinagmamalaki ni Kuya Rom ang girlfriend niya sa buong team, sinamahan namin siya sa may bukana ng school building kung saan kami naka-lodge. Sa harap nito ay ang highway kung saan siya dadaanan ng kanyang girlfriend.
Eksaktong alas-syete nang dumating ang babae niya. Noong bumaba ito sa motorsiklo, napa-“Wow!” kaming lahat at tila nahipnotismo. Napakaganda niya, may 5’9 o 5’10 ang tangkad, mahaba ang buhok, long-legged at sa suot na faded jeans at body-fit na t-shirt, bakat na bakat ang ganda ng hugis ng katawan. Pang-model material at bagay na bagay sila ni Kuya Rom.
“Pare! Ang galing mo talagang pumili! Shiiiitttt! Hayop sa ganda, tangina! Pag nagka-girlfriend ako ng ganyan puwede na akong mamatay!” ang sambit ng isang ka teammate namin. Sumunod naman ang iba na pumuri.
Hindi ko naman maintindihan ang sarili sa naramdaman. Tila may sumundot na kirot sa aking puso. Para akong nagseselos. Pakiwari ko ay bigla akong na out-of-place. Kung natatamasa ko ang espesyal na trato sa akin ni Kuya Rom kapag kami lang sa team, nang sumulpot ang girlfriend niya ay biglang nagbago ang lahat. Tila hindi na niya ako napapansin, parang etsapuwera na lang, parang hindi nagi-exist.
Agad na sinalubong ni Kuya Rom ang girlfriend niya at nagyakapan sila, nag-smooch. Saksi naming lahat kung gaano sila ka-sweet sa isa’t-isa. Masakit mang aminin ngunit nakakainggit.
Pagkatapos nilang magkumustahan at itinuro kaming lahat ni Kuya Rom pagpakilalang teammates niya, dali-daling umangkas na siya sa motorsiklo at umangkas na rin ang babae sa likuran niya. At bago pinaandar ang sasakyan, nagbabay sila sa grupo at tumuloy na, na tila nagmamadali at sabik na sabik sa isa’t-isa.
Sinundan ng aking tingin ang papalayong motorsiklo. Kitang-kita ko ang higpit na pagyakap ng babae sa baywang ni Kuya Rom.
Sa nasaksihan, biglang naramdaman ko ang panlulumo ng aking buong katawan. Bigla rin akong nalungkot. Pakiwari ko sa mga oras na iyon ay nag-iisa lang ako, isinantabi, iniwanan ng taong inakala kong “Kuya” na siyang mag-aalaga sa akin.
Dahil lagpas alas-syete na iyon ng gabi, naisipan kong dumiretso na lang sa tulugan namin. Inilatag ko ang comforter na higaan at nahiga. Niyakap ko ang unan niya at ipinikit ang mga mata, pinilit ang sariling makatulog.
Subalit hindi ako dalawin ng antok. Sumisiksik sa isip ko si Kuya Rom. Nai-imagine kong masayang-masaya silang dalawa ng kasintahan niya sa kung saan man sila nagpunta. Nai-imagine ko rin na magkatabi silang natulog, magkayakap, naghahalikan, at sabay na nilasap ang sarap na dulot ng kanilang pagmamahalan.
Naramdaman ko na lang ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. Hinayaan ko ang mga itong pumatak at tumagos sa aking unan.
***