Chapter 8

2803 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------------   Sa buong magdamag na iyon, natulog kaming magkatabi ni Kuya Rom. At sa pagkakatong iyon, malaya naming nagawa ang mga bagay na sana ay hindi dapat mangyari sa pagitan ng dalawang normal na lalaki, na ang nagtuturingan pa naman sa isa’t-isa ay “mag-kuya”. Pero masaya... sobra. Panandalian kong nalimutan ang mga katanungan sa aking isip ang inis ko sa kanya sa athletic meet. Sa buong buhay ko ay noon ko lang naranasan ang ganoong klaseng saya. Marahil ay dahil kay Kuya Rom ko rin unang naranasan ang sinasabi nilang “s*x”. Alam kong mali ito dahil lalaki ako at lalaki rin si Kuya Rom. Ngunit wala akong pakialam. Bagamat sa pinakasulok ng aking utak ay may mga katanungan tungkol sa kung ano ba ang tunay kong pagkatao, nag-uumapaw pa rin sa puso ko ang sobrang kasiyahan. Pakiramdam ko ay isa akong babae na sa wakas ay natagpuan na ang kanyang “Knight-in-shining-armor”. Syempre, may naramdaman din akong pagkalito sa set-up namin. Iyon bang, may nangyari sa amin, may naramdaman akong kakaiba para sa kanya na inassume kong ganoon din siya sa akin, pero wala naman siyang sinasabi kung mahal ba talaga niya ako. Nagtatanong ang isip ko kung totohanan ba iyong ginawa namin o isang laro lang na pagkatapos ay puwede nang ibaon sa limot.             Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kaligayahang iyon. Ngunit nang magbalik-eskwela na, syempre, balik na naman kami sa dating gawi. Aral, praktis sa pagba-volleyball, bangkaan sa tropa. Pero sa nangyari sa amin ni Kuya Rom, pakiramdam ko ay nasa ibang level na nga ang pagiging close naming dalawa. Kahit wala siyang sinasabi na kami na, ina-assume ko talaga na may karapatan na ako sa kanya, sa kabila nang pagtutol ng isang bahagi ng utak ko na angkinin ko na ang korona sa puso niya. Isang gabi, tapos na ang praktis namin noon at uuwi na sana kami. Nakagawian na kasi ni Kuya Rom na ihatid ako sa bahay kapag ganyang magkasabay ang uwi namin. Ngunit may nagyaya sa kanya na maglaro ng basketball. Baketball player din kasi si Kuya Rom. Kahit na ang pinili niyang event sa varsity team ay volleyball, basketball talaga ang hilig niya. Kadalasan, ganyan ang nangyayari. Kahit katatapos pa lang ng praktis namin sa volleyball, kapag may nagyayayang maglaro ng basketball, maglalaro pa rin siya. Parang walang kapaguran. Ang totoo niyan, kaya niya hindi pinili ang basketball sa varsity team ay dahil sa pag-give way niya upang makapasok ang isang kaibigan. At dahil gusto rin naman daw niya ang volleyball at naiibang challenge daw din ito para sa kanya kaya siya napasama sa team, at naging team captain pa. “Tol… hintayin mo ako ha? Maglaro muna ako ng basketball.” Ang pakiusap niya. “Ano??? Maghihintay ako sa iyo, e gabi na! Kung gusto mong maglaro, uuwi na lang ako!” ang mataray kong sagot, sabay pagdadabog. “Ito naman, o. Pagbigyan mo na ako, please?” “Anong oras na akong makauwi nito sa bahay? Gabi na!” “Ano ka ba? Kahit alas dose pa ng gabi, ihahatid kita. Bakit wala ka bang tiwala sa abs na ‘to?” pagpapatawa pa niya, sabay hawi sa harapang dulo ng t-shirt upang malantad ang tiyan. “Yukkk!” ang kunyari kong pag-react kahit na nakikiliti rin ako sa pagpapakita niya sa akin noon. “Anong kinalaman ng abs mo sa takot ko?” ang dugtong kong pang-ookray. Napangiti naman siya, “E di, ihahatid kita eh! Problema ba iyan. At doon na rin ako matulog.” Sabay bitiw ng isang malisyosong tingin, at makalag-laglag brief na ngiti. “O… ano? Deal?” ang pag-follow-up niya, ang mga mata ay nakatitig sa mukha ko. E, ano pa ba ang magagawa ng lola nyo. Sa ngiti pa lang ng hinayupak ay tila may gumagapang nang magkahalong init at kiliti sa aking katawan, nakikinita na may mangyari na namang karumal-dumal na tagpo sa gabing iyon. “Sige na nga!” ang sabi kong kunyari ay masama pa rin ang loob. “Ayan… ang bait talaga ng bunso. Hmm!” Ang tuwang-tuwang sabi papuri niya, sabay kurot sa pisngi ko na tila nanggigigil. “ Ibinigay naman niya kaagad sa akin ang kanyang cp at ang bag na may mga damit pambihis at ibang gamit sa school, atsaka dali-daling naghubad ng pang-itaas na damit. Nagulat naman ako nang sa pagpasok niya sa court ay nagpalakpakan ang may ilang grupo ng kababaihan at nagsisigaw, “Romwel! Romwel! Romwel!” Tiningnan ko ang mga ito sabay sigaw sa sarili ng, “Mga lukaret!” at tumungo na ako sa upuan sa gilid ng court upang doon maghintay. Noong una, nanood muna ako sa laro nila. In fairness, talagang ang galing din ni Kuya Rom maglaro. Maliksi, mabilis tumakbo, mataas ang talon, palaging nakaka-shoot, at ang porma, lalaking-lalaki. At hindi maiwasang lalo akong humanga sa kanya. No wonder na tinatawag siyang “crush ng bayan”. Sa porma ba namang hunk na hunk, 6’1” na taas, at galing sa paglalaro. At ewan ko rin ba, pakiramdam ko ay nagpapakitang-gilas din siya sa akin. Actually, hindi rin talaga ako sigurado. Siguro, ay masyado ko lang kina-career yung “haba-ng-hair” feeling noong gabing doon siya natulog sa bahay at ipinagluto pa niya ako ng dinner. Baka rin kasing sa mga babaeng tagahanga niya siya nagpapakitang-gilas. Alam ko, mga die-hard fanatics ang mga iyon. Karamihan sa kanila ay dumadayo lang talaga sa gym upang tingnan kung naglalaro si Kuya Rom, at kapag nakikita nilang naglalaro, hayun, hindi na aalis hanggang sa lalabas and kahuli-hulihang patak ng pawis ng idolo nila. Kaya kapag naka-shoot si Kuya Rom, kunyari hindi ako nakatingin. Syempre, kahit sa nangyari sa amin at sa naramdaman kong kakaiba para sa kanya, ayokong ipahalata na patay na patay ako sa kanya. Sino ba ako, mga ateng… di ba? I mean, ikaw ba naman ang nasa lugar ko na may nangyari na sa inyo noong lalaki at bigla kang tinubuan ng pagnanasa sa puso subalit ang lalaki pala ay ni wala man lang binanggit na “I love you” o kahit iyong pagklaro sa status ninyo kung “in a relationship” na ba kayo or kahit iyong “in a complicated relationship” o ano… Ano iyon? Praktis? Di ba nakakahiya? May pride din kaya ako. Ayokong ipangalandakan sa mukha niya na may karapatan na ako sa kanya at to the max na ako o kaya’y for life. Ayoko noon. E, kung bigla na lang akong pagsabihan ng, “Eww!!” o kaya’y “Asa ka pa!” o kaya’y pagtawanan. Siguro pag nangyari iyan, kakain na lang ako ng maraming chocolate cake na may Dora rat killer at pagkatapos ay magpasagasa sa pison. Atsaka, hindi pa rin naman ako certified by PAMET kung talagang miyembro na nga ako sa federasyon eh. Ewan kung nasa state-of-denial lang ang aking utak o baka hindi naman talaga ako bakla. Nakakalito talaga, Dra. Margie Holmes. Grabe. Anyway, may sampung minuto na akong nakaupo at nanonood sa laro nila noong may nag-text sa cp niya. E, busy sa paglalaro iyong tao, kaya di ko na pinansin. Maya-maya, may text uli. At may sumunod pa. Siguro naka sampung texts na noong hindi ko na natiis na hindi buksan ang isang message. Aba’y hindi biro ang pagti-text ng sampung beses na sunod-sunod huh! Ngunit walang pangalan na nakalagay kung kanino galing ang text at ang nakaregister lang sa cp ay “5”. “Ano naman kaya ang ibig sabihin ng “5”? May pa-code-code pa!” ang sigaw ko sa sarili. Binasa ko ang message at ang sabi ay, “Babe, ano ba? Reply ka naman kung matutuloy ba ang date natin!” Pakiwari ko ay may kidlat na biglang tumama sa akin ulo at ako’y biglang nawalan ng tamang katinuan. Iyon bang feeling na trinaydor ka at bigla mo na lang naramdaman na parang ang lahat ng dugo sa iyong kaugatan ay dumaloy patungo sa iyong utak at ang lumalabas sa butas ng iyong ilong ay puro usok dahil sa matinding galit. “Hmpt! Babe pa talaga!” ang panggagalaiting pagmamaktol ko sa sarili. “Ang sabi ay ihahatid ako pagkatapos ay may date pala ang hunghang? Punyeta siya!” Hindi ko talaga alam ang gagawin nang mabasa ko ang message na iyon. “Parang sobra na yata ang ginawa ng herodes na iyon! Pagkatapos niya akong lapastanganin, ngayon ay ibang babae naman i-date? Manyak siya!” Maya-maya uli, heto, nag-ring ang phone. At iyong “5” pa rin ang nakaregister. Dahil sa inis ko na talaga, ako na ang sumagot. “Sino to?” Hindi nga ako nagkamali. Babae ang nasa kabilang linya. “Sino to?!” Ang sagot din niya, halatang mataray. “Si Romwel ba ang hinahanap mo?” ang tanong ko. “Oo naman, cp niya to di ba? Sino ka ba? At bakit nasa iyo itong cp niya?” ”At mataray talaga!” Sa isip ko lang. Sa galit ko, naisipan kong okrayin siya. “Kapatid niya ito. Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?” “Kapatid? Wala naman siyang sinabing may kapatid siya ah!” “Bakit. Lahat ba ng mga bagay sa kanya ay kailangang niyang sabihin sa iyo? May kapatid siya at ako iyon!” “Pwes, wala akong pakialam kung kapatid ka niya. May date kami, nasaan ba siya?” “Aba... kahit sinabi ko na na kapatid ako, mataray pa rin kung magsalita!” sa isip ko lang. “Ah… nakaalis na siya niya patungo sa ka-date niya eh.” Ang sagot ko. “Sandali… ano ba pala ang pangalan mo?” “Karen!” “Hah?!” Kunyari nagulat ako. “E…sabi niya Grace daw ang ka-date niya ngayon!” “Anong Grace pinagsasabi mo?!” Ang tanong niya, ang boses ay lalo pang tumaas. “Eh… sorry. Grace talaga ang narinig ko e.” “Tanginang taong iyon! Sino naman ang Grace na iyon!?” “Ay, malay ko ko ba! Basta girlfriend daw niya! Bakit, girlfriend ka rin ba niya?” “Oo! Ako lang ang girlfriend niya at ako rin ka-date niya ngayon!” “Ay... pasensya ka na, pero ang alam ko, marami kayo. At may nauna na sa iyo sa booking niya ngayong gabi.” Ang pang-aasar ko pa. “Di bale, may good news naman. Kasi, unlimited pagpa-rebook sa kanya, first-come, first-served nga lang. Bye…” sabay putol sa linya. Nag-ring uli, pero pinatay ko na rin ang power ng cp. “Magdusa ka!” bulong ko sa sarili. Sa sobrang galit, kinapa ko ang cp ko at tinext si Kuya Paul Jake. “Kuya, saan ka ngayon?” “Dito pa sa locker room, bakit?” Dito pa ako sa gym, sama na tayo sa pag-uwi? Wala akong kasama eh.” Ang pagreply ko. “Ahhh. OK. Bakit si Romwel, nasaan pala?” “May ka-date kuya! Puntahan na kita d’yan at sabay na tayong umuwi” “OK, paalis na rin ako, antay kita.” Sa pagkabasa sa message niyang iyon, ipinakisuyo ko kaagad ang cp at bag ni Kuya Rom sa isang kasama rin namin sa team na nakipanood ng laro. Nakalabas na kami ng campus ni Kuya Paul Jake nang bigla namang nagyaya siya na mag bar muna kami. Dahil sa hapon pa naman ang pasok ko kinabukasan at dahil na rin sa naramdamang pagkainis, sumang-ayon ako. Tinext ko ang mama ko na matagalan akong umuwi. Ang idinahilan ko ay si Kuya Rom ang kasama ko sa labas. Kapag si Kuya Rom kasi ang sasabihin kong kasama, kahit pa hindi ako umuuwi ng bahay, wala nang maraming tanong pa. Nagbar kami ni Kuya Paul Jake. Ang gustong-gusto ko kay Kuya Paul Jake ay palagi siyang available kapag tinatawagan ko. Isa siya sa masasabi kong nakababatang kapatid talaga ang turing sa akin, kagaya rin ng pagtrato sa akin ni Kuya Rom. Matalino, magaling magbigay ng advice, pala-kwento, marami kang matututunan. At masayang kausap. Ngunit sa pagkakataong iyon ay wala kaming imikan simula pa sa pagpasok namin ng bar. Nang magsimula na kami sa tig-iisang bote ng beer, nag ring ang cp ko. Si Kuya Rom. Agad ko itong pinatay. Alam ko, pagagalitan ako noon dahil sa ginawa ko sa babae niya. Pero wala akong pakialam. Nag-ring uli. At pinatay ko uli. Nag-ring na naman, at muli, pinatay ko. Nakailang ring at patay din ako sa aking cp. Dahil sa hindi ko pagsagot, sunod-sunod na ang texts na pumapasok sa inbox ko. Hindi ko binasa ang mga ito. Mas lalong hindi ko sinagot. “Bakit di mo sagutin?” ang tanong si Kuya Paul Jake. “Ayoko...” ang maiksi kong tugon na nakayuko, ang isang daliri ay iginuri-guri sa bibig ng bote ng beer. Hindi na nagtanong pa ni Kuya Paul Jake. Marahil ay alam niyang masama ang loob ko. Naka tigdadalawang beer na kami noong binasag ni Kuya Paul Jake ang katahimikan. “Hmm, nakakahalata na ako sa iyo ah…” May tuwa naman akong nadarama sa tanong niyang iyon. Feeling ko kasi kapag si Kuya Paul Jake ang kasama ko, malaya kong nasasabi lahat. Simula noong inamin ko sa kanya na may nangyari nga sa amin ni Kuya Rom, gustong-gusto ko na siyang makausap. “Eh… ewan ko ba Kuya, hindi ko maintindihan ang sarili.” Ang sagot ko. “Di ba, sinabi ko na sa iyo na dapat huwag mong hayaan ang sarili na alipinin ka ng emosyon sa kung ano mang pisikal o sekswal na pakikipag-ugnayan ninyo dahil lalaki si Romwel at ikaw ay lalaki rin. Babae ang hinahanap noon at ikaw, dapat ay sa babae ka rin magkaroon ng emotional na attachment. Ang pangarap ni Romwel ay ang magkaroon ng normal na pamilya, ng asawa, ng anak. At dapat, ikaw ay ganoon din. Sooner or later, mag-aasawa iyan at kapag may emotional attachment ka sa kanya, paano ka na lang kapag nag-iisa ka na lang? Sa akala mo ba ay i-give up niya ang pag-aasawa nang dahil lang sa iyo? Try to think of it.” Hindi na ako kumibo. Napakatalino kasi ni Kuya Paul Jake, tumbok kaagad niya ang saloobin ko na lalo namang nagpabigat ng aking kalooban. Alam ko… tama si Kuya Paul Jake, at pawang katotohanan ang kanyang mga sinasabi. Hindi ko na nakayanan pa ang sarili at napahagulgol na lang, hinila ko ang dulo ng aking t-hsirt at pinahid ko ito sa mga luhang dumaloy sa aking mga mata, hindi alintana ang ibang mga taong umiinom din at nakatingin. Iniabot ni Kuya Paul Jake ang tissue. “Hayan kasi... sinabi ko na sa iyo na huwag kang padadaig...” “Hindi ko naman kasi sinadya Kuya eh. Bakit, kasalanan ko ba kung may nararamdaman akong ganito? Iyan naman kasing tao na iyan ang pasimula ng lahat e,” ang paninisi ko kay Kuya Rom. Hindi kumibo si Kuya Paul Jake. Marahil ay naintindihan niya ang bigat ng dinadala ko. “Kasi naman ang taong iyon, hindi ko maintindihan. Palagi akong inaasar, at pagkatapos, sweet na sweet na uli. Tapos, aakitin ako, at pagkatapos, sasaktan din. Tapos, dumidikit palagi sa akin, minsan doon matutulog sa bahay, tapos, iiwanan na lang din akong bigla... lalo na kapag may babae.” “Ok, ok...” pang-aamo niya. “Alam mo, sa tingin ko, ang problema ay nasa iyo.” “N-nasa akin?” napatingin ako sa kanya. “Bakit?” “Bakit? Dahil hindi niya alam na mayroon kang naramdaman para sa kanya. At sa tingin ko, wala siyang naramdamang kakaiba para sa iyo. Kaya diyan ang conflict. Kumbaga, mahal mo siya, ngunit iba naman ang mahal niya.” “K-kahit may nangyari na sa amin?” ang mabilis kong tugon. “What’s the big deal kung may nangyari sa inyo? Malay mo, inaakala lang niya na dahil OK lang sa iyo ang lahat, kaya iyon na. Para bang sabay lang kayong nanood ng isang magandang palabas sa TV at pagkatapos noon ay wala na. Maaaring pag-usapan ninyo ang napanood ninyo, ngunit pwede ring hindi. Tapos!” “Iyon lang iyon?” “Para sa kanya, maaaring iyon lang iyon. Pero kung gusto mo, kausapin mo siya tungkol sa naramdaman mo, para maintindihan niya ang lahat. At sabihin mo kung ano ang gusto mong mangyari. Di ba close kayo, at bunso nga ang tawag niya sa iyo? Maiintindihan ka noon” “Ang hirap naman yata niyon, Kuya. Paano kung hindi?” “Alam mo, sa buhay ng isang tao, minsan ay darating at darating din ang time na wala tayong ibang choice kundi ang gumawa ng desisyon at harapin ng buong tapang ang risks at consequences na kaakibat nito. Facing the risks are also opportunities to learn, to improve, and to succeed. Kapag takot kang humarap sa risk, walang mangyayari sa buhay mo, or sa pag-ibig, for that matter. Lahat ng klaseng pag-ibig ay ipinadarama. At dapat ay maramdaman niya ito. Tandaan mo iyan. Dahil kung hindi, ikaw rin ang magdurusa. Hanggang kailan? Kaya, sabihin mo na... Malay mo, may naramdaman din siya para sa iyo. Pero kung wala naman, at least, nasabi mo ang saloobin mo. Masakit man ito pero kahit papaano ay nalaman mo ang kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa iyong isipan. Kaya harapin mo ang risk. Malay mo...” “S-sige Kuya. Pag-isipan ko ang payo mo.” Ang nasabi ko na lang.   Mag-aalas dose na ng gabi noong inihatid na ako ni Kuya Paul Jake sa bahay. Medyo lasing ng kaunti at groggy ang paglalakad. Katulong namin ang nagbukas ng pinto at dali-dali kaagad akong umakyat sa kuwarto ko. Ngunit laking gulat ko noong nasa loob na ako ng kuwarto. Sumalubong sa pandinig ko ang kanta –   *Sometimes I feel like I'm all alone, wondering how, what have I done wrong Maybe I'm just missing you all along, when will you be coming home back to me...”   Si Kuya Rom. Nasa music corner siya ng kwarto ko, nagsa-sound trip, at pinatugtog ang kanta naming iyon, at sa tingin ko ay lasing na lasing na. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD